Hinigit ako ni ricci palapit kila rasheed at iba pang mga bisita. Nakakailang bote na rin sila ng mojito. May 2 bote na kaseng ubos sa may ibabaw ng table eh
"Oh bro, san pupunta yung jowa mo?" Tanong ni andrei tas siniko naman sya ni kuya prince na nakatingin saken
Tss whats the matter? As if naman concerned si cci sa feelings ko nu
"Tss shut up bro." Walang ganang sagot ni ricci
"Oh baki--aray.." naputol naman yung sinabi ni aljun ng batukan sya nung singkit na lalaki si brent ata yun
"Eto uminom ka na lang bro!" Sabay abot nya ng isang baso ng mojito kay andrei
Napangisi na lang naman si ricci sa ginawa ni brent kay aljun, si tin naman eh napansin kong napangiti din. Sus eto talagang mga to nagtataguan pa ng feelings.
"Baby girl, lika dito inom ka naman. Kanina ka pa nagtatago samen eh." Tawag saken ni kuya prince
"Tss, baby girl. Baby damulag kamo.." rinig kong sabi ni ricci
Inirapan ko lang ito at lumapit kay kuya prince at kinuha ang baso na inaabot nya saken at binottoms up ito.
"Kuya prince first and last shot ko na yun ha. Uwi na ko."
"Huh? Bakit? Di ka pa nga namin nakakajam eh." Gulat na sagot ni kuya prince
"Nakakapagod kase yung practice game kanina kuya eh." Sabi ko kahit hindi naman ako nagpractice kanina
"Kaya mo na ba umuwi mag isa?" Tanong naman ni sheed habang nakatingin kay ricci at pinanglalakihan ito ng mata
Si ricci naman parang clue less sa ginagawa ni rash.
"Oo naman sheed. Sige na. Bye. Happy Birthday ulit sheed." Sabi sabay lakad papalayo sa kanila.
Sobrang nanghihina kase talaga ako. Dont get me wrong, hindi ako nanghina dahil sa sinabi kanina ni deanna. Well hindi masyado pero..
Sobrang dami ko lang siguro talagang iniisip plus muntik pa kong maaksidente kanina. Sobrang lutang ko ngayong araw. Jusko.
Nagpaalam lang ako kay tita abi at tito pao at lumabas na kagad ako sa bahay nila.
Naglalakad na ko palabas ng village, naku sana naman po eh walang mga aso sa daan. Okay lang kahit mga goons pero wag lang pong aso huhuhuhu
Hindi pa ko nakakalayo sa may gate ng bahay nila ng may tumigil na sasakyan sa harapan ko. As expected si ricci,
"Sakay na. Hatid na kita." Nakingiting sabi nya
"Hindi na. Mag-aabang na lang ako ng taxi dyan sa labasan"
Pero hindi parin sya nagpatinag, bumaba sya sa sasakyan at sinabayan ako paglalakad.
"Oh anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya
"Sasamahan na lang kita, maghintay ng taxi sa labasan." Sagot ni ricci
Walanjo talaga. Di ba sya marunong makaintindi ng Hindi? Ayoko nga kase syang makasama eh. Nastress talaga ako everytime na makikita ko sya. Sumisikip ang dibdib kapag naaalala ko yung.. tss nevermind
"Ricci hindi na nga kaseee--" naputol ang sasabihin ko ng magsalita sya
"Kanina ka pa ganyan may problema ba?" Seryoso nyang tanong
"Wala. Gusto ko lang umuwi." Seryoso ko namang sagot
"Kilala kita hera. Just tell me the truth. May ginawa ba sayo si Deanna?" Nagulat naman ako sa sinabi nya. Bakit nya naman naisip na si deanna nga ang dahilan..
"N-no ricci. Wala syang ginawa or anything. Infact ang bait bait nung NILILIGAWAN mo eh!" Hindi ko sinasadyang iemphasize yung word na nililigawan
"S-sinabi nya sayo?" Gulat na gulat nyang tanong
"Wait. Are you jealous?" Pahabol nya pang tanong
Tinatanong pa ba yan ricci? Gaad! Oo ricci I'm freakin' jealous!! Pero dahil ayokong mapahiya. Hindi ko yun sinabi
"I-Im not jealous. Dont worry ricci. Wala lang naman saken yun. Besides ano mo nga ba naman ako. We're just friends. Nothing more, nothing less." Pagpapaliwanag ko sa kanya, Jesus! Sana maniwala sya
"If you're not jealous. Why are you acting like that?" Inosenteng tanong nya
"You know what, paikot ikot lang tayo eh. Ayoko na I've had enough. Uuwi na ko." Sabay taas ng dalawang kamay senyales ng pagsuko sa argument namin
"Hera, pag usapan natin to." Sabi nya sabay higit naman sa braso ko
"Ano pa bang dapat pag usapan ricci?" Srsly..
Tinabig ko naman yung kamay nya na nakahawak sa palapulsuhan ko dahilan para maout off balance ako at mapaliay(sprain)
"A-araaay!" Sigaw ko
"Hera are you okay?" Halata yung takot sa boses nya
"Dont touch me. Kaya ko ang sarili ko." Sigaw ko sa kanya
Tumayo ako kahit sobrang sakit ng paa ko. Pinilit kong maglakad kahit masakit. Iika ika akong naglakad palayo sa kanya.
Hindi ko alam pero bawat hakbang ko papalayo kay ricci ay sya namang pagbagsak ng mga luha ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa pagkabagsak ko kanina o dahil sa sakit na binibigay ni ricci. Ni hindi man lang nya itinanggi yung sinabi deanna. Well I wasnt expecting it thou, masakit pa rin pala talaga. Mahal ko na nga ata sya
*sniff
*lakad
*sniff
*lakad
*sniff
Maya maya pa ay naramdaman kong papalapit saken si ricci.
"Bumalik ka na dun ricc---" nagulat ako sa ginawa ni nya
Nakayakap sya saken mula sa likod
"I-Im sorry. Hindi ko na alam ang gagawin ko hera. Naguguluhan na ko. Oo aaminin ko. Nililigawan ko si Deanna, but I wasn't expecting na darating ka. Sya yung nililigawan ko pero ikaw yung gusto kong kasama palagi. Kapag nandyan ka, iba yung pakiramdam ko. Pakiramdam ko safe ako..
Ako din cci. There's no safest place other than your side.
...kapag kasama ko si deanna ikaw pa rin yung iniisip ko, I dont know hera. I really dont know what to do.." pagpapatuloy nya
Naramdaman ko yung pagpatak nung mga luha nya sa balikat ko, mas matangkad kase sya saken. Kasabay nito ang paghigpit ng yakap nya
"Alam mo ba nung una kitang nakita, iba na agad ang naramdaman ko eh.."
"O-oo inaway mo pa nga ako eh." This time umiiyak na kami parehas
"No not that. Paano naman kitang aawayin eh hindi naman kita nakausap nun eh." Sabi nya sabay kalas sa pagkakayap saken.
Naglalakad na kami ngayon pabalik sa kotse nya
"Hindi nagkita? Eh di ba nabunggo kita noon tapos nalaglag yung phone mo tas sinigawan mo ko. Tapos tinawag mo kong stupid tss" pagpapaliwanag ko sa kanya
"Ahh no. Ganito kase yan...
**
BINABASA MO ANG
Thy Will Be Done | Ricci Rivero (ON GOING)
FanfictionNaniniwala ka ba sa tadhana? Naniniwala ka ba na ang lahat ng mangyayari sa buhay mo ay matagal ng nakasulat sa libro ng buhay at iniintay ka na lang nito para ito'y matupad. Cliche in some who might hear this but, I do believe in destiny. As what...