Chapter One

76 10 1
                                    

🌹 Chapter One 🌹

ISANG MALAKAS NA PAGTILI ANG pinakawalan ni Aireen nang mabasa niya ang text message sa kanya ni William. Halos himatayin na siya sa sobrang kilig dahil after so many years na pagkagusto niya sa binata ay ngayon lang siya nitong niyayang lumabas!

Five 'o clock daw ng hapon, magmi-meet sila sa dating coffee shop na madalas nilang pinagtatambayan noong magbabarkada.

Super excited na nga siya, eh! Tanghali palang ay inayos na niya ang kanyang susuotin. Maski ang magiging line at actions niya ay prina-practice na rin niya.

Pero nasira ang moment niya nang makatanggap siya ng text message mula kay Ryu.

"Don't forget, may gig tayo tonight!"

Natigilan siya at dali-dali niyang tinignan ang calendar application sa cellphone niya. At ganoon na lang ang pagkadismaya niya nang makita niyang may gig nga pala sila ni Ryu sa isang Resto Bar sa Malate.

Isa siyang vocalist sa bandang tinatag ni Ryu. At si Ryu lang din ang loyal sa bandang iyon. Dahil kada-taon na lang ay nagpapalit sila ng member.

Ewan nga ba niya, madalang na lang ang loyal na tao ngayon.

Pinakiusapan na nga lang siya ni Ryu na pansamantalang maging bokalista sa banda nito. Maganda daw kasi ang boses niya. At dahil ang goal lang niya noon ay ang mapansin ni William, tinanggap niya ang pagiging vocalist.

Mahirap ang pagbabanda.

Mahina ang pasok ng pera.

Pa-swertehan lang.

Pero kahit ganoon, umiikot ang buhay ni Ryu sa Music.

Samantalang siya, ginagawa lang niya itong sideline.

Tapos siya sa kursong Hotel and Restaurant Management o HRM. Pero naisipan pa niyang mag-aral ng culinary. Dahil alam niya balang-araw, isa siya sa magmamana ng restaurant na pinalalakad ngayon ng kanyang Daddy.

Gusto rin niyang maging isang Chef katulad nito. Kaya hindi niya masyadong sineseryoso ang pagbabanda. Hindi katulad ni Ryu, halos itaya na nito ang buhay para sa musika.

Nasa ganoon siyang pag-iisip nang muli siyang nakatanggap ng text message mula kay Ryu.

"Magkita tayo ng seven for rehersial!"

"Wwwwwhhhhaaatt?" nanlaki ang mga mata niya at napaawang ang kanyang bibig sa pagkabigla.

Gusto niyang ibato ang kanyang cellphone sa pagkainis.

Nagpalakad-lakad siya sa loob ng kanyang kuwarto. Hindi pwedeng isawalang bahala ang text message ni Ryu, pero lalong hindi naman pwedeng balewalahin niya ang text message ni William.

Once in the blue moon lang mangyayari na yayain siya ni William na makipagmeet.

She need to choose.

William or Ryu?

Bestfriend or lovelife?

Okey, final answer - lovelife!

Kahit harangin pa siya ng sibat ni Ryu, walang makakapigil sa kanya sa hangarin niyang magka-lovelife ngayong taon! Twenty-three na siya, hello! Gusto rin niyang maranasan ang magka-jowa!

Pero kilala niya si Ryu. Alam niyang basta pagdating sa pinakamamahal nitong banda, hindi ito basta-basta matitinag. Kaya naman, kailangan lang niya ng konting lambing para payagan siya nitong hindi umattend ng gig mamayang gabi.

Ang solusyon?

Ang paborito nitong lasagna! Ipagbi-bake niya ito. Alam niyang kahinaan ni Ryu ang pagkaing iyon!

AI-WIL-MARY-RYU (I WILL MARRY YOU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon