Isang araw naisipan kong maglakad lakad
Mula sa paaralan ng aking kapatid
Doon ko sinumulan ang isiping ano-ano ang aking makikita?
Sa aking paglalakad at saan titigil ang mga paa?Umagang yaon makikita ang ngiti ng bawat isa
Makikita ang saya mula pagpasok at galak sa pagdating ng lunes
Di maikakaila ang ingay ng paligid
Ngunit ang kagustuhang matuto ay makikita sa pagpupursigido ng bawat isaSa paglalakad ng magisa
Ang isiping sana may kasama
Nagiging senti ang ganap
Sa daang kay tahimik.Aking nadaan ang simbahan
Tahimik na nagmimisa
Ito'y aking pinasukan
Dinama ang tahimik na lugarAko'y napa-isip akin na ba s'yang nakalimutan?
Ni pumasok sakanyang tahanan ay minsanan
Akin na bang nakalimutan ang presensya ng katahimikan sa simbahan?
Dahilan sa madalas na hindi ko pagpasok sa kanyang tahanan?Ako'y umupo sa isang tabi
Nais ng mga matay magluha
Sa isiping hindi ko s'ya nakalimutan
Dahil araw-araw alam kong s'ya gumagabay sa paglalakbayAking ipinagdasal ang inay nasa malayong lugar
Maging ang kanyang kalusugan
Ganoon na rin ang aking mga kapatid at kamag-anak
Hindi ko rin nakalimutan ang aking kapwa.Lumabas ako sa kanyang tahanan na may ngiti
Pinangakong babalik at magpapasalamat ng muli
Aking tinuloy ang paglalakbay
Sa munting gilid ng daan kasabay na ang arawIsa na rin sa aking nadaan ang Estero
Na nililinis ni manong
Ngunit makikita pa rin ang mga basura
Pero hindi na kalala ng unaAng daan na nililinis ni Ate
Sa araw-araw na kanyang ginagawa
Sana ay makonsensya ang mga taong nagtatapon na lang basta-basta
Dahil ang kanyang ginagawa ay di rin basta-basta.Matuto sana ang bawat isa
Na sa maliit na basura
Maraming nahihirapang iba
Sa simula palang ng umagaAkin nang naramdaman ang init ng araw
Na patuloy sumasabay as aking paglalakad
Narating ko ang palengkeng kumakaway na sa akin ang mga panindaGanoon na rin ang amoy nila
Sa ingay ng bawat isa
Pursigidong may makayod sa umaga
Upang may pagkain sa gabiMga mamimiling naghahanap
Lingon sa kanan at kaliwa ang ganap
Kahit na medyo mahirap
Mahanap lamang ang kailanganNang ako'y huminto
Napatingin sa pinto
Pinto ng paaralan kung saan kakagaling ko lamang
At muling nagbalik tanaw sa nakaraanAking muling tinanaw
Ang loob ng paaralan
Na sa mga oras na ito tahimik na ang lahat
Naguumpisa na ang klase ni mamMaging ang gard isinara na ang pinto
Pinto ng paaralan na naging isa sa mga lugar na gusto ko
At sa pagtama muli ng araw sa aking balat
Akin na naisipang bumalikMagsusundo pa pala ako.