Pinamagatang Covid-nineteen
Kung saan may Community Quarantine.
Nagsimula sa Wuhan China
Ngayon Pandemic na.Hindi nakikita ang kalaban
Na kayang pumatay sa sambayanan.
Una ika'y pinapahirapan
O kaya ay hindi mo mararamdaman.Ngunit maaaring humantong sa kamatayan.
Virus ang ating kalaban.
Kaya tayo ay magtulungan
Sa pakikinig at pagsunod ng patakaran.Napakalaking ambag sa lipunan
Kung tayo'y susunod sa patakaran.
Upang sa Ibay hindi maging kapahamakan.
Dahil ang ating kalaban ay walang pinagpipilian.Wala sa edad o status ng buhay kung sino ang tatamaan.
Matanda ka man
Bata ka man
Mahirap ka man
Sikat ka man
O kahit ikaw pa ang pinakamayamanWalang pinipiling dadapuan
Ngunit maaaring agapan
Sa simpleng pagsunod ng kautusan
Pairalin ng bawat isa ang pagitan.Nakakatakot OO!
Pero maging matatag tayo.
Lalo ang mga nadapuan nito
Kayo ay magpalakas ng husto.Maging ang ating mga frontliner
Kami po ay saludo sa inyo
Sa katatagan at determinasyon
Ng bawat isa sa inyoHandang tulungan ang mamamayan.
Kahit na ito'y kapahamakan
Ngunit kayo'y patuloy na nakikipaglaban
Kahit hindi nakikita ang kalaban.Para sa ating mga mamamayan
Tayo ay manatili sa ating tahanan
Kung hindi naman importante ang pupuntahan
Upang maiwasan ang pakikisalamuha sa karamihanMatuto po tayong dumistansya para sa kaligtasan
Hindi na rin tayo magkahawaan
Kaya ang maikling tulang ito
Ibinabahagi ko sa inyoNagpapaalalang makinig tayo
Malalagpasan rin natin ito.Covid19
By:Modernong_Writer