🌹 Chapter Ten 🌹
HALOS HINDI MABALI-BALI ANG pagkakatitig ni Aireen sa mukha ng kanyang Ate Mary. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin nagsisink-in sa kanyang utak na nasa harapan na niya ito. Aaminin niya, hindi pa rin kumukupas ang ganda nito saka mas lalo pa itong naging tisay dahil sa weather ng Canada. Medyo namumula-mula rin ang pisngi nito dahil na rin siguro sa init ng panahon dito sa Manila.
"Na-miss ko talaga ang Philippines!" komentong sabi ng Ate Mary niya habang nakatingin ito sa glass window.
Dinala sila ng kanilang Daddy sa second floor ng kanilang restaurant. Ang lugar na iyon ay exclusive lang for events and parties or for VIP costumer ng Daddy nila.
Tanaw sa kinaroroonan nila ang kalsada kung saan maraming sasakyan ang dumaraan. At dahil gabi na, kitang-kita nila ang magagandang ilaw na nagmumula roon.
Saglit silang iniwan ng kanilang Daddy para maghanda ng pagkain para sa kanila.
Halos wala pang isang oras nilang nakakasama ang kapatid niya pero parang may iba na siyang napapansin rito. Hindi niya alam kung dala lang ba ng jetlag ang pagiging malambing nito o talagang malaki lang ang pinagbago nito paglipas ng anim na taon.
Ang Ate Mary kasi niya, may maala-anghel na mukha pero demonyita ang pag-uugali. Noong mga bata pa sila, walang araw na hindi sila nag-aaway.
In short, hindi talaga sila magkasundo.
Pero ngayon, parang kinikilabutan siya na hindi niya mawari. Parang hindi ito ang ate niya.
Nasa ganoon siyang pag-iisip nang maramdaman niya ang bahagyang pagtapik ni Ryu sa paa niya.
Nakasimangot niyang sinulyapan ito. Para kasing napalakas ang pagtapik nito. Kaya sa inis niya ay ginantihan niya ito. Iyon nga lang, hindi pagtapik ang ginawa niya, kungdi sipa!
"Ouch!" daing ni Ryu.
Gulat naman napatingin si Ate Mary sa binata, "There's any problem?" tanong nito.
"N-nothing!" tugon lang ni Ryu, at palihim nitong hinimas ang binting sumakit.
Hindi pa nakontento si Aireen, pasimpleng dinilaan pa niya ito na parang bata. Mukhang napansin iyon ni Ate Mary dahil napatikhim ito.
Natahimik naman silang dalawa ni Ryu.
“Excuse me…” napatayo na si Ate Mary na siya naman kinabigla nila, “..Magsi-CR lang ako.”
Sabay silang napatango ni Ryu.
Matamis na ngiti muna ang ginanti ni Ate Mary sa kanila bago ito nagtungo sa comfort room.
Saka naman siya nakahinga ng maluwag nang maiwan silang dalawa ni Ryu. Pero ilang saglit pa ay tinitigan niya ng masama ang binata.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na uuwi pala si Ate Mary ngayon?" pabulong niyang tanong rito.
"Hindi ko rin alam," pabulong ring tugon nito, "Nagulat na lang ako nang tawagan niya ako sa cellphone ko at sinabi niya na nasa airport na siya. Akala ko nga, nagdyo-joke lang s’ya, eh."Napasimangot siya. May kutob siya na may malaking dahilan ito kaya bigla itong umuwi. At kapag iniisip na niya ang isa sa mga posibleng dahilan ay ang kasal nila ni Ryu ay hindi niya maiwasan ang kabahan.
"Ang ganda pa rin n'ya, noh?" parang paghingi ng komento ni Ryu.
Naningkit ang mga mata ni Aireen. Parang may hatid na konting kirot sa kanya ang mga katagang lumabas sa bibig ni Ryu. Alam kasi niya noon pa, since mga bata pa sila. Si Ate Mary talaga ang ultimate crush ni Ryu. Alam din niya na iniyakan talaga ni Ryu si Ate Mary nang magdecided itong magtrabaho sa Canada.
BINABASA MO ANG
AI-WIL-MARY-RYU (I WILL MARRY YOU)
RomanceMATALIK NA MAGKAIBIGAN ang Pamilya Salazar at Pamilya Martinez, kaya hindi nakakapagtaka kung ipamana rin ng mga ito sa kanilang mga anak ang pagkakaibigan nila. Pero sa isang gabi ng pagkakamali, maiipit sina Ai at Ryu sa pagitan ng kanilang mga ma...