"Sorry miss sorry sorry." Wika ng isang baritonong boses
"Hindi. Okay lang." Sagot ko naman sa kanya.
Pagka sabi ko ay pinulot ko naman ang mga nahulog kong gamit.
"H-hera?" Wika naman ulit ng lalaking nakabunggo saken
Hindi ko pa kase sya tinitingnan kase busy ako pagpupulot ng gamit ko. Teka? Bakit kaya ako nito kilala?
Tumingala ako para makita ang mukha nya.
"D-Diego? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko naman sa kanya
Oo tama kayo ng narinig/nabasa. Hahaha Si Diego yung nakabunggo saken.
"Sabi ko na ikaw yun eh." Wika nya na hindi pa rin sinasagot ang tanong ko
"Sabi ko anong ginagawa mo dito? Inistalked mo ko nu?" Pabiro ko namang tanong sa kanya.
"Stalked? Wow. Hahahaha yan ba ang natututunan mo kay ricci?" Pabiro nya namang sabi
This time alam na nya ata yung tungkol samen ni ricci. Last time kase ang clueless nya sa mga nakita nya eh. Hahaha siguro naikwento na rin sa kanya ni ricci.
"Ba't naman napasama si ricci sa usapan?" Natatawa ko namang tanong sa kanya
"Nevermind..." he paused
...By the way, I'm not stalking you miss. To be honest I'm always here every weekend. I always help sister clara especially with the children." Nagulat naman ako sa sinabi nya. Isang diego dario tumutulong sa mga ganitong klaseng orphanage.
Curious.
Very curious.
"Oh. What's with the face?" Takang taka nya namang tanong
"Wala." I just give him a smile. Ayoko namang sabihin sa kanya na pinag iisipan ko sya ng ganun. Hahaha
"Ikaw? What are you doing here? Ngayon lang kita nakita dito ah"
"Oo. Ngayon lang naman kase ako pumunta ulit dito. Simula nung.." napatigil naman ako sa pagkikwento. Naisip ko dapat ko ba tong sabihin sa kanya.
"It's okay hera. You can tell everything besides, we're friends naman na di ba?"
Tinaguan ko naman sya at nagpatuloy sa pagkikwento.
"..mula nung umalis si dad papunta sa singapore."
--
Nagkwentuhan lang kami dun for almost an hour at nagpasama na rin ako sa kanya papunta sa office ni sister clara.
Hindi ko alam pero biglang gumaan yung pakiramdam ko dito kay Diego. Actually mula nung magkita kami in a "unique way" as he said magaan na talaga yung pakiramdam ko dito sa taong 'to eh.
Parang matagal ko na syang kilala.
--
"So we're here," wika ni Diego
Abot langit ang tahip ng diddib ko ng makarating kami sa opisina ni Sister Clara. Hindi dahil sa pagod ako kase naglakad lang naman ako.
Ewan ko kung bakit pero, parang may hindi tama..
Dahan dahan kong inabot ang door knob at pinihit ito.
Umalis muna si Diego may gagawin pa daw kase sya eh,
Pumasok ako sa loob at inobserbahan ito. Walang tao sa loob ng dumating ako. Pero hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para maglibot libot sa loob. Sa may kanang bahagi ng opisina ay napansin ko ang isang kaha na may nakasulat CHILDRENS FILES.
Dahan dahan akong lumapit dito, hindi ko alam pero may kung anong nagtulak saken para buksan ito. Pagkabukas ko sa kaha ay nakakita ako ng ilang mga lumang folder na may mga nakasulat na pangalan.
Siguro mga pangalan ng batang nandito sa orphanage.
Ngunit isang pangalan ang nakapukaw sa aking mga mata
"K-Kassandra" Basa ko dito
Dugdug
Dugdug
Bigla ko namang nasapo ang dibdib ko. I-Imposible naman na magkaroon ako ng files dito di ba?
Kinuha ko ito pero laking gulat ko dahil walang apelyidong kasama. As in Kassandra lang talaga yung nakasulat.
Ano ba yan. Kung anu-ano tuloy ang pumapasok sa isip ko.
Bubuksan ko ba? O hindi?
Dahan-dahan ko itong binuklat
3
2
1
Ng biglang..
**
BINABASA MO ANG
Thy Will Be Done | Ricci Rivero (ON GOING)
FanfictionNaniniwala ka ba sa tadhana? Naniniwala ka ba na ang lahat ng mangyayari sa buhay mo ay matagal ng nakasulat sa libro ng buhay at iniintay ka na lang nito para ito'y matupad. Cliche in some who might hear this but, I do believe in destiny. As what...