Chapter 2: Zoo
Kinabukasan ay maaga akong pumasok at gaya ng dati, tahimik lang akong naglalakad while not minding the stares of the students that I’m receiving.
Hanggang ngayon ay pinag-iisipan ko pa rin ang mga sinabi nila Mimi at Nana sa akin kahapon. Hindi nga ako masyadong nakatulog dahil iniisip ko pa rin ang tungkol do’n.
Pagkabukas ko ng pinto ng classroom namin ay wala pa ang iba kong classmates, usually kasi may mas maaga pa sa akin, eh, pero dahil hindi nga ako masyadong nakatulog, napaaga ang pasok ko.
Naglakad na ako papalapit sa pwesto ko at umupo sabay dukdok sa lamesa ko. Kung nagtataka kayo kung sino ang binabanggit nila Mimi kahapon, well, sila lang naman ang mga kaibigan ko dahil nga parehas ko silang may mga kapangyarihan pero malayo sila sa akin ngayon.
Makikilala niyo rin sila, pero ang isang binabanggit ni Mimi ay ang aking childhood best friend. Matagal na siyang nag-aaral sa Lumina Academy, at matagal ko na rin siyang hindi nakakausap at hindi nakikita, dahil ng lumipat siya ng school, pati na rin ang kaniyang Lolo’t Lola ay lumipat na sa bayan ng Luminaria.
At yung sinabi kong mukhang dalawa ang tinutukoy niya?
Nandito yung isa pero mukhang on the way na rin sa Lumina Academy dahil sa sinabi sa akin ni Nana. At yung isa naman ay na sa Lumina Academy na din nag-aaral.
Maya-maya pa’y nagsidatingan na rin ang mga classmates ko dahil narinig ko na ang mga yapak ng mga paa nila. Nanatili naman akong nakadukdok at sinusubukang matulog kahit saglit lang pero wala pa rin talaga hanggang sa nag-start na ang klase.
***
Hapon na at uwian na pero ayoko pang umuwi dahil hindi ko pa napag-iisipan ng mabuti ang pinag-usapan namin nila Mimi kaya naman balak ko pa siyang puntahan o kaya unahin ko munang pumunta sa Zoo.
Wait. Zoo? Bakit ko naman naisip puntahan ‘yon? Pero, matagal-tagal na rin pala akong ‘di nakakapunta doon. Siguro no’ng grade 9 pa ako at may project ako sa Arts na kailangan kong mag-picture ng mga bagay-bagay na nakapagpapa-saya sa akin and Zoo is one of them.
Napagpasyahan kong sa Zoo na lang dahil baka nasundo na siya papunta sa Magic World kaya pumara na ako ng taxi at nagpahatid sa Zoo.
Habang buma-biyahe ay nag-text muna ako kay Mimi na mamamasyal muna ako. Hindi naman kalayuan ang Zoo sa school ko at aabutin ka siguro ng mga 35 to 40 minutes bago ka makarating do’n. Pagkadating ko naman do’n ay nagbayad na ko’t bumaba.
Pagkapasok ko sa Zoo ay as usual, madaming tao at karamihan ay bata na kasama ang mga magulang nila upang magsaya. Sometimes, I envy the other people who have a complete family.
Minsan ay hindi ko rin maiwasan na mag-isip kung ano’ng pakiramdam ng may kompletong pamilya. Pero hindi kailan ma’y nagalit ako kay Mimi o kinuwesyon siya dahil sa wala akong Tatay. Basta ang alam ko lang, namatay daw ito sa digmaan at sa pagkamatay niya ay nalaman ni Mimi na buntis pala siya sa akin.
Then tragedy happened, nagkaproblema siya sa pamilya niya kaya humingi siya ng ‘vacation’ mula sa Akademiya kung saan siya namumuno at do’n din sumama si Nana sa kaniy at hanggang sa lumaki na ako, magkasama pa rin sila.
Hindi naman nagbabanggit si Mimi kung ano’ng pangalan ng mga magulang niya at kung sino sila sa ibang mundo kaya nirespeto ko na lang, siguro pagdating ko do’n ay aalamin ko na lang.
Yes…
Nakapagdesisyon na ako, at ‘yon ay oo. Nakapag-isip-isip ako habang na sa biyahe papunta dito na payag na ako at sa pagtapak ko sa lugar na iyon ay sisiguraduhin kong malalaman ko din ang totoo.
Totoong dahilan kung bakit pinili ni Mimi na tumira dito.
***
Third Person’s Point Of View
“Are we going to the Zoo?” Arielle asked while her eyes are sparkling while she is grinning from ear to ear like a kid.
“Yeah. Do’n ang tinuturo ng tracking device,” Christopher said while driving and not minding looking at Arielle.
Tahimik naman ang iba at nakikinig lang hanggang sa makarating na sila sa destinasyon nila.
Nang makapasok na sila sa Zoo ay isa-isa silang bumaba sa van at tumambad ang lugar na madaming tao na namamasyal kasama ang pamilya at kaibigan ng mga ito. The people are busy but some of them are looking at their direction but they did not pay attention to it.
“So, shall we start?” Kaizer asked using his exciting voice. Napailing naman ang iba habang nililibot ang paningin sa buong lugar.
“Tumigil ka diyan, Kaizer. Nandito tayo para hanapin siya at makausap,” sabi naman ni Gwendolyn habang nagmamasid din sa paligid. Napanguso na lamang si Kaizer sa sinabi ni Gwendolyn at tumahimik.
“Let’s divide into three groups,” bigla namang saad ng isang lalaking walang bakas ng kahit na anong emosyon. “Arielle, Gwen, and Clara is the group one, while, Kaizer, Lucas, and Chris is the group two and the last, Logan, Jacob, and me,” the said members in every group gathered as they look at him. “You know what will you do. Use your telepathy if you found something, understood?” Aiden said in a cold and serious tone.
“COPY,” sabay-sabay nilang sabi bago nagkahiwa-hiwalay ang bawat grupo.
***
Habang nagmamasid ang grupo ni Aiden ay may bigla silang naramdamang malakas na inerhiya ngunit nawala din ito kaagad na ipinagtaka nila.
Nagkatinginan silang tatlo habang nakakunot ang mga nuo habang kapwang nagtatanong ang mga mata dahil hindi nila kilala ang inerhiyang ‘yon at kakaiba ito.
“It must be Aslan,” basag ni Logan sa katahimikan. Nawala naman ang pagtataka nila dahil sa sinabi nito at muling hinanap ang naramdamang enerhiya.
“Bakit ba kasi sa dinami-dami ng Zoo dito, dito pa niya naisipan pumunta? Ang hirap niya tuloy hagilapin! Tsk. Tsk!” Nababagot na sabi ni Jacob at bigla na lang itong umupo sa malapit na bench dahilan ng mapahinto na lang rin ang dalawa.
“Yeah. Kanina pa tayo lakad nang lakad pero hindi pa rin natin siya nakikita. How about the others? Any signs?” Sang-ayon naman ni Logan na naiinip na din. But they can’t do anything about it because it’s their mission.
They wanted to finish their mission as soon as possible so they can proceed to another one. Napabuntong-hininga na lang ang dalawa dahil hindi nila masagot ang tanong ni Logan.
Habang nagpapahinga sila ay may nakaagaw ng pansin kay Aiden. Napakunot ang nuo niya sa nakita at sa hindi maipaliwanag na nararamdaman.
‘Wow…’
Tanging masasabi na lang niya sa kaniyang isipan at parang may sariling buhay ang mga paa niya dahil hindi niya napansing sinusundan na niya pala ito.
Tinatawag siya ng mga kasamahan niya pero hindi niya ito pinansin kaya hinayaan na lang siya ng mga ito at pinagpatuloy ang pamamahinga.
Alam kasi nilang kaya naman nito ang sarili kaya hinayaan na lang nila. Baka gusto niya lang na mag-solo sa paghahanap.
Habang siya naman ay kahit nagtataka kung bakit niya sinusundan ang babae ay pinagpatuloy na lang niya dahil nando’n na rin siya kaya hinayaan na lang niya ang sarili na sundan ito.
Nakasunod lang siya habang pinagmamasdan ang dalaga ng tahimik at hindi hinayaan ang sarili na mahalata nito.
‘She has long jet black hair, white skin, cute pointed nose, golden-brown eyes—beautiful. Natural pinkish lips, parang ang sarap halikan—oh, shit! What am I even thinking? Hindi naman ako ganito, ah!’
Sinusundan niya lang ang dalaga kahit saan ito magpunta. Tumitingin ito sa mga iba’t-ibang hayop at kinukuhanan ito ng litrato gamit ang cellphone nito.
‘Not bad.’
Saad niya sa kaniyang isipan dahil baka mahanap na rin niya ang tunay nilang pakay kaya sila nandito ngayon.
Napansin naman niyang biglang huminto ang dalaga sa tapat ng isang kumpol na bulaklak kaya nagtataka niya itong tinignan bago rin siya tumingin sa mga bulaklak.
Napansin niyang isa itong kumpol ng bulaklak ng tulips kaya’t pasimple din siyang lumapit dito at nagkunwaring tumitingin-tingin din.
Napansin naman niyang nakatitig lang ang dalaga sa isang tulips na kulay pink pero hindi do’n ang atensyon niya. He’s extra careful because he doesn’t want to scare the lady.
‘Hmm… she smells good. I think, vanilla with strawberry? I don’t know but I like her smell. Hindi masakit sa ilong yet very feminine.’
Napaiwas na lang siya ng tingin ng mapansin niyang tinititigan niya na pala ang dalaga kaya tumingin na lang ulit siya sa mga bulaklak na nasa harapan nila.
Dahil ilang metro na lang ang layo nila ay narinig niya ang pagbuntong-hininga nito at akmang pipitasin ang pink tulips ng pinigilan niya ito upang magkaroon sila ng munting pag-uusap and yes, he really thought about that.
“Don’t you see the sign?” He tried to be casual and stop himself from stammering. “So, if you don’t want to get caught, then, don’t pick that flower,” he said in a cold tone.
Hindi na niya maintindihan kung bakit siya nakakaramdam ng ganito lalo na’t sa isang hindi niya pa kakilalang babae and take note! She’s even human! Hindi siya makapaniwalang isang tao pa ang makakakuha sa atensyon niya!
Napansin niyang nagulat ang dalaga at tumayo ng tuwid na ikinangisi niya ng patago.
“Oh. Sorry. It’s just that…” she took a deep breath before she spoke again. But when he heard her voice, he feels good. “Uhm… never mind,” saad ng dalaga na hindi matuloy-tuloy ang sasabihin habang hindi pa rin nakatingin sa kaniya.
And somehow, he felt disappointed for an unknown reason but he still feels good because he was given a chance to hear her voice.
‘Her voice is so angelic. It’s like music to my ears. Double shit!’
Nagkaroon ng kaunting katahimikan hanggang sa nakita niya ang dalaga na may kinukuha sa kaniyang bag hanggang sa makita kung ano ang kinuha nito.
‘A blade?’
“Hey, what are you trying to do?” Nakakunot-nuo niyang tanong dito habang nakatingin sa blade na hawak nito.
‘She has that kind of thing?’
Napabuntong-hininga muna ang dalaga bago sumagot. “Lalagyan ko lang naman po ng pangalan,” sabi nito at dahil nakatingin siya sa gawi nito ay nakita niya ang pagnguso nito.
‘Cute.’
“You’ll just gonna destroy the flower,” masungit na sabi niya dito kahit gusto na niyang ngumiti. Ramdam niya rin ang bilis ng pagtibok ng kaniyang puso.
‘Shit. I’m having a hard time stopping myself from smiling!’
“Nubayan! Oo na! Oo na! Hindi na po!” Saad ng dalaga sa nagtatampong boses sabay halukipkip.
Dahil sa inasal ay hindi naman niya mapigilang mapangiti saglit dahilan upang hindi ito makita ng dalaga na hanggang ngayon ay nagmamaktol pa rin.
Nagulat naman siya ng bigla itong tumingin sa kaniya na ikinabilis lalo ng tibok ng puso niya, lalo na ng makita ang mukha nito ng harapan.
‘Mas maganda pala siya ng harapan.’
Nakita naman niyang nagulat din ang dalaga at bumuka ang bibig nito na parang may sasabihin ngunit bago pa siya makapagsalita ay bigla na lang tumunog ang cellphone nito mula sa bulsa.
“Mi?” Saad ng dalaga sa malambing na boses pagkasagot ng telepono nito. Siya naman ay tinititigan lang ito na para bang kinakabisa ang bawat anggulo ng kaniyang mukha.
“Opo, Mi. Uuwi na po ako. Bye, Mi,” sabi nito at bigla na lang itong tumakbo ng mabilis dahilan ng hindi niya mapigilan sa pag-alis na ikinalungkot niya.
“How I wish we will meet again, and when that time comes, you will never escape again. Never.”
Bulong niya habang nakatingin sa tumatakbong dalaga. He felt disappointed but when he thinks that he will meet her again—but not that so sure—the disappointment that he feels right now suddenly vanished.
He will do anything just to see her again.
***
Hope Lorelei Lara Sapphire Watson
Naglalakad-lakad lang ako sa Zoo at tumitingin-tingin sa paligid at kung may magustuhan man akong hayop ay kinukuhanan ko ito ng litrato.
Natutuwa ako sa mga nakikita ko at medyo nakalimutan ko din ang tungkol sa nangyari sa training room sa bahay. Habang nililibot ko naman ang paningin ay may napansin naman akong isang kumpol ng bulaklak.
Tulips.
Pumunta ako doon at tinitigan lang ito at napansin kong hindi naman ito tunay pero mukhang tunay talaga siya. Other than that, it’s still attractive.
Habang nakatitig ako sa mga nagga-gandahang mga bulalak ay may naramdaman akong tumabi sa akin at naamoy ko pa ang panglalaki niyang pabango.
Hindi naman masakit sa ilong at hindi rin matapang. Panglalaki talaga siya at gusto ko ang pabangong gamit niya. I wonder kung anong gamit niyang perfume.
Pero dahil na rin sa naramdaman kong presensya ay siyang dahilan upang bumilis din ang tibok ng puso ko.
Pero ‘di ko na lang ‘yon pinansin lalo na sa pagtabi niya sa akin dahil baka nagandahan lang din siya sa mga bulaklak na mukhang tunay.
Napabuntong-hininga naman ako ng pagpasyahan kong kumuha ng isa at ng akmang pipitasin ang isa sa mga tulips ng magsalita ang katabi ko in very-so-cold voice.
“Don’t you see the sign?” I noticed how my heart reacts when I heard his voice even though it’s so cold and emotionless. Dahil sa sinabi niya ay napatingin naman ako sa sign at hindi mapigilang kagatin ang loob ng pisngi ko. “So, if you don’t want to get caught, then, don’t pick that flower,” nagulat ako kaya napatayo ako ng tuwid. Nagsitayuan din ang balahibo ko dahil sa klase ng boses niya.
“Oh. Sorry. It’s just that…” I took a deep breath because I’m feeling nervous. “Uhm… never mind,” saad ko na lang dahil hindi ko matuloy ang sasabihin ko.
Grabe kasi, ‘di ba? Super cold ng boses niya tapos magme-menopause na yata ‘yang si Kuya.
Nagkaroon ng kaunting katahimikan hanggang sa naisip ko na lang na lagyan ng ‘HLLS’ ang tangkay nito kaya nilabas ko ang blade sa bag ko na pagkatago-tago ko.
Akmang hahawakan ko na ang bulaklak ng marinig ko na naman siyang nagsalita kaya napatigil ako sa balak ko.
“Hey, what are you trying to do?” Nagtataka na ang boses ni Kuyang nagme-menopause na kanina lang ay mas malamig pa sa yelo ang boses.
Napabuntong-hininga muna ako bago sumagot. “Lalagyan ko lang naman po ng pangalan,” sabi ko sabay nguso. Kaasar kasi. Sabi sa sign, bawak pitasin ang mga bulaklak, siguro naman, yung balak kong gawin ay hindi bawal, ‘di ba? Hehe.
“You’ll just gonna destroy the flower,” masungit na pagkakasabi niya.
Pst! Kasungit. Pinaglihi ba ito sa sama ng loob? Hindi naman totoo yung bulaklak, ah!
“Nubayan! Oo na! Oo na! Hindi na po!” Saad ko sa nagtatampong boses at sabay halukipkip.
Maya-maya pa ay naisipan ko namang tumingin sa kaniya kaya sa pagharap ko ay gano’n na lang ang gulat ko.
Woah. Ang gwapo pala ni Kuyang nagme-menopause?
Nakita ko namang nagulat din ito at ibubuka ko na sana ang bibig ko upang magsalita ngunit bago pa ako makapagsalita ay biglang tumunog ang aking cellphone kaya mabilis ko itong kinuha sa bulsa ko. I looked at the I.D caller and saw who’s the one calling me.
Mimi calling...
“Mi?” Sabi ko pagkatapos ko itong sagutin.
“Sweetie? ‘Di ka pa ba uuwi? Maggagabi na,” rinig kong sabi niya sa kabilang linya at rinig ko ang nag-aalala niyang boses. Tinignan ko naman ang relo ko at nakita ngang maggagabi na.
“Opo, Mi. Uuwi na po ako. Bye, Mi,” paalam ko na nagmamadali.
“Okay. Ingat ka. Bye.”
Pagkatapos nang tawag ay agad akong tumakbo paalis at hindi na nagpaalam pa kay Kuyang nagme-menopause na kanina ko pa ramdam ang titig sa akin.
Pagkalabas ko sa entrance ng Zoo ay pumara na ako ng Taxi at sinabi ang address namin. But while I’m inside the taxi, I suddenly remembered that guy…
Who’s he?
***
Arielle Henriett Williams
Kanina pa kami lakad ng lakad dito kaya napapagod akong huminto habang nakahawak sa magkabilang tuhod. Sa laki kasi ng Zoo na ito, hindi imposibleng mapagod talaga kami.
“Wait… look,” I heard Clara say while pointing in a direction. Sinundan naman namin ang tinuturo niyang—wait… is that—is this for real?!
“For real?! Ito na ba siya?” Tanong naman ni Gwen habang tuwang-tuwa sa nakikita. Nanlaki naman ang mga mata namin habang nakatingin sa iisang direksyon.
Hanggang sa nagkatitigan kaming tatlo at sabay-sabay na ngumiti sa isa’t-isa and using telepathy, kinausap naman namin ang boys para ipaalam sa kanila ito.
“Hey girls, any signs?” Boses ni Kaizer ang una naming narinig.
“Yeah,” then we gave the location kung na saan man kami ngayon. Habang hinihintay sila ay sobra-sobra ang sayang nararamdaman namin ngunit nakararamdam din kami ng takot.
Maya-maya pa ay nakita na naming nagmamadaling naglalakad sina Kaizer at magkakasama na ang mga ito.
“We need to go there as soon as possible para makita na natin ang kakambal ni Rielle,” Lucas said and we just all nodded in response.
My twin…
Yes, I have a twin. Matagal na siyang nawalay sa akin—sa amin, dahil ng binigyan kami ng mission sa dark continent upang iligtas ang mga estudyante’ng kanilang kinuha ay bigla na lang siyang nakuha ng Hari ng mga rebelyon.
At hanggang ngayon ay ‘di ko pa rin alam kung pa ano siya nakaalis do’n at kung bakit siya napunta sa lugar na ito.
Hindi kasi namin siya maililigtas dahil masyadong bantay-sarado ang kaharian nila kaya wala kaming nagawa ng mga panahong kailangan niya kami. Kaya galit ako sa sarili ko dahil wala akong magawa kahit na isa ako sa mga malalakas na estudyante ng Academy.
Kaya nagpapasalamat ako ng malaman naming nandito siya sa Mortal World at unti-unti, habang papalapit sa kaniya ay napapatawad ko na rin ang sarili ko dahil alam ko, kapag nalaman niya ang tungkol dito ay siguradong magagalit ang kakambal ko sa akin, and I don’t want that to happen.
Sana wala siyang galit sa akin—sa amin.
Nauna nang naglakad si Clara kaya sinundan na namin siya. Na sa bandang likod ako ng may maramdaman akong tumabi sa akin na kaagad ko namang nakilala.
Jacob.
“Hey, you okay?” Tanong niya. Napatingin naman ako sa kaniya at ngumiti. Isa siya sa mga nagpapasaya sa akin ng panahong nawala sa akin ang kakambal ko kaya nagpapasalamat ako dahil meron akong katulad niya.
“Yeah. I’m just excited to see my twin brother again,” sagot ko sa kaniya at hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko. Napangiti na rin siya dahil do’n.
“I’m happy for you, Rielle,” sabi niya at ramdam ko ang saya sa boses niya. Nginitian ko lang siya hanggang sa makarating kami sa tunay naming pakay dito sa Zoo.
Nakikita namin ngayon ang isang lion na nakakulong pero nag-uumapaw ang awtoridad nito. Makikita ng isang ordinaryong tao na isa lang itong matapang na lion pero sa mga katulad namin ay mas higit pa sa pagiging-matapang ito.
Naramdaman ko naman kung gaano siya kalakas na ikanginginig ng buong pagkatao mo at alam kong pati ang mga kaibigan ko ay naramdaman din ito.
Nang makaharap na kami sa kaniya ay sabay-sabay naming binigkas ang kaniyang pangalan na punong-puno ng awtoridad.
“ASLAN.”
***
BINABASA MO ANG
Lumina Academy: Light and Shadow (Realm Series #1)
FantasyRealm Series #1 Lumina Academy: Light and Shadow She's holding the most powerful guardians--the summoner of supreme guardians. She's the person that they've been waiting for--for she is the summoner of all-powerful guardians who will help the immort...