KAIBIGAN

190 28 0
                                    

Ang tulang pinamagatang kaibigan
Na nagsimula sa paaralan
Nabuo sa kasiyahan
Samahan pa ng mga kwentohan

Iilan lang sa umpisa
Sa nagdaang araw
Nadagdagan pa ng lima
Nagtagal sa masayang ala ala

Akalain mo ngang mabubuo
Ang samahang hindi inaasahan sa mga 'to
Kahit di perpekto
Sa mga mata ng tao kami ay nabuo

Simpleng asaran
Simpleng tawanan
Simpleng katauhan
Simpleng kasiyahan

Iyan ang aking mga kaibigan
Na lagi kong naaasahan
Sa mga problemang pinagsasaluhan
Ito ang nagpapatatag ng samahan

Kaya ang pagtatapos ng tulang ito
Inialay ko sa mga tropa ko
Naging kasiyahan ng sandaling ito
Sa munting yugto ng buhay ko

PUNIT NA PAPEL (TULA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon