🌹 Chapter Twenty 🌹
MATAAS NA ANG ARAW NANG magising si Aireen. Kung hindi pa siya nasilaw sa liwanag na tumatagos sa nakasiwang na kurtina ay hindi pa siya magigising. May ngiti sa kanyang mga labi nang umunat pa siya. Pakiramdam niya, parang ang ganda ng gising niya. Para kasing napakaganda ng napaginipan niya.
Wala sa loob na nag-init ang magkabila niyang pisngi. At kinikilig niya nitong hinawakan. Pero bigla na lang siyang natigilan nang mapagtanto niya sa kanyang sarili na wala siya damit. Nang mapatingin siya sa kanyang tabi, nakita niya si Ryu na mahimbing na natutulog. At mas kinagulat niya dahil wala rin itong gamit.
Dahil sa pagkakagulat niya ay bigla siyang nahulog sa kama.
"Wala akong damit! wala akong damit!" para siyang nababaliw habang hinihila niya ang kumot kay Ryu. Pero bigla muli siyang natigilan nang mapagtanto niyang parang nangyari na ang senaryong ito sa kanila.
"Ano'ng ginagawa mo?" nagrereklamong tanong ni Ryu habang namumungay pa ang mga matang tumingin sa kanya.
Halos ilang segundo rin silang nagtitigan hanggang sa maalala niya ang mga nangyari kagabi. Kung iyong unang mangyari ito sa kanila ay wala talagang nangyari, pero ngayon ay sariwang-sariwa sa kanyang isipan ang bawat detalyeng ginawa nila.
Aktong sisigaw na sana siya nang mabilis na tinakpan ni Ryu ang bibig niya.
"Wala tayo sa bahay! Baka marinig ka nila Jayson at Sol!" babala nito.
Nanlalaki ang mga mata ni Aireen na tumango na lang. Saka na siya binitawan ni Ryu, at doon ay tumayo na siya para takpan ng kumot ang hubad niyang katawan. Pero bigla siyang nagulat nang biglang hinila ni Ryu ang braso siya at bumagsak siya sa mga bisig nito.
Muling nagtama ang kanilang mga paningin. At unti-unti nang inilapit ni Ryu ang labi nito sa labi niya. Pero hindi pa tuluyang nagkakadikit ang mga labi nila nang makarinig sila ng pagkatok.
"Sa kuwarto mo nanggagaling 'yung katok," sabi ni Ryu.
Para namang nagising sa magandang panaginip si Aireen lalo na ng marinig pa nila ang boses ni Sol. Dali siyang tumakbo sa pintuan, at tinapat niya ang kanyang tenga roon.
"Wala siya? Hindi man lang niya ako hinintay?" may himig na pagtatampong sabi ni Sol saka na ito naglakad.
Nadinig pa ni Aireen ang mga yapak ni Sol na pahina ng pahina. Senyales na umalis na ito. Saka na siya nagmamadaling nagbihis.
"Papasok ka pa ba?" Tanong ni Ryu, "Dito ka na lang."
"Kailangan kong pumasok. Nahihiya na ako kay Sol, ilang araw na niyang sinasalo ang trabaho ko," paliwanag niya rito.
"Sabihin na natin ang totoo sa kanila," hiling ni Ryu.
"Sige, pero mamaya na. Papasok muna ako sa work!" sabi niya saka niya dahan-dahang binuksan ang pintuan. Sumilip muna siya labas. Nang matiyak niyang walang tao, saka niya mabilis na lumipat sa katapat na kuwarto.
Nagmamadali nang nag-asikaso si Aireen para sa kanyang pagpasok. Nagulat pa nga sa kanya ni Sol nang makita siya.
"Kakarating mo lang? Akala ko nga nauna ka na rito pero nagulat ako wala ka pa pala," nagtatakang tanong nito.
"Ah, may dinaanan pa kasi ako. Hindi ko na nasabi sa'yo kasi nagmamadali na ako," pagsisinungaling niya.
"Ahh..." tumango na lang ito saka na inabot nito ang isang parehas na mascot ng isang chicken at fries. Trabaho nila ngayon ang mag-tawag ng costumer sa bagong bukas na fast food restaurant.
BINABASA MO ANG
AI-WIL-MARY-RYU (I WILL MARRY YOU)
RomanceMATALIK NA MAGKAIBIGAN ang Pamilya Salazar at Pamilya Martinez, kaya hindi nakakapagtaka kung ipamana rin ng mga ito sa kanilang mga anak ang pagkakaibigan nila. Pero sa isang gabi ng pagkakamali, maiipit sina Ai at Ryu sa pagitan ng kanilang mga ma...