Teka sandali
Tila nagmamadali
Hindi na ba mapakali?
Gusto ng makalaya muliSino ba namang hindi?
Sa tinagal tagal na nanatili
Sa loob ng bahay
Tila naka kulong na panghabang buhay.Tila wala nang banta
Kung makapag-aya
Akala mo'y malaya na
Ngunit hindi naman palaTara labas tayo
Tara swimming tayo
Gala tayo!
Libre ko sama kayo.Mga salitang kay tagal na hindi narinig
Sobrang nakakapanabik
Na magkasama samang muli
Magkita kita kahit sandaliAkala mo ay ganoon na lamang kadali
Na sa paglabas muli
Na walang pagaatubili
Makakagala muli.Teka! teka!
Bago ka mag-aya
Mag-isip ka muna
Sigurado ka na ba?Kapag tayo'y lumabas
Tayo ba'y ligtas?
Alam mo nang hindi pa tapos
Paglaban sa virusMag-isip ka muna
Bago ka mag-ayang lumabas at maggala
Hindi porket pwede na
Mauuna ka naIsipin mo muna kung magiging ligtas ka ba.
Na hindi ka madadapuan ng sakit
Baka mas lalo kang magsisi sa huli
Na ang billing sa hospital ay malakiTyaka na muna ang swimming, gala at labas
Manatili ka munang ligtas
Para sa muli nating paglabas
Tayo'y malaya na sa wakas.-Modernong_Writer