Tayo (Awit)

386 33 0
                                    

Bata pa lamang tayo
Magkakilala na
Hindi man madalas magkita
Minsan lang magsama
Hindi pa nagpapansinan

Bakasyon na naman
Ikaw ba'y masisilayan pa?
Makakausap ba ng sandali?
Makakasama ba ng saglit?

Biglang nagbago ang lahat
Noong umamin na may nararamdaman
Hindi na mapigilan pa
Mahalin ang isat-isa

Isang araw na tinakda
Na tayo ay magsama
Ngunit bakit ang mga matay umiiwas?
Lumingon sa akin at ako'y kausapin
Ngunit hindi man nangyari
Dumating pa rin ang araw
Araw na hinihintay
Na pareho ang nararamdaman

Hindi man ngayon
Siguro sa tamang panahon
Na ikaw at ako
Ay magiging tayo.

PUNIT NA PAPEL (TULA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon