MANANG AT TANDA

197 35 0
                                    


Manang At Tanda

Kamusta na?
Miss na kita
Naaalala mo pa ba?
Ang tawagan nating manang at tanda?
Na madalas tayong pagkamalang magjowa.

Kilala mo pa kaya ako?
Yung pinakamagandang kaybigan mo?
Hindi sa mukha kundi sa puso
Na laging maraming pauso.

Naaalala mo pa ba?
Noong una tayong nagkakilala?
Noong nauso ang tawagang manang at tanda?
Yung mga birong tayo lang nakakaunawa?

Naaalala mo pa ba?
Kung saan tayo nagsimula?
Diba hindi sa personal kundi sa social media pa.
Napakasayang balik-balikan diba?

Yung mga panahong maybiruan pa
Yung mga panahong inuumaga pa
Yung mga panahong nagpupuyat pa
Yung Makachat ka lang sa FB ang saya diba?

Pero napakalungkot mang isipin
Hindi man parehas na naisin
Sa pagitan natin
Ito'y kailangan ng tapusin.

PUNIT NA PAPEL (TULA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon