KALOG NA ANG BABA

295 39 0
                                    

Kalog na ang baba.
(Gutom)
By:Modernong_Writer

Ako'y isang munting bata,
Ako'y kalog na ang baba.
Sapagkat butas ang bulsa,
Pag-asa'y hinahanap pa.

Walang malapitang Iba,
Kamag-anak ko'y wala na.
Munting bata'y nag-i-isa,
Ang ganap ko sakanila.

Mga tao ay nagdaraan,
Sa munting gilid ng daan.
Araw-araw na digmaan,
Ako ay nadaraanan.

Wala ni isang nagtangka,
Sa mga katulad kong bata.
Kami'y abutan ng biyaya,
Ako'y kalog na ang baba.

PUNIT NA PAPEL (TULA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon