KAPATID

240 28 0
                                    

KAPATID
By:Modernong_Writer

Tula para sa aking kapatid
Hindi man minsan magkaunawaan
Sa mga bagay na pinagkakaguluhan
Sa mga bagay na pinagaawayan

Minsan nagkakaroon ng Inggitan
Dahil sa mga bagay na pinagaagawan
Tayo man ay nagkakasakitan
Kung minsan ay nagsisigawan

Minsan pa'y may mga alitan
May mga hindi pagkakaintindi
Pero pakatandaan
Tayo lamang ang magtutulungan

Sekreto ko, sekreto mo
Alam mo, alam ko
Dahil sa mga bagay na 'to
Tayo ang nagkakaunawaan dito

Anumang pinagawayan
Anumang mga asaran
Anumang sakitan
Sa hulit hulihan tayo ay magpapansinan.

PUNIT NA PAPEL (TULA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon