Hindi naging tayo

89 18 0
                                    

Hindi naging tayo
By: Modernong_Writer

Ang sabi nila bagay daw tayong dalawa

Naalala mo tinawanan ko lang sila

'Hindi tayo bagay kasi tao tayo'

Nakakatawa pero 'yun ang totoo.

Ang sweet naman kasi nating dalawa

Kaya napagkakamalan tayong mag Jowa

Kaso di nila alam wala namang tayo

Dahil maski ako hindi ko alam

Kung ano ako sa buhay mo.

Akala ko meron tayong pagkakaintindihan

Ngunit bakit hindi ko maintindihan

Kapag tayo ang magkausap

Tila isinusulat ang mga pangarap

Gusto mo rin ba ako?

Katulad ng pagkagusto ko sayo?

Naaalala ko pa nga kapag may problema

Sa akin mo agad sinasabi

Hito ako, agad na handang makinig sayo

Kahit hindi ko alam ang ipapayo ko

Nakakatakot na baka magkamali

Akala ko may namamagitan na

Akala ko may pagtingin na

Pero mali ako, mali akong umasa sa katulad mo

Dahil isang malaking kaibigan lang ako

Para sayo.

PUNIT NA PAPEL (TULA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon