🌹 Chapter Fourteen 🌹
NGAYON NAIINTINDIHAN NA NI RYU kung bakit bigla siyang tinawagan ni Aireen kanina noong nasa mall sila ni Mary. Saglit niyang pinakalma ang sarili matapos niyang marinig ang kwento ni Ging.
"N-nasa'n po si Aireen?" tanong na lang niya sa dalawang ginang.
"N-Nasa kuwarto n'ya," tugon ng kanyang Mama.
"Kausapin mo siya, Ijo..." paki-usap ni Mommy Luz sa kanya, "Sinabi niya sa amin na hindi raw niya kayang magpakasal sa lalaking hindi naman siya mahal!"
Napakunot ang noo ni Ryu.
"Sige po..." tugon niya. Para mawala na rin ang alalahin ni Aireen, kakausapin na niya ito. Narinig na niya ang lahat ng kwento mula sa mga kasama ni Aireen sa bahay. Nabuo na rin sa kanyang isipan na sobra itong nabigla sa nangyari sa kanila. Maski naman siya ay nabigla rin pero hindi naman niya akalain na dahil sa kalokohan ng kanilang mga magulang ay siya naman ang paggising niya sa katotoohanan. Noong mga panahong naiipit sila ni Aireen dahil sa kanilang mga magulang, maraming bagay rin siyang natuklasan sa kanyang sarili. Tama noon ang sinabi ng pinsan niyang Ferlyn, bakit isinama pa niya noon si Aireen sa Baguio ganoong pwedeng-pwede naman siya noong tumakas na mag-isa.
Maski siya ay naguguluhan pa noon sa kanyang nararamdaman. Dumating na rin sa punto na parang hirap siyang kontrolin ang sarili kapag nakakasama niya si Aireen. Minsan namamalayan na lang niyang matagal na pala niya itong tinititigan.
Hindi naman ito ganoong kaganda. Aaminin niyang mas maganda ang kapatid nitong si Mary. Maganda rin naman si Aireen pero sadyang natatabunan lang minsan ng kagandan ng kapatid.
Hinding-hindi niya makalimutan noong gabing tumabi ito sa kanya habang nanunuod siya ng TV. Kasalukuyan itong nagpapatuyo ng basang buhok kaya hindi niya maiwasan ang maamoy ang aruma ng shampoo'ng ginamit nito. Para pa ngang nanunuot sa ilong ang bango na nanggagaling rito. Tapos nakita pa niya kung gaano kakinis ang leeg at batok nito na dati naman ay walang epekto sa kanya.
Noong gabing hinalikan siya nito dahil sa labis nitong kalasingan. Nang maglapat ang kanilang mga labi, parang bang nag rewind sa kanyang isipan ang mga alaala na magkasama sila. Hindi si Aireen ang first kiss niya. Pero doon nagsimulang kumabog na ng malakas ang dibdib niya. Pakiramdam niya, nagising ang natutulog niyang puso dahil sa halik na iyon ng dalaga. Simula noon parang lagi na niyang hinahanap ang mga labi nito. Parang lagi niyang gustong tikman iyon.
"Aireen! Aireen! Buksan mo ang pinto! Mag-usap tayo!!" tawag ni Ryu habang sunod-sunod na niyang kinakatok ang pintuan ng kwarto ni Aireen, "My God, Ai! Ano bang nangyayari sa'yo? Bakit gusto mo'ng iurong 'yung kasal? Akala ko ba maayos na ang lahat, huh?"
Pero walang sumasagot.
"Iniisip mo siguro na...na napipilitan lang ako, noh?" pagpapatuloy niya.
Pero wala pa ring sumasagot.
"Aireen, please..." pagmamakaawa na niya, "...hindi mo ba naisip na kahit wala naman talaga akong pananagutan sa'yo ay pumayag pa rin ako sa kagustuhan nila? Aireen, kagustuhan ko rin ito!"
Napalunok siya saka nagpakawala rin ng malalim na hininga.
"Mahal kita! Narinig mo? Ang sabi ko, mahal kita Ai! Nalaman ko lang 'yung noong itinakas kita at dinala kina Lola Martha! Totoo ang sinabi ni Ferlyn dati, gusto talaga kita noong itanan kaya nagawa kong isama ka sa Baguio!" pag-amin niya, "Sana paniwalaan mo naman 'yun!"
"O, Ryu..." mangiyak-ngiyak na reaksyon ng dalawang ginang na nakatayo lang sa di kalayuan.
Pero lalo lang kinabahan si Ryu dahil wala pa rin siyang naririnig na anumang ingay mula sa loob ng kuwarto nito. Anu-ano na ang pumapasok sa isip niya na hindi maganda. Kaya nagdesisyon na siyang pihitin ang doorknob.
BINABASA MO ANG
AI-WIL-MARY-RYU (I WILL MARRY YOU)
RomanceMATALIK NA MAGKAIBIGAN ang Pamilya Salazar at Pamilya Martinez, kaya hindi nakakapagtaka kung ipamana rin ng mga ito sa kanilang mga anak ang pagkakaibigan nila. Pero sa isang gabi ng pagkakamali, maiipit sina Ai at Ryu sa pagitan ng kanilang mga ma...