Chapter Six

35 8 1
                                    

🌹 Chapter Six 🌹

MAPUTI NA ANG BUHOK AT kulubot na rin ang balat ni Lola Martha. Medyo kuba na rin ito at hirap nang maglakad. Inaalalayan na lang ito ng tungkod at ng isang dalagita sa paglalakad.

Biglang napaisip si Aireen dahil parang kilala niya ang dalagitang kasama ni Lola Martha. At kung hindi siya nagkakamali, ito ang pinsan ni Ryu na si Ferlyn.

Noong nakaraan taon lang din niya huling nakita ito kaya laking-gulat niya na halos magkasing-tangkad na sila nito.

Nakita niya ang pagkakangiti ni Ferlyn sa kanya kaya gumanti rin siya ng ngiti rito.

"Lola!" masiglang bati ni Ryu kay Lola Martha. Nagbukas pa ang dalawang bisig nito na handa na sanang yumakap sa matanda. Pero bigla rin itong napahinto nang umarko na sa ere ang tungkod ni Lola Martha.

"Mga lintiang mga bata kayo!" singhal ni Lola Martha at tinangka nang hampasin si Ryu.

"L-lola!" mabilis naman napaatras ang binata.

Pati siya ay pinagtangkaan rin ni Lola Martha na paluin ng tungkod pero mabilis siyang napakapit sa likuran ni Ryu at nagtago roon.

Ito na ang bagay na labis niyang kinakatakutan sa matandang ito. Alam niya kung gaano kasakit ang mararamdaman niya sa oras na matikman niya ng paghampas ng tungkod nito.

"L-lola, 'yan ba ang isasalubong n'yo sa amin?" may himig na paglalambing na sabi ni Ryu.

Kahit hirap na hirap nang maglakad ay nakukuha pa rin ni Lola Martha na sundan silang dalawa ni Ryu kahit saan sila magpunta. Para na nga silang naglalaro ng patintero, at ito ang taya! At kung manghahampas pa ng tungkod ito ay parang wala itong nararamdaman anumang sakit.

"Lola ang rayuma n'yo!" biro pa ni Ryu, at patuloy na nagpapahabol sa matanda.

Pero hindi pinansin ni Lola Martha ang birong iyon ng apo, at abala pa rin ito sa paghabol sa kanila. Sa tuwing itinataas na nito ang kamay para makabuwelo sa paghampas ay kaagad na silang umiilag. Paikot-ikot lang sila sa lugar na iyon na parang walang kapaguran si Lola Martha sa paghabol sa kanila.

"Alam mo bang tumawag ang Mama mo sa akin," galit na sabi ni Lola Marta at pinanduduro pa nito ang tungkod kay Ryu, "Sinabi niyang tinanan mo 'tong babaeng ito!"

"Tanan?!" halos sabay nilang react ng binata saka sila nagkatinginan.

"At dito pa talaga ninyong naisipang pumunta!" sabi ni Lola Martha. At muling nagtangka ng paghampas ito.

Dahil sa pagkabigla ni Ryu sa narinig na nagtanan sila ay hindi na ito kaagad na nakaiwas kaya natamaan ito sa binti.

Hindi niya napigilan ang mapangiwi nang marinig pa niya ang lagotok ng tungkod ni Lola Martha sa pantalong suot ni Ryu, at kung umarte siya ay parang siya ang nasaktan roon.

"Lola, masyado ka namang exaggerated!" react na ni Aireen.

"Exaggerated ka d'yan bruhildang bata ka!" singhal na naman ni Lola Martha. At narinig na niya ang magic name sa kanya. Katibayan lang 'yan na galit pa rin ito sa kanya.

"At isa pa!" duro pa rin ni Lola Martha sa kanila saka binalingan na naman si Ryu, "Sa dami-daming babaeng itatanan mo, Ryulito...bakit ito pang babaeng ito?"

AI-WIL-MARY-RYU (I WILL MARRY YOU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon