Chapter Sixteen

31 6 0
                                    

🌹 Chapter Sixteen 🌹

TULAD NG BINILIN SA KANYA NI WILLIAM, tinawagan ni Aireen ang pamilyang iniwan niya gamit ang landline ng Guest House. Noong una ay si Ate Ging ang nakasagot.

"Hello," anito sa kabilang linya.

"Ate Ging..." tanging nasabi niya.

"Aireen? Aireen ikaw ba 'yan?" bulaslas nito. At kahit hindi niya nakikita ang itsura nito alam niyang bigla itong nataranta, "Ate! Ate! Si Aireen nasa telepono!"

Nakarinig pa si Aireen ng mga kaluskos. Halatang hinila ni Ate Ging ang telepono. Pagkaraan ay nadinig na niya ang boses ng kanyang Mommy.

"Aireen? Ikaw ba 'yan?" paniniguro ng Mommy niya sa kabilang linya.

Matagal bago siya nakapagsalita. Pakiramdam kasi niya ay umuurong ang dila niya, at nanakit ang lalamunan niya dahil sa pagpigil ng kanyang pag-iyak.

"Mommy," tanging nasambit niya.

"Aireen! Nasaan ka ba? Susunduin ka namin!" sabi nito, "Sabihin mo kung saang lugar 'yan susunduin ka namin ng Daddy mo kasama si Ryu."

"Mommy, huwag na kayong mag-alala. Okay lang po ako rito sa bahay ng isang kaibigan. Mommy, sorry pero hindi muna po ako makakauwi d'yan," aniya.

"Ano'ng hindi makakauwi? Anak, huwag ka namang ganyan! Paano ang kasal n'yo ni Ryu?" sunod-sunod na sabi nito.

"Mommy, sorry po talaga!" hindi niya alam kung paano niya papaniwanagan ang Mommy niya. Noon pa naman ay hindi na talaga siya pinapakinggan nito. Talagang ipipilit nitong ikasal sila ni Ryu.

Kasalukuyan na siyang umiiyak nang muling nakarinig si Aireen ng kaluslos sa kabilang linya. Pakiramdam niya ay may biglang humila ng telepono mula sa Mommy niya. At ilang saglit pa ay para na siyang natuod nang marinig niya ang boses ni Ryu sa kabilang linya.

"Aireen! Huwag mo naman ito gawin sa akin! Please, bumalik ka na! Mag-usap tayo!" sabi nito.

Aywan niya pero mabilis niyang binaba ang telepono. Para pa rin siyang natulala matapos niyang marinig ang boses ni Ryu.

"Okay ka lang?" tanong sa kanya ni Jayson.

Doon na natauhan si Aireen. Doon na rin niya namalayan na nakatingin pala sa kanya ngayon si Jayson at si William. Kaya naman dali-dali na niyang pinunasan ang kanyang luha.

"S-Si ano kasi..." tila pagsusumbong niya kay William habang nangangatal ang boses niya, at hindi niya magawang banggitin ang pangalan ni Ryu.

"Ano'ng sabi niya?" tanong ni William.

"H-Hindi...." umiiyak na umiling siya, "...P-Parang hindi ko pa siya kayang kausapin!" Pagkasabi niyang iyon ay saka na siya patakbong umakyat ulit sa kanyang kuwarto. Doon ay muli siyang umiiyak.

Kailangan na munang gumaan ang pakiramdam niya bago siya humarap sa panibago niyang buhay. Ang buhay na walang magulang na nangengealam sa kanya, at walang Ryu na laging nasa tabi niya.

Mahirap pero kakayanin niya.

LUMIPAS NA ANG ISANG BUWAN. Dumaan na ang maraming araw at gabi. Talagang tiniis ni Aireen ang hindi umattend ng kanyang kasal. Halos isang buwan na rin siyang naninirahan sa guest house ng kaibigan ni William. Labis siyang nagpapasalamat sa binata dahil nananatiling tikom ang bibig nito kay Ryu. Madalas rin siyang dalawin nito sa Guest House para kamustahin.

Tulad naman ng sinabi sa kanya ni Jayson, pinakilala siya nito sa bunso nitong kapatid na sobrang workaholic, si Sol. Tinulungan siya nitong makahanap ng trabaho. Halos hindi nga niya mabilang sa kanyang daliri kung ilang part-time job ba ang pinasukan nila sa loob ng isang buwan.

AI-WIL-MARY-RYU (I WILL MARRY YOU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon