Minutong binibilang
Oras ay hinihintay
Araw na lumilipas
Umaasang sana ako namanHanggang kailan aasa
Kung pagdating sayo parang wala na
Nakatingala sa taas
Umaasang titingin ka sa babaNaghihintay sayo
Na sana'y mapansin mo
Masama nang mangarap
Kung ikaw ang gustong makamtan?Matapos tignan ang iyong larawan
Ngayon nakatingin sa kawalan
Iniisip ikaw kaya mapagmamasdan
Sa malapitan mahahagkanCrush ako parin ay naghihintay
Na sa sigundo, minuto, oras o araw
Ikaw parin ang nais na makamtan
Kahit walang kasiguraduhan.