Chat

90 20 0
                                    

Nagsimula sa Hi
Matatapos sa Goodbye

Naalala mo 'yung unang araw kang nagchat?
Hindi ko alam pero talagang nakakagulat

Akala ko on lang naman iyon
Dumaan ang panahon
Hindi ko namalayan
Masaya na akong nakikipagkwentohan

Ang mga chat na hinahating gabi
Kahit ano ano na lang ang pinagsasabi
Makachat ka lang masaya na
Ngunit nakakapagtaka

Nang tuluyan ka nang nakapasok sa aking sistema
Yun na pala ang umpisa

Ang mga chat na 'kumain ka na ba? '
'Ingat ka'
Hanggang sa sinabi mong 'Mahal kita'

Sino ako para hindi mahulog sayo?
Nadala mo kasi ako sa mga salita mo

Umamin rin naman ako nung may pagkakataon
Naging masaya naman tayo noon
Ngunit tinatapos mo na ngayon

Yung saya naging malungkot
Yung pangarap naging pangako
At higit sa lahat ang Chat naging Block.

PUNIT NA PAPEL (TULA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon