Chapter Seventeen

31 6 1
                                    

🌹 Chapter Seventeen 🌹

"DUMAAN KA SA BAHAY NG MOMMY LUZ MO, KAPAG NAKAUWI KA NA."

Nagpakawala ng marahas na hininga si Ryu matapos niyang mabasa ang text message sa kanyang ng Mama niya. Kakagaling lang niya noon sa Studio kung saan niya naisipang ipasa ang kantang ginawa niya.

Oo. Kahit na-disband na ang bandang tinatag niya ay hindi pa rin siya tumitigil sa pagsusulat ng kanta. Tumutulong na siya ngayon sa kanilang family business. Pero aywan nga ba niya, kahit anong gawin niya ay hinihila siya pabalik ng musika. Pakiramdam niya, ang musika ang sandalan niya sa mga ganitong may mabigat siyang pinagdaraanan.

Tulad ng bilin sa kanya ng mama niya, nagawa pa rin ni Ryu ang dumaan sa bahay ng mga Salazar. Hindi na siya nag-aksaya ng panahon para kumatok. Dahil hindi na rin siya iba sa pamilyang ito. At halos ito na rin ang tinuturing niyang ikalawang tahanan. Pero naging madalang ang pagbisita niya rito dahil sa mga nangyayari.

Iniisip niya, masyado ba siyang naging makasarili dahil pumayag siya sa kagustuhan ng mga magulang nila. At hindi niya inisip ang nararamdaman ni Aireen. Basta ang mahalaga lang sa kanya noon ay ang nararamdaman niya. Doon na lang kasi nagising ang damdamin niya para kanyang bestfriend kaya sinamantala niya ang panggigipit sa kanila ng mga magulang niya.

Ang isiping ito ang laging pumapasok sa kanyang utak. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang maramdaman. Guilt or awa sa sarili. Sinubukan niyang magalit kay Aireen dahil sa ginawa nitong pag-iwan sa kanya pero mas nangingibabaw ang damdamin niya rito. At pananabik na makita at makasama ulit ito.

Halos isang buwan pa lang ang nakakalipas, miss na miss na niya ito. Hanggang ngayon hindi pa rin niya alam kung nasaan ito. Kahit pa paminsan-minsan ay tumatawag ito sa mga magulang nito, palihim pa siyang naghahanap. Nag-aalala siya rito. Wala siyang ideya kung anong nangyayari rito. Dati-rati ay alam na alam niya ang mga activity nito. Pero iba na ngayon, at hindi pa rin siya masanay-sanay na wala ito sa tabi niya.

Nang makapasok na siya sa loob ng bahay ng mga Salazar, naabutan niya roon ang Mama niya na kausap si Mommy Luz. Magalang siyang nagmano sa dalawang ginang bilang paggalang sa mga ito.

"Bakit n'yo po ako pinapunta rito?" tanong niya sa mga ito.

"Ano kasi..." anang ng Mama niya sabay ang sulyap nito kay Mommy Luz. Parang nagtuturuan pa ang mga ito kung sino ang dapat magsalita.

"Ano kasi, Ijo...May ginawa kasi kami na baka ikagalit mo," panimula ni Mommy Luz.

Na siya namang pagkakakunot ng noo ni Ryu.

"Actually nai-file namin ito noong araw na maglayas si--" hindi na natapos pa ang sasabihin sana ng kanyang Mama nang makarinig sila ng kalabog sa bandang pintuan.

Sabay-sabay silang napatingin rito nang bigla itong bumukas, at iniluwa roon si Mary.

"Nandito na ako!" sabi pa nito na pagewang-gewang pa ang lakad habang papasok.

Nagulantang naman silang tatlo dahil sa nakitang lasing si Mary.

Dali-dali naman itong nilapitan ni Ryu para alalayan.

"Huwag! Huwag mo akong lalapitan! Baka magselos na naman ang little sister ko at hindi na siya talaga umuwi rito!" pagtataboy ni Mary sa binata.

Natigilan naman si Ryu.

"Mommy!" parang batang pang lumapit ito, at malambing itong yumakap sa ina nito.

"Lasing ka na naman!" may himig na pagkainis na turan ni Mommy Luz sa anak.

"Nakainom lang ako, Mommy! Konti lang naman! Pero hindi ako lasing!" katwiran ni Mary at patawa-tawa pa.

Nagpakawala ng marahas na hininga si Mommy Luz, "Umakyat ka na! May mahalaga kaming pinag-uusapan rito!"

AI-WIL-MARY-RYU (I WILL MARRY YOU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon