🌹 Chapter Eighteen 🌹
KAKAGALING LANG NOON sa part-time job si Aireen nang salubungin siya ni Sol sa pintuan. Excited nitong ikiniwento sa kanya ang pagdating ng di umamo ng guwapong guest nila.
"Believe me, Ate! Kapag nakita mo siya baka makalimutan mo ang problema mo! Para siyang anghel na pinadala ng langit rito. At nagbigay ng liwanag sa buong guest house!" kumikinang-kinang pa ang mga mata ni Sol habang nakatingala ito sa kisame na animo'y naroroon ang guwapong bisita nila.
"Talaga ba?" matamlay siyang ngumiti rito.
"Hala siya! Bakit parang matamlay ka? Masama ba ang pakiramdam mo?" bumakas ang pag-aalala sa mukha nito.
"Medyo napagod lang siguro ako," matipid siyang ngumiti rito.
"Kasi naman alam mong weekend bakit pumasok ka pa rin?" panenermon nito.
"Kasi alam mo naman lalo lang akong nalulungkot kapag mag-isa ako at walang ginagawa," katwiran naman niya.
"Hala sige! Magpahinga ka muna!" pagtataboy nito sa kanya, "Ako muna ang bahalang magluto para sa guest natin."
"Salamat, Sol. Mamaya na lang tayo magkwentuhan. Magpapahinga muna ako," pagpapaalam niya rito.
Aktong paakyat na si Aireen sa hagdanan nang mapansin niya si Jayson na pakanta-kanta at sumasayaw-sayaw pa.
"Ilan ba ang guest ngayon?" pabulong niyang tanong kay Sol.
"Isa lang," tugon ni Sol saka napatingin na rin ito sa masaya nitong kapatid.
"Bakit ang saya-saya yata niya?" usisa niya rito.
"Ganyan talaga si Kuya. Katwiran niya kahit isa lang ang pumasok na bisita, at least hindi kami na-zero ngayong buwan," paliwanag ni Sol at saka na rin ito napangiwi nang makita nito ang paggiling ni Jayson.
Maski si Aireen ay napangiwi na rin dahil hindi naging maganda sa kanyang paningin ang pagsayaw nito. Para kasi itong matigas na kiti-kiti.
"Magpahinga ka na Ate, huwag mo nang isipin 'yang Kuya ko. Ganyan talaga 'yan!" pagtataboy ulit sa kanya ni Sol.
"Sige," tumango siya at saka na siya umakyat ng hagdanan.
"Oo nga pala, nasa Ilang-Ilang Room ang guest natin. Sa tapat ng kuwarto mo," habol ni Sol.
"Oo sige," muli siyang tumango. Nagawa pa rin niyang ngitian ang dalaga bago niya ito iwan. Naglakad na siya sa hallway. Malapit na siya sa kanyang kuwarto nang biglang bumukas ang pintuan ng katapat na kuwarto.
Parang nagslow-motion naman sa paningin ni Aireen ang lalaking lumabas roon. At doon na lang pagkabog ng malakas ng dibdib niya nang magtama ang kanilang paningin. At para pa siyang binuhusan ng malamig na tubig sa mga sandaling iyon. Ni hindi niyang magawang ihakbang ang mga paa niya.
"R-Ryu?!"
"Ai..." bahagya lang itong nagulat na parang bang inasahan na nito magkikita sila.
Hindi na alam ni Aireen kung gaano na sila katagal na nagtititigan hanggang sa mapadaan naman si Jayson. At nakita nito ang kanilang guest.
"There you are!" masiglang tinapik pa ni Jayson ang balikat ni Aireen.
Na siya namang nagpakunot ng kilay ni Ryu.
"Aireen, siya pala ang guest natin. Si Sir Ryulito Martinez!" pagpapakilala ni Jayson.
"N-Nice to meet you po...S-sir! Welcome to Heavenstar Guest House!" nauutal na bati ni Aireen rito at umarte talaga siyang hindi ito kilala. Ganito ang lagi niyang sinasabi kapag pinapakilala siya ni Jayson sa kanilang nagiging Guest.
BINABASA MO ANG
AI-WIL-MARY-RYU (I WILL MARRY YOU)
RomanceMATALIK NA MAGKAIBIGAN ang Pamilya Salazar at Pamilya Martinez, kaya hindi nakakapagtaka kung ipamana rin ng mga ito sa kanilang mga anak ang pagkakaibigan nila. Pero sa isang gabi ng pagkakamali, maiipit sina Ai at Ryu sa pagitan ng kanilang mga ma...