Habang nagkakasiyahan silang lahat eh pasimple naman kaming tumakas ni ricci. Actually di ko nga alam kung saan kami pupunta eh. Ni hindi nya nga dinala yung kotse nya. As in lakad lang talaga kami.
"Teka ricci, san ba tayo pupunta?" Tanong ko naman sa kanya
Nangangawit na kase yung paa ko. Remember naka 4 inches na heels ako? Huhuhuhu mah feet hurt so bad.
"Konting tiis na lang love. Malapit na tayo." Malapit? Kanina pa kaya kami paikot-ikot dito sa village nila mukhang pare-parehas lang naman yun dinadaanan namin.
"Eh k-kase..." teka pano ko ba sasabihin na nangangawit na yung paa ko.
Maya maya pa ay napatingin naman sya sa may paa ko. Well yeah mahh feet hurts cci. See that..
Mukhang nagets nya naman ata ang gusto kong sabihin..
Bigla namang lumuhod sya sa may harapan ko. Akala ko nga eh magsisintas lang sya pero..
"Di ba sabi ko sayo kapag pagod kana, sabihin mo lang saken? Do you still remember that?"
Sinabi nya yunn? Hmmm.
FLASHBACK.
Pagkapasok namin ng kotse nya eh agad nya naman akong inabutan ng paper bag.
"A-anong gagawin ko dyan?" Nagtataka kong tanong sa kanya
"Mag inhale exhale ka sa loob. That way mas gagaan yung paghinga mo. Do it. " pagpapaliwanag nya
Ginawa ko naman yung sinabi nya.
Inhale
Exhale
Inhale
Exhale
Well infairness tama nga sya. Pwede ka ng nurse ricci.
"Better?" Tanong nya
Tinanguan ko naman sya.
"Sa susunod kase pag napapagod ka na sasabihin mo saken." Seryoso nyang sabi
Dugdug dugdug
Ano ba heart. Anu daw?
"Huh?" Tanong ko
"I mean, pwede ka namang magsabi pagpagod ka na. Pwede naman tayong magpahinga." Sabi nya
END OF FLASHBACK.
Tama sinabi nya nga yun. Pero what will I do now. Bat sya nakaluhod sa harapan ko.
"Tara na?" Aya nya naman
Tara na daw eh hindi pa naman sya natayo
"Eh bat hindi ka pa din natayo dyan?" Takang tanong ko naman sa kanya
"Sumakay ka na retard." Sabi nya sabay tawa.
Aba at tinawag pa kong retard. Balakadyan!
Naglakad na lang ako papalayo sa kanya. Sweet na sana eh kainis talaga hahahaha Hinabol nya naman ako.
"Hey I was just kidding."
Di pa rin ako umiimik. Humanap ka ng kausap mo.
"Sige kumapit ka na lang sa braso ko love. Im sure nangangawit ka na dyan sa heels mo." Malambing nya namang sabi
Napaisip naman ako sa sinabi nya. Oo nga eh. Ngawit na ko huhuhu
He lended his arms para maalalayan ako.
This is really good. Walking with him in a silent night feels really good. Kahit feeling ko may aswang sa paligid. Pakiramdam ko safe pa din ako. Pakiramdam ko I have this so called "writ of amparo" hahahahaha maisingit lang yung napag-aralan sa soc sci eh. 😂😅
Ilang minuto pa ay nakarating din kami sa patutunguhan namin.
At nagulat ako kase tumigil kami sa tapat ng isang lumang simbahan. Luma sya kase makikita mo naman sa exterior nito.
Sabay kaming pumasok sa loob at umupo sa may bukana nito.
Maya maya pa ay nagsimula syang magsalita.
"Sa Kanya kita gustong ipakilala." Ricci said while still looking infront of the altar
Nagulat ako sa sinabi nya.
Hinawakan nya naman yung kamay ko at sabay kaming naglakad papunta sa may altar.
Pero..
Bakit ganito? Pakiramdam ko bawat hakbang ko bumibigat ang mga paa ko..
Nang nasa kalagitnaan na kami ng simbahan ay bigla na lang akong napatigil.
Naramdaman ko na lang ang pag agos ng luha sa aking mga pisngi.
"H-hindi ko kaya. Hindi ko pa kaya ricci." Sabi ko habang patuloy pa rin ang pag agos ng aking mga luha.
Nagtaka naman sya sa naging reaksyon ko.
Unti-unting nagdilim ang paningin ko, hanggang sa..
FLASHBACK.
"Lolaaaaa lumaban ka lolaaaa" para akong batang inagawan ng kendi habang naglulupasay sa may pasilyo ng ospital.
Sinugod namin sa ospital ang lola. Nagising na lang kase kami kanina na sumisigaw sya.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Sobrang nataranta ako kaya tinawag ko na si mama.
Hindi ko rin alam ang gagawin ko kapag nawala si lola. Halos sya na nga lang ang nakakausap ko sa bahay magmula ng umalis si papa papuntang singapore para magtrabaho. Si mama kase palagi na lang tulala madalas ayaw ng kausap.
Si lola yung palaging nandyan para saken. Tapos mawawala pa sya, ang unfair naman nun.
Matapos maipasok ni lola sa emergency room ay nagtatakbo ako papunta sa simbahan na malapit sa ospital
"Lord please alam ko pong maraming humihingi ng tulong sa inyo. Pero Lord minsan lang naman po ako humiling sa inyo eh. Sana po *sniff* pagbigyan nyo naman ako *sniff* kahit ngayon lang" at nagpatuloy na ang agos ng luha sa mga mata ko.
--
Ilang oras din kaming naghintay sa labas ng ER.
Maya maya pa ay lumabas na ang doctor.
"Sino po sa inyo ang kamag anak ng pasyente?" Agad namang lumapit si mama sa doctor at kinausap ito
Hindi ko naririnig yung pinag uusapan nila pero bakas ko sa mga reaction ni mama ang sinasabi ng doctor.
Pagkaalis ng doctor ay unti unting humarap sa akin si mama.
Hindi sya nagsalita. Bagkus ay sumenyas na lamang siya.
TATLONG ILING. Tatlong iling katumbas ng isang senyales na syang nakapagpabagsak ng mundo ko.
Wala na si lola. Wala na ang nag-iisang taong nakakaintindi at pilit na umiintindi sa akin.
Imbes na lapitan si mama ay nagtatakbo ako papalayo sa kanya. Hindi ko alam pero dinala ako ng mga paa ko sa simbahan. Bitbit bitbit ko ang rosaryong regalo pa sa akin ng lola.
Patuloy lang ang pag agos ng mga luha ko. Sobrang sakit. Hindi ko na alam kung saan pa nga ba ako humuhugot ng lakas.
"BAKIT! Bakit ang lola pa? Bakit sya pa? Bakit hindi na lang ako? Kung galit ka saken. Ako na lang. Ako na lang sana ang pinarusahan mo! Nandamay ka pa ng ibang tao.*sniff* Nung una si papa.
.
.
Inilayo mo saken si papa. Tapos ngayon si lola naman. Ano bang kasalanan ko sayo?" Patuloy lang ang paghikbi koHanggang sa mawalan ako ng malay..
END OF FLASHBACK.
"Hera are you okay?"
Unti unti kong minulat ang mga mata ko.
At ang tanging nakita ko lang eh ang mukha ni ricci na sobrang nag aalala."N-nasan ako?"
Ricci told me what had happened. Nagcollased nga daw ako habang papasok kami sa simbahan. Nandito kami ngayon sa bahay nila.
"I'm sorry ricci. I can't do this for you this time" pagpapaliwanag ko sa kanya.
**
BINABASA MO ANG
Thy Will Be Done | Ricci Rivero (ON GOING)
FanfictionNaniniwala ka ba sa tadhana? Naniniwala ka ba na ang lahat ng mangyayari sa buhay mo ay matagal ng nakasulat sa libro ng buhay at iniintay ka na lang nito para ito'y matupad. Cliche in some who might hear this but, I do believe in destiny. As what...