🌹 Chapter Thirteen 🌹
FIFTEEN YEARS EARLIER....
"Ryu, laro tayo!" aya ng pitong taong gulang noon na si Aireen kay Ryu na kasalukuyang sampung taong gulang pa lang noon.
Kasalukuyan rin sila noong sa playground ng kanilang village noong mga panahon. Weekend kaya wala silang pasok sa kanilang school.
"Ayoko nga!" tanggi ni Ryu at pasimpleng sinulyapan si Mary na tahimik lang nagbabasa ng libro sa ilalim ng puno.
Isang pilyong ngiti ang gumihit sa mga labi ni Ryu, at saka niya hinagisan ito ng bola. Hindi naman malakas ang pagkakahagis niya, sapat lang para masagi ang librong hawak ni Mary.
Inis naman nag-angat ng tingin si Mary. At matatalim na tingin ang binigay kay Ryu.
"Bleh!" pang-aasar pa ni Ryu.
"Ah ga'nun!" tumayo na si Mary sa pagkakaupo sabay ang pagdampot ng bola, at binato ito kay Ryu.
Ang asaran ng dalawa ay nauwi sa paglalaro nila ng bola. Samantalang si Aireen naman ay napasimangot dahil hindi siya sinasali ng dalawa sa laro ng mga ito.
Nagtatampo si Aireen sa ate niya dahil kanina niyaya niya itong maglaro pero hindi siya pinapansin, lagi lang itong nagbabasa ng libro. Si Ryu naman ay tinatanggihan siya lagi. Mas gusto pa nitong kalaro ang Ate Mary niya.
Wala na siyang makalaro. Kaya naman, inis na siyang umalis sa playground. Uuwi na lang siya.Hindi na alam ni Aireen kung gaano na siya katagal sa paglalakad hanggang sa mapagtanto niyang naliligaw siya sa loob ng village nila. Hindi na niya matandaan kung nasaan ang bahay nila.
Samantala, kapwa napagod sa paglalaro ng bola sila Ryu at Mary. Kapwa rin sila napasandal sa puno. Halos hindi na nila namalayan ang oras, doon nila napagtanto na malapit nang magtakip-silim.
"Aireen..." tawag ni Mary sa kapatid. At nang mapagtanto nitong wala roon ang kapatid ay nag-aalalang nagpalinga-linga ito sa buong playground, "Ryu, si Aireen nawawala!"
Naalarma na rin si Ryu nang makitang wala sa paligid si Aireen. Saka na nila sinimulang halughugin ang buong playfround.
"Aireen!" tawag nila rito pero walang sumasagot.
Simulang kabahan ang dalawa dahil nagsisimula na ring dumilim.
"Nasaan na 'yun?" kinakabahang tanong ni Mary.
Nagdesisyon silang dalawa ni Mary na maghiwalay sa paghahanap. Nagdesisyon din sila na hindi sila uuwi hanggang hindi nila nakikita si Aireen
Magdadalawang oras na pero hindi pa nila nakikita si Aireen. Madalim na ang buong paligid. Halos namamaos na si Ryu kakatawag sa pangalan ni Aireen.
"Aireen!" umiiyak niyang tawag rito, "Sorry na!"
Sa kanyang paghahanap ay hindi niya namalayan na napadaan siya sa bakanteng lote. At dahil gabi na rin at madilim, wala nang katau-tao sa paligid.
Umikot-ikot siya sa buong bakanteng lote hanggang sa makarinig siya ng pag-iyak. Pahinto siya dahil parang pamilyar sa kanya ang boses nito. Hinanap niya kung saan nanggagaling ang pag-iyak iyon hanggang sa makarating siya nakatampak na mga bato.
Mabilis na dumaloy ang luha sa kanyang mga mata ng makita niya si Aireen roon. Wala sa loob na niyakap niya ito. Pakiramdam kasi niya nabunutan siya ng tinik.
"Ryu?" tumingin ito sa kanya.
Kahit may luha ang kanyang mga mata ay nagawa pa rin niyang ngumiti.
BINABASA MO ANG
AI-WIL-MARY-RYU (I WILL MARRY YOU)
RomanceMATALIK NA MAGKAIBIGAN ang Pamilya Salazar at Pamilya Martinez, kaya hindi nakakapagtaka kung ipamana rin ng mga ito sa kanilang mga anak ang pagkakaibigan nila. Pero sa isang gabi ng pagkakamali, maiipit sina Ai at Ryu sa pagitan ng kanilang mga ma...