TULA at KWENTO IBAHAGI MO

383 41 2
                                    

TULA at KWENTO IBAHAGI MO

Nais kong ibahagi sainyo
Ang mga sinusulat ko dito sa mundo
Mundo kung saan ako nakikihalubilo
Sa napakaraming tao. 

Tao na nagbibigay motibo
Kung bakit ako nagsusulat ng mga kwento
Kwento na gusto kong ibahagi sa napakaraming tao.

Nais kong ibahagi ang mga kaalaman na aking nalalaman
Nalalaman sa araw araw na bakbakan
Sa mundong ginagalawan.

Tao ang dahilan kung bakit may kwento at mga tulang naisusulat
Naisusulat at naikakalat
At kung bakit may mga katulad kong manunulat.

Manunulat na ibinabahagi ang bawat damdamin
Damdamin na nagiging hangarin
Hindi lang para sa amin
Kung di para sa atin.

Napakaraming mambabasa
Sa ating bansa
Napakaraming manunulat na nakakalat

Napakaraming kwento at tula
Na nababaliwala
Napakaraming damdamin
Na dapat damhin

Ngunit hindi nabibigyan pansin.

Nais kong ibahagi sa isang banda
Hindi sa pagkanta
Kundi sa pagbabasa
Sa buong masa.

Nais ko ring ibahagi sa mundo na hindi lang ako
Hindi  lang ako ang kayang magsulat ng mga tula at kwento

Ganoon na rin ang ating mga guro
At mga manunulat na iniidolo
Hindi lang kami ang kayang gumawa ng mga ganto
Alam kong maging ikaw kaya mo.

Kaya nais kong ibahagi sa napakaraming tao
Sa mundong ginagalawang ko
Maaari kang gumawa ng tula at kwento
At sana ito ay ibahagi mo.

PUNIT NA PAPEL (TULA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon