Ama
By CarlaAlay ko ang tulang ito para sa lahat ng Ama.
Ang isa sa dahilan kung bakit may pamilya
Ama ito'y tulang pasasalamat
Ika'y naiiba sa lahatSalamat aking Ama
Para sa patuloy ninyong suporta,
Patuloy na pagmamahal
At sa walang katapusang pangangaral
Habang buhay ko pong dadalhin
Sa bawat sakripisyo sa amin
Upang matugunan pangangailangan naminSalamat Ama
Sa iyong pagtitiyaga
Salamat sa pagtuturo sa amin
Sa pagiging super hero namin
Ama salamat sa lahatDoctor na gagawin ang lahat
Salamat sa suporta sa aking kinabukasan
Ganon na rin sa aking kabataan at karanasanSalamat sa may kapal
Dahil nagkaroon ako ng Tatay!Ama ito na ang huling salita
Ngunit ang pagmamahal ay hindi huhupa
Dahil ikaw ang nagiisang ama
Nang aming pamilyaSending to all fathers out there. 😍