🌹 Chapter Nineteen 🌹
MARAHAS NA HININGA NA LANG ang pinakawalan ni Aireen. Wala na siyang nagawa pa nang isama na siya ni Jayson sa hapunan ng mga ito kasama si Ryu. Pagdating nila sa malawak na hardin ay naabutan nila na nag-iihaw si Ryu. Samantalang si Sol naman ay naghahain sa hapagkainan.
"Ayan, nandito na si Ate Ai!" tuwa ni Sol nang makita siya.
Matipid siyang ngumiti.
Sinadya niyang huwag padaain ng tingin si Ryu kahit pa alam niyang sa kanya ito nakatingin.
Habang kumakain sila ay nilabas na ni Jayson ang pinalamig nitong beer. Samantala, nag-aya naman si Sol na maglaro ng Truth or Dare. Kahit ayaw sana ni Aireen, napilitan na siyang sumali.
Gamit ang isang bote ng beer na walang laman, pinaikot ito ni Jayson sa ibabaw ng lamesa. Unang tumutok ang nguso ng bote kay Jayson, at Truth ang pinili nito.
"Kuya, kaylan ka mag-aasawa?" may halong pang-aasar na tanong ni Sol.
"Tanong ba 'yan o pang-aasar?" seryosong tanong ni Jayson.
"Sagutin mo na lang!" mapanghamong sabi ni Sol.
"Malapit na!" parang nahihiyang sagot ni Jayson.
"Weh? May nililigawan ka ba ngayon?" tanong ulit ni Sol.
"Balak pa lang! Pero dinadahan-dahan ko palang. Baka kasi kapag nabigla, bigla na lang lumayas," sagot nito sabay ang sulyap kay Aireen.
Parang nakuha naman ni Sol ang pasaring na iyon ng kapatid. Kaya nanunukso itong napatingin na rin kay Aireen.
"Ako naman ang mag-iikot!" biglang harang ni Ryu. Sinadya nito iyon para maputol ang pagkakatitig ni Jayson kay Aireen. Lalaki rin si Ryu kaya alam nito ang ibig sabihin ng mga tingin na iyon ni Jayson.
Pero si Aireen ay walang kamalay-malay. Sa barbeque kasi ang atensyon niya. Lihim siyang natutuwa dahil alam na alam pa rin ni Ryu ang favorite niyang pagkain. At saka talagang nagugutom na rin siya.
Si Ryu naman ang nagpa-ikot ng bote. At eksaktong tumutok ang nguso ng bote kay Sol.
"Ano ang avarage ng grade mo noong highschool?" biglang tanong ni Jayson.
"Haaizzt! Bakit ganyan naman ang tanong mo Kuya!" reklamo nito. "Hindi mo man lang ako pinapili kung Truth or Dare!"
"Wala na natanong ko na eh! Sagutin mo na lang!" utos ni Jayson.
"Eighty! Happy?" inis ni Sol sabay irap sa kapatid.
Tumawa naman ng malakas si Jayson.
"At least hindi line of seven ang grades ko!" katwiran ni Sol at ito na rin mismo ang nag-ikot ng bote.
Sa pagkakataong iyon, tumutok ang nguso ng bote kay Aireen. Kaya napatingin ang lahat sa kanya.
"Truth na. Baka kasi kapag nagdare siya mabinat ka pa, Ate!" sabi kaagad ni Sol.
"Ay bakit mo siya pinangungunahan? Hayaan mo siyang pumili," saway ni Jayson sa kapatid.
"Eh bakit ako, hindi mo pinapili!" reklamo ni Sol at sumimangot na.
"Okay, awat na! Truth na ang pipiliin ko!" awat ni Aireen sa magkapatid. Palibasa kasi mga naka-inom na kaya maiinit na ang ulo.
"Sino ang first kiss mo?" kinikilig na usisa ni Sol.
"Ha?" gulat ni Aireen saka napatingin siya kay Ryu.
"Ano bang tanong 'yan, Sol? Tama bang tanungin siya ng ganyan sa harapan ng guest natin?" sita ulit ni Jayson.
BINABASA MO ANG
AI-WIL-MARY-RYU (I WILL MARRY YOU)
RomansaMATALIK NA MAGKAIBIGAN ang Pamilya Salazar at Pamilya Martinez, kaya hindi nakakapagtaka kung ipamana rin ng mga ito sa kanilang mga anak ang pagkakaibigan nila. Pero sa isang gabi ng pagkakamali, maiipit sina Ai at Ryu sa pagitan ng kanilang mga ma...