Chapter Twenty-one

28 7 1
                                    

🌹 Chapter Twenty One 🌹

HINDI MAIWASAN NI AIREEN ang kabahan nang makita niya ang gulat sa mukha ni Ryu nang makita nito si William.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ni Ryu kay William.

"Ikaw, ano'ng ginagawa mo rito?" balik na tanong ni William.

"Magkakilala kayo?" naguguluhang tanong rin ni Jayson at pinasalin-salin ang tingin sa dalawang lalaki na animo'y handang mag-umpugan na parang mga bato.

"Paano mo nalaman kung nasaan si Ai?" tanong ulit ni William na hindi pinansin ang pagtatanong ni Jayson.

"Sagutin mo muna ang tanong ko. Ano ang ginagawa mo rito?" inis ni Ryu.

"Sandali.. Sandali lang!" Awat ni Jayson sabay baling kay Aireen, "Ai, ano ba 'to?"

"Ako na mag-e-explain!" agaw ni Sol, at para itong isang abogado kung umasta. Pakiramdam yata nito ay nasa supreme court sila at may nililitis na isang kaso, "Si Kuya Ryu...I mean--si Mr. Martinez, guest namin siya Kuya William."

"Kuya William?" napakunot ang noong tanong ni Ryu.

"Friend ko siya," tugon ni Jayson.

"At siya ang nagtakas kay Ate Aireen," sabat ni Sol.

"Correction. Hindi ko siya tinakas, tinulungan ko lang siya!" pagtatama ni William, "At dinala ko siya rito."

"Tinakas o tinulungan, ang punto ko rito bakit nagsinungaling ka sa akin?" diin ni Ryu, "Ilang beses akong humingi ng tulong sa'yo para hanapin si Ai. Iyon pala itinago mo!"

"Hindi ko siya tinago!" depensa ni William na medyo napataas na ang tono ng pananalita, "Tinulungan ko lang siya!"

"Tama siya, Ryu!" sabat na ni Aireen, "Nakita niya ako sa terminal ng bus. Tinulungan niya akong maghanap ng tutuluyan. Saka naki-usap ako sa kanya na huwag niyang sasabihin sa inyo kung nasaan ako."

"Paano mo nalaman na nandito si Ai?" tanong ulit ni William kay Ryu.

"H-hindi ko natext sa'yo na nakita ako ni Ate Mary sa convienence store na pinagtatrabahuan namin ni Sol," paliwanag ni Aireen.

"So, ina-update mo pala siya sa mga nangyayari sa'yo?" may halong pagseselos na turan ni Ryu, "Samantalang hindi ako huminto sa kakatawag sa'yo, pinapatayan mo lang ako ng phone!"

Natigilan si Aireen. Naramdaman niya ang malaking pagseselos na biglang umusbong sa kalooban ni Ryu.

"Teka, ano bang nangyayari?" naguguluhan pa rin tanong ni Kuya Jayson.

"Kuya, si Mr. Martinez kasi 'yung bestfriend ni Ate Aireen na naikwento niya sa atin," si Sol ang sumagot sa tanong ng kapatid.

"Bago ka magalit d'yan. Tinanong mo na ba si Aireen kung bakit siya lumayas sa inyo?" tanong ni William, "Hindi diba? Dahil wala ka naman talaga pakealam sa nararamdaman niya! Hinahayaan mong kontrolin ka ng mga magulang n'yong pakealamero't pakealemera!"

Tila nag pindig naman ang dulo ng tenga ni Ryu kaya bigla na lang niyang kiniwelyuhan si William.

Napakislot ang lahat.

"Baka nakakalimutan mo! Ikaw ang dahilan kung bakit nagpakalasing siya! Sino ba ang nagpaasa sa kanya ng mahabang panahon?" panunumbat ni Ryu.

"Tama na!" awat ni Aireen.

"Ay, mga kuya awat na!" namagitan na rin si Sol.

Pero tila napikon lang si Ryu sa paaran ng pagkakatitig sa kanya ni William kaya umarko ang kamao nito.

AI-WIL-MARY-RYU (I WILL MARRY YOU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon