🌹 Chapter Twenty Four 🌹
"MOMMY, NAGDESISYON KAMI NI RYU na sa Heavenstar Guest House namin gaganapin ang kasal. Simpleng Garden Wedding ang gusto naming dalawa. Tayo-tayo lang," paliwanag ni Aireen sa kanyang Mommy.
Ilang araw na lang kasi ay ikakasal na sila ni Ryu. Nang sabihin nila ang location ng kasal nila, nakita nilang hindi naging sang-ayon roon ang kanilang mga Ina.
"Magbabawas lang kami ng konting bisita," dagdag ni Ryu.
"Si William pa rin ang Bestman. Si Ate Mary, ang Maid Of Honor ko. Si Rhaine ang Flower Girl. Si Ferlyn ang Bride's Maid, at ang magkapatid na Jayson at Sol lang ang abay ko. "
"Pero..." tutol pa sana ang Mommy niya.
"Hayaan na natin ang bata magdesisyon about sa kasal nila, Mahal," malambing na awat ni Daddy Roman sa asawa nito.
"Pati mga Ninong at Ninong n'yo?" tanong ni Mama Annie.
"Wala kaming binago," si Ryu ang sumagot.
"Mabuti naman," Sabi ni Mama Annie.
"Before the wedding doon na tayo sa Guest House tutuloy. Nacontact ko na ang magkapatid tungkol rito, at kinausap na sila ng Wedding Coordinator na kinuha ninyo. Nakapag-coordinate na rin kami sa pareng magkakasal sa amin," pagpapatuloy ni Aireen.
"Hindi naman pala nila binago lahat!" natatawang komento ni Papa Vicente, "Nagbawas lang sila ng Abay at konting guest."
"Gusto kasi namin na simple na lang, Pa..." sabi ni Ryu.
Tumango-tango ang lahat.
Sa haba-haba ng pag-uusap nila ay nagawa nilang mapapayag ang kanilang magulang sa gusto nila. Pakiramdam ni Aireen ay perpekto na ang lahat.
At tulad ng napag-usapan, a day before the wedding ay nagcheck-in silang lahat sa Guest House. Kitang-kita nila ang tuwa sa mukha ni Jayson dahil buong buwan na walang itong naging guest. Sumigla ang paligid dahil sa pagdating ng pamilya nila Aireen at Ryu.
"First time sa history ng guest house namin ang magkaroon ng kasalan rito!" tuwa ni Jayson.
At nang dumating na ang araw ng kasal, naging abala na ang lahat sa kani-kanilang trabaho. Pero pagkagising ni Aireen ay dali-dali na siyang tumakbo sa banyo dahil pakiramdam niya biglang bumaliktad ang sikmura niya.
"Ate ok ka lang?" tanong ni Sol na siyang kasama niya sa kuwarto. At hinihintay na nila ang make-up artist nila.
"May nakain yata akong hindi maganda," sabi niya.
"Wala naman tayong ibang kinain kungdi iyong barbeque diba? Nakita nga kita hindi ka masyadong kumain," sabi nito.
"Hindi ko alam, pero parang ang sama ng pakiramdam ko," sabi niya.
"Baka kinakabahan ka lang?" sabat ni Ferlyn.
"Siguro nga," pagsang-ayon na lang niya. Saka na dumating ang kanilang make-up artist.
Mahigpit na binilin sa kanya ng Mommy niya na huwag na huwag siyang lalabas ng kuwarto. Hindi raw maaaring makita ng Groom ang Bride bago ang araw ng kasal. Kaya hanggang text lang sila ni Ryu ng araw na iyon.
Habang lumalapit na sa tinakdang oras lalo lang nakakakaramdam ng kaba si Aireen. Hindi na rin nagiging maganda ang pakiramdam niya.
"Ay, ang ganda naman ni Tita Ai!" komento ng Ate Mary niya nang silipin na siya nito sa kuwarto nila ni Sol. Kasama ng Ate niya ang anak nitong si Rhaine na nakabihis na rin.
BINABASA MO ANG
AI-WIL-MARY-RYU (I WILL MARRY YOU)
RomanceMATALIK NA MAGKAIBIGAN ang Pamilya Salazar at Pamilya Martinez, kaya hindi nakakapagtaka kung ipamana rin ng mga ito sa kanilang mga anak ang pagkakaibigan nila. Pero sa isang gabi ng pagkakamali, maiipit sina Ai at Ryu sa pagitan ng kanilang mga ma...