"When everything seems fine and okay. Someone's gonna come and ruin it."
"Hera go!" Sigaw ni michelle sa may side ng gym,
Dali dali ko namang isinet ng maayos ang bola, sinabayan naman ito ng malakas ng paghampas ni tin sa bola para maitawid ito sa kalaban,
Hindi naman ito nasalo ng kalaban.
Dahilan para sa amin mapunta ang puntos.
"Nice one team! Sige 5 minutes break muna tayo" Natutuwang wika naman ni coach ramil sa amin,
Nag-apiran naman kami ng mga kateam ko bago magsipuntahan sa bench,
"Not bad hera, magaling ka na din magset ng bola. Pupwede ka ng magsub kay Cobb" komento naman ni Coach,
"Oo nga coach. Magaling po kase ang nagturo e," dagdag naman ni michelle na tila ba nagyayabang dahil sya ang nagturo sa akin,
Napangiti na lang naman ako sa reaksyon nya,
Parang dati lang magkaaway pa kami neto ah,
It's been a week simula ng makabalik kami galing sa Quezon. Kanya kanya naman kaming celebrate ng new year with our family at dahil nasa singapore si daddy, pinaluwas ko lang si mama sa manila at sa bahay ng rivero fam kami nagcelebrate ng new year. Nakakatuwa lang isipin na halos parang pamilya na din ang turing nila sa amin.
Hindi ko din alam na ganito pala talaga kabait ang pamilya ni Ricci.
Okay back to the topic, so yun na nga ngayon ay diretso na kagad kami sa training, after the long vacation. Hayssss. Puspusan na naman ito.
Si ricci naman ay ganun din dahil may laro sila sa iloilo this week kaya medyo busy na din sya,
Pero kahit na ganun ay hindi pa rin kami nawawalan ng time sa isat-isa. Sabi nga ni ricci "kapag babe time, babe time lang" hahahahaha cute ni ricci eh
Deym! Kinikilig me 😍
Napabalik naman ako sa wisyo ng bigla akong sikuhin nitong katabi ko,
"Whaaat?" I irritatedly ask tin, paano ba naman may pasiko-siko pang nalalaman,
"Bakit ganun yun?" Wika nya sabay nguso kay mich,
Oo nga pala hindi pa ako nagkikwento sa kanila simula nung magkaayos kami ni michelle,
Siguro ay nagtataka din sya dahil bukod sa pinupuri na ako ni michelle ay nagngingitian na din kami. Which is very unusual dahil dati ay kulang na lang ay magpatayan kami neto tuwing magkikita kami, or masyado lang talaga akong exaggerated magkwento hahahaha 😂😅
"Okay na kami. Nag-usap na kami." Tipid ko namang sagot sa kanya,
"And then?" Sagot nya naman saken, na tila ba parang nag-aabang pa sa ikikwento ko,
"Okay team back to work!!" Iimik pa lang sana ako ay narinig ko naman na sumigaw na ulit si coach,
"Tsaka na ko magkikwento ha, basta I'll tell you everything" sabi ko naman kay tin sabay tapik sa balikat nya,
Nagkibit balikat na rin lang naman sya at bumalik sa kanya kanya naming ginagawa, may kanya kanya kase kaming station sa training. Actually, we have 3 stations. Station 1 is yung workout para sa pampalakas ng abdomen, legs, at braso then sa station 2 naman ay work out para sa matibay na pagblock ng bola and sa station 3 ay work out para sa maayos na pagsiset ng bola at andun ako, si mich at si ate mae luna. Dahil bukod sa sila ang senior ko ay sila din ang inatasan ni coach na magtrain sa akin dahil baguhan pa lang ako.
Pagkatapos ng dalawang set ng laro ay nagpahinga lang kami. At pagpatak ng 4pm ay nagcut-off na rin si Coach ng training.
Nagdirediretso naman ako agad sa parking lot. Hindi ko na inintay si tin dahil may sundo naman sya si Andrei, mahirap namang makisabay pa ako sa kanila hindi ba. Hahahaha ano ako chaperon? 😂
Anyway pupuntahan ko pa rin naman si ricci sa UP dahil sabay daw kaming magdidinner. Oh di ba? Imbes na ako ang sunduin ay sya pa ang susunduin ko. Napakawais talaga nyan ni Rivero! 😏
But then naisip ko na wala syang dalang sasakyan. Dahil ang hassle magdala ng SUV sa school nu? Hahahaha naisip ko na ako na lang ang susundo sa kanya tutal dala ko din naman yung kotse ko. (Wow may kotse na talaga ko😂). Ayaw pa nga nya pumayag nung una eh. Kase andun daw si Diego. Baka daw lapitan pa ako ni Diego hahahaha napakapossessive di ba? Hahahahaha
When I was about to text him na pupunta na ako sa UP,
Bigla namang...
*RINNNNNNNNNG*
Unknown number calling...
Dugdug
Dugdug
Hindi ko alam pero bakit bigla akong kinabahan? Or is it just me, na naghahallucinate 😪
Sino naman kaya 'to? Hindi ko na pinatagal yung pagriring at sinagot ko na ito agad,
"H-hello?" Kabado ko naman itong sinagot, jusme
"...." kabilang linya
Weird.
"Hello." Ulit ko dito,
"K-kassandra." Isang pamilyar na boses naman ng lalaki ang narinig ko sa kabilang linya,
Pagkabigkas pa lang nya sa pangalan ko ay kilalang kilala ko na agad kung kaninong boses ang narinig ko,
Hindi ako pipwedeng magkamali,
Sya yun.
**
BINABASA MO ANG
Thy Will Be Done | Ricci Rivero (ON GOING)
FanfictionNaniniwala ka ba sa tadhana? Naniniwala ka ba na ang lahat ng mangyayari sa buhay mo ay matagal ng nakasulat sa libro ng buhay at iniintay ka na lang nito para ito'y matupad. Cliche in some who might hear this but, I do believe in destiny. As what...