Khaila

429 26 0
                                    

Naaalala mo pa ba?
Nung tayo ay hindi pa magkakilala?
Nung mga panahong ako ay nagiisa,
Dahil ni Isa wala akong kilala.

Magsisimula ako noong
nginitian mo ako,
Sa pagpasok ko ng klasrom
Magsisimula ako noong
Ikaw ang unang kumausap sa akin sa room

Sa panahong magisa ako lumapit ka
Sa panahong notebook ang kaharap ako ay kinausap

Naaalala ko pa si Gargar ang kasama
Akala ko pa kayo ay magkakilala
Nakakagulat na hindi pero kayo ay masaya

Masaya ako kasi alam kong hindi na ako magisa
Ikaw pa ang nagyaya na ako ay tumabi sa inyong dalawa

Masaya ang magsimula
Ngunit tayo ay lumipat na
SA sunod na kabanata

Hindi man tayo masyadong naging close ng una
Dahil ikaw ay maraming kasama

Katulad nila Estangco, Sadie, Salas, Bendoy at iba pa
At alam kong alam alam mo na hindi ko maiwan si Gargar na magisa.

Pero patuloy ang ating pagkakaybigan
Maging ako napasama sa iyong mga kaybigan
Tinanggap mo rin si Ara na maging kaybigan

Hanggang ngayon ikaw pa rin ang matatakbuhan
Sa aking kadramahan
At sa batang kaisipan

Alam kong Alam mo
Ikaw ang nagiging taga tago ng sekreto ko
Ang nagiging takbuhan ng mga kwento at kahit nakakainis ako

Dahil paulit ulit ang kwento
Paulit ulit lang ang sinasabi ko
Pero nandyan ka parin sa tabi ko

Kahit parang ako na lang ang nakikita nyo ni Ara
Ang binibully nyo sa umaga
Ayos lang makita ko lang kayong masaya
Kahit muka na akong tanga
Mahal ko parin kayong dalawa

Masaya ako naging parte ka ng buhay ko
Marami pa akong gustong ibahagi sa inyo
Ngunit ayoko ng abutin tayo ng bukas rito

Nagpapasalamat ako na tayo ay naging magkaybigan
At lagi kong naaasahan
Kung baga sister in christ ang linyahan

Kaya ang tulang ito ay pinamagatang Khaila
Na ikaw ang bida sa ating umpisa.

January 12 2020

PUNIT NA PAPEL (TULA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon