🌹 Chapter Twenty Three 🌹
NANG HAPON DING IYON ay nagdesisyon sila Aireen at Ryu na magtungo sa restaurant ng mga Salazar. Gusto na rin kasi nilang magset ng isang dinner date para sa kanilang pamilya, at silang dalawa mismo ni Ryu ang magluluto.
Nang marating nila ang restaurant ay maabutan nilang nag-iinuman ang kanilang mga tatay.
"Hay, hindi ko na alam ang gagawin ko sa dalawang anak ko. Yung isa naglayas, at 'yung isa naman may anak na pala!" may hinanakit na sabi ng Daddy ni Aireen.
"Malalaki na nga sila," komento na lang ng Daddy ni Ryu.
"Daddy!" tawag ni Aireen. Saka siya pagalit na lumapit rito, "Umiinom kayo sa oras ng trabaho? Saka diba sabi ni Mommy, iwas-iwasan mo na ang alak?"
Natulala naman ang Daddy niya sa kanya. Ganoon rin ang Papa ni Ryu. Parang nakakita ang mga ito ng multo. Nanlaki bigla ang mga mata.
"Daddy nandito na po ako!" ngumiti siya sa mga ito.
Wala sa loob na niyakap siya nito. Saka ito umiyak, "Totoo nga ah! Bumalik ka na nga!"
"Ayyy... Daddy naman!" saway niya rito pero nagawa niyang aluin ang likod nito.
"Namiss lang kita," sabi nito.
"Oh, 'yung singsing!" sita ni Papa Vicente nang nakita nito ang singsing sa daliri ni Aireen.
Bigla namang tinignan iyon ng Daddy niya. Parang sinisiguro nito kung iyon nga ba ang singsing na galing kay Ryu.
"Daddy, Papa..." pinasalin-salin ni Aireen ang kanyang paningin sa dalawang lalaki, "...Itutuloy na po namin ang kasal."
Mabilis namang bumakas ang gulat sa mukha ng mga ito.
"Nagbabalak po kami ni Ai na magkaroon tayo ng family dinner dito para mapag-usapan ang kasal namin," nakangiting sabi ni Ryu.
"Totoo nga, hindi ako nanaginip," tuwa ng Daddy niya na parang kinikilig pa.
"Kami po ang magluluto! Okay lang naman po diba?" paghingi ng permiso ni Aireen sa ama niya.
"Aba, pwedeng-pwede naman!" pagpayag nito.
"Tara na..." aya na ni Aireen, at hinawakan niya ang kamay ni Ryu papasok sa dirty kitchen. At minsan pa niyang nilingon ang dalawa, "Hinto n'yo na ang pag-inom n'yo! Isusumbong namin kayo!"
"Ahh, oo! Hihinto na kami!" sabi na lang ni Papa Vicente kahit na hindi pa talaga nila nababawasan ang wine na binuksan nila.
Samantalang sinimulan na nila Aireen ang pagluluto. Si Ryu ang taga-hiwa ng mga sangkap. Samantalang masaya naman silang pinapanuod sa malayo ng kanilang ama.
Lihim naman kinikilig ang ibang staff ng restaurant nila. Nakikita kasi ng mga ito ang sweetness ng dalawa.
Malapit na silang matapos nang pumasok sa dirty kitchen ang Ate Mary niya, "Pwede ba tayong mag-usap?"
"Sige, ate..." pagpayag ni Aireen. At nagtataka niyang sinundan ang kapatid patungo sa likod kung saan binabagsak ang mga supplies nila.
Pagkaharap niya sa kanyang kapatid ay inabot nito sa kanya ang cellphone nito. At sinenyasan siya nitong panuorin ang videong iyon. Na siya namang ginawa niya.
Noong una ay napakunot ng noo ni Aireen. Ilang saglit pa ay naramdaman niyang parang umakyat ang dugo sa kanya ulo dahil sa kanyang napanuod.
"Kaylan 'to?" tanong niya.
"Kahapon lang," tugon nito, "Pinagtapat ko na kanina kina Mommy ang totoo dahil gusto ko nang mabawi ang anak ko. Pero hindi alam ang gagawin ko?"
"Ate, sino ba 'yung sana video?" tanong niya.
BINABASA MO ANG
AI-WIL-MARY-RYU (I WILL MARRY YOU)
RomanceMATALIK NA MAGKAIBIGAN ang Pamilya Salazar at Pamilya Martinez, kaya hindi nakakapagtaka kung ipamana rin ng mga ito sa kanilang mga anak ang pagkakaibigan nila. Pero sa isang gabi ng pagkakamali, maiipit sina Ai at Ryu sa pagitan ng kanilang mga ma...