Chapter 41: Girls’ Bonding
Nandito ako ngayon sa bahay nila Mimi at hinihintay silang matapos magbihis dahil dadalawin namin ang puntod ni daddy habang iiwan ko muna si Caelum kay Titiana at Merlia dito dahil hindi ko siya pwedeng isama. Nandito ako sa sala nila Mimi habang pinagmamasdan ang bulaklak na daldalhin sa puntod ni daddy.
Katatapos lang ng examination namin ni Gen and the teachers just tested our capacity. Mayroon silang mga pinagawa, lalo naman ang pag-summon ng aming mga guardians and so on. Hindi naman kami nahirapan ngunit nakapapagod pa rin but nonetheless, I still have time to ask Mimi to visit my dad. Bigla ko namang naalala ng sabihin ko kay Mimi ang binabalak ko—to revive my father but she didn’t let me.
Hindi niya gusto ang ideya ko, lalo pa’t malalagay sa kapahamakan ang buhay ko oras na gawin ko nga ang binabalak ko. Mimi told me that daddy wouldn’t like my idea also once he learned about that. I know that Mimi was tempted but she still think about my safety first but I didn’t give up. Kapag maayos na ang lahat ay gagawin ko na ang binabalak ko.
Nakarinig naman ako ng yabag ng paa pababa sa hagdan kaya napatingin ako kung saan nanggagaling ‘yon at nakita si Mimi at Nana na pababa. Ngumiti naman sila ng magtama ang mga mata namin kaya sinuklian ko din sila ng isang matamis na ngiti bago ako tumayo at sinalubong sila bago hinalikan sa pisngi. They took a day off today just to go with me and visit daddy and I can’t help but to be excited.
“Why my niece is always beautiful?” Bola ni Nana kaya napatawa na lang ako ng mahina dahil sa sinabi niya.
“What do you expect? Like mother, like daughter!” Mimi exclaimed at nagawa pa talagang mag-flip hair.
“Tss! Hangin!”
“Whatever, Romina,” humarap naman sa akin si Mimi at muli akong nginitian. “By the way, where’s my grandson?” Tanong niya at iginala ang mata sa paligid.
“Ah, kasama po ni Tati at Lia sa labas,” sagot ko na ikinango naman niya.
“Magpaalam muna tayo sa kanila,” wika ni Nana kaya pumunta kami sa labas kung na saan ang garden ng bahay nila Nana at Mimi at do’n nakita ang tatlo na naglalaro.
Nagpaalam na kami sa kanila at sumakay na sa kotse. Hindi namin isinama si Caelum dahil mahirap ng lumabas kasama siya, lalo na kung alam naming na sa paligid lang ang mga rebelyon. Si Mimi ang nagda-drive at na sa passenger seat naman si Nana habang ako naman ay na sa backseat. Tahimik lang sa loob ng kotse habang binabaybay namin ang daan.
Then I remembered the job that I chose. Bukas ko na ‘yon and I already told about that to Mimi and Nana, even Gen and Odette who visited me in my room earlier. Nagmaktol pa ang dalawa ngunit alam naman nilang hindi pa rin sila makasasama sa akin dahil ang dami nilang gagawin. They are both busy—about royal thing again kaya hindi talaga sila makalalabas and I heard from them that Alphas are also busy with that royal thing.
Parang ako nga lang ang hindi, eh.
It took half hour to reach where my father was—Heavenly Garden was the cemetery name and it looks peaceful here. Tanging ang huni lamang ng ibon ang maririnig at ang pagsayaw ng mga puno at dahon dahil sa hangin. Malamig din sa lugar na ‘to and good thing that I am wearing a sweater—beige sweater and pants while my hair was flowing freely.
“Let’s go.”
We started to walk and no one wants to speak until we stopped before Mimi kneel in front of a graveyard. Hinawakan niya ang lapida while I was only watching Mimi touching it gently. She traced the name using her index finger while a soft smile made its way to her lips.
“Lancelot Watson…”
Ginaya ko naman si Mimi at pinagmasdan ang lapida ni daddy habang nagtulos naman ng kandila si Nana at nilagay sa tabi ng lapida ni daddy ang bulaklak na dala namin. We are now sitting on the grass while still quiet until I heard Mimi’s voice. “Hey, honey… I am now here… again,” Mimi put her hand in my shoulder before she continued talking. “But now, I am here with our daughter and of course, Mina…”
I smiled while looking at my father’s name. “Hello, dad…” I said in a low voice. “It’s nice to finally see you…” I am feeling sad right now but at the same time, happy.
“I am sure your father is grateful right now…” Mimi said before I rest my head on her shoulder. I am too, Mimi. “Your father was an amazing man… day by day, I am falling harder because of how amazing he was…” pagkwento ni Mimi.
“While you are a love sick girl back then. Tss!” Pareho naman kaming natawa ni Mimi dahil sa sinabi ni Nana before they start bickering.
Nag-stay pa kami ng ilang oras dito hanggang sa napagpasyahan na naming bumalik sa academy since Caelum will surely already looking for me. Nagpaalam na kami kay daddy and I can feel light hearted when we leave while there’s a smile on our faces.
***
Pagkauwi ko ay ang mga prinsesa lamang ang bumungad sa akin at walang nakaaalam kung na saan ang mga prinsepe but the princesses has a speculation that they maybe given a mission since madalas naman ‘yon nangyayari. Kanina pa raw sila wala kaya nakumbinse na nga kaming baka binigyan sila ng misyon and yes, hindi kami kasama. Dahil kami lang ang naiwan sa dorm, we decided to have a girl bonding but I have no idea what kind of bonding we will have for tonight.
Good thing that they still have time for this.
“We will have a truth or dare game. Kung sino man ang naituro ng bote na ‘to, tatanungin natin siya between truth or dare. If you choose truth, then we will ask her about something and she should answer that with only truth! But if it’s a dare, then mag-iisip tayo ng ipagagawa sa kaniya!” Gwen explained to us and we all nodded.
“Game! Spin the bottle now!” Utos ni Rielle kay Oddie habang nakapalibot kami at nakaupo sa carpeted floor dito sa sala. Itinabi muna namin ang center table para makagalaw kami ng maayos at para may space na rin.
Caelum was sleeping again while his two babysitters are with him and Zep and Fina are also back and as usual, they are just in my room. Wala naman din akong gagawin ngayon dahil bukas pa ‘yon at gano’n din ang iba and we just grab this opportunity to have our girl bonding since we don’t have time to go outside just to have bond with each other. We aren’t like those princes who can go in and out whenever they please but I know that we will have our way too whenever we want.
“This is a truth or dare, all right?” Tumango naman kami sa sinabi ni Oddie before she spins the bottle. “Lahat tayo ay pwedeng magtanong sa naituro ng nguso ng bote kapag truth kaya kabahan na ang maituturo!” Tumawa pa si Oddie habang pinanonuod namin ang bote and we are all feeling anxious!
We watched the bottle until it pointed to Rielle that sitting on my left side and I just breathe in relief when I’m safe on the first spin. Muntikan na ako, lalo pa’t halos maituro na rin ako nito kung hindi lang tumigil ang nguso nito kay Rielle na nakasimangot ngayon, lalo pa’t alam niyang mayroon kaming mga kasamang baliw na prinsesa.
“Ooooh! Arielle, my loves!” Masayang wika ni Gwen at nagawa pang ituro si Rielle na lalong sumimangot.
“Ano ba ‘yan! Ako pa talaga ang una!” Maktol niya bago ngumuso. Natawa naman kami dahil para siyang pinagsakluban ng langit at lupa.
“Okay, here it comes, Arielle Henriett…” Odette was grinning from ear to ear while looking at Rielle. “Truth or dare?” Tanong ni Odette kay Rielle.
“Hmm… since tinatamad akong tumayo at gumawa ng bagay-bagay, TRUTH!” Nagkatinginan naman kami kaya tinanguan na namin si Oddie dahil siya ang unang-unang magtatanong.
“Hmm… answer this honestly, Arielle, okay?” Panimula niya and she even emphasized the word honestly. Tumango lamang si Rielle kaya hinintay na namin ang katanungan ni Oddie sa kaniya. Then she smirked before she speak. “I know you have crush on one of the princes…” nanlaki naman ang mga mata ni Rielle ng marinig ‘yon habang kami naman ay naintriga sa sinabi ni Oddie.
“W-What?” Natawa na lang kami dahil kitang-kita namin ang pamumula ng mukha niya.
“Tss! Don’t what-what me! Sabihin mo na kung sino ‘yon! Dali!” We looked at Rielle while waiting for her answer.
“Promise me not to tell this to him or to the others, okay?” Nahihiya niyang wika na ikinatango naming lahat at itinaas pa ang kanan naming kamay.
But I know better… sa ngiti pa lang ni Oddie, lalo na si Gwen. Tss!
Tumikhim muna siya bago nahihiyang tumingin sa amin. She’s cute! “S-Si…”
“Si…?” Sabay-sabay naming tanong at linapit pa talaga ang mukha namin sa kaniya at kitang-kita namin kung paano siya lumunok ng ilang beses.
“Si J-Jake!” Impit namang napatili si Oddie at Gwen ng marinig and sagot ni Rielle habang kami naman ni Gen ay napatakip pa ng bibig.
Siya ba ang tinutukoy ni Az?!
“Oh. My. GEE!” Tumalon-talon pa si Gwen na mukhang kilig na kilig dahil sa nalaman kaya natawa na lang ako. “I knew it! I knew it!” Tila nanalo siya sa lotto dahil sa itsura niya ngayon na lalo namang ikinapula ni Rielle. “So… kailan pa?” Sunod namang tanong ni Gwen dito ng kumalma na sila, lalo na siya.
“No’ng mga bata pa tayo—”
“Kyaaaaaaaah!” Natawa na naman kami dahil nag-react na naman si Gwen kaya hindi na natuloy pa ang sasabihin ni Rielle.
“Pwede ba, Gwenny?! Patapusin mo naman si Rielle! Hindi yung react ka ng react diyan!” Pagsuway dito ni Gen kaya napanguso na lamang si Gwen pero ngingiti-ngiti kapag tumitingin kay Rielle.
“Go na! Ituloy ang ating chismisan!” Utos ni Oddie kaya bumuntong-hininga si Rielle at wala ng nagawa pa kung ‘di ang pagbigyan kami.
“Well… hindi ko pa naman siya gano’n ka-crush dahil wala pa naman akong pake no’n kaya hindi ko pinansin ang nararamdaman ko sa kaniya not until Azriel’s disappearance and he was always there to make me smile, happy, or to make me feel better so… yeah,” sagot niya kaya napangiti na lamang kami.
“Clown pala ang nais mo, eh!” Kumento naman ni Gwen at tumawa ng malakas kaya nahawa na rin kami, even Rielle who was blushing and feeling shy while confessing. “Sa tingin ko mas nag-grow pa yung feelings mo habang tumatagal, idagdag pa ang pamilya niyo ang nagdi-dinner every time na may royal dining and I think, gusto ng pamilya niyong magkatuluyan kayo. Ayieee!” Gwen started teasing Rielle again who blushed even more.
I guess it’s my time to ask.
“It wasn’t just crush, right? You’re already in love…” saad ko at lahat naman sila ay napatingin sa akin. I wiggled my brows at Rielle who was looking around na ikinatawa ko naman while the others are waiting for her answer.
“Well, Arielle?” Halos sabay-sabay nilang tanong kaya naman wala ng nagawa ulit si Rielle kung ‘di ang sumagot.
“O-Oo…”
“Kyaaaaaaaaaah!” Tili na naman ni Oddie at Gwen, but this time, nakisali na rin si Gen. Nakita ko naman kung paano mamula lalo ang mukha ni Rielle dahil na narinig. Lalo na no’ng inasar na siya nina Gwen.
“Ayieeee! In love na siya…” natawa na naman ako dahil tinakpan na ni Rielle ang kaniyang mukha.
Pinagsisisihan na siguro niyang sumali sa laro na ‘to!
“Ako naman ang magtatanong!” Wika naman ni Gen kaya nanahimik kami. She cleared her throat first. “So… do you have any plan on confessing your feelings towards him, hmmm?” Tanong nito kaya nanahimik kami at naghihintay sa isasagot ni Rielle.
Napakagat naman siya ng pang-ibabang labi para pigilan ang ngiting gustong kumawala sa kaniyang labi. We waited patiently until she finally answered. “To be honest… I have no plan…” napatango naman kami ngunit napatigil din dahil sa huli niyang sinabi. “For now,” dagdag niya that made the three of them shout with glee again while I just patted Rielle’s shoulder while smiling.
“Don’t worry, we will support you,” sabi ko na sinuklian lamang niya ng ngiti.
“Ako naman ang mag-i-spin! Ako naman ang magtu-tusta sa inyo!” Natawa naman ako dahil sa sinabi niya kaya naman hinila ko na ang tatalo para umupo na ulit. Hindi na pwedeng maulit ang naturo na dahil lugi naman siya. Nang umikot na ang bote ay pigil-hininga kaming nakatingin dito until it pointed to Gen. “Yes!” Rielle shouted as Gen pouted.
“Dare!” Matapang na wika ni Gen kaya napaisip naman kami ng ipagagawa sa kaniya.
“Hmmm… you’re too obvious that you have a crush on Chris,” nabigla naman kami dahil sa sinabi ni Rielle, lalo na si Gen na halos lumuwa na ang mata dahil sa sobrang gulat.
“O-Oy! Pa’no mo naman na sabi ‘yan?” Tanong ni Gen kay Rielle na ikinangisi lang ng huli.
“Of course! Ako pa ba?” Mayabang niyang sagot bago ngumisi. Bumabawi… “Lagi ko kaya kayong nakikitang nagtatalo kahit na sa maliit na bagay lang ngunit sinasadya ‘yon ni Chris! He wants to annoy you everyday!” Pagpapatuloy niya na ikinatawa ko na lang dahil namula ng husto si Gen.
I noticed that too…
“Ay, oo, ‘te! Naalala niyo ba no’n? When we caught him staring at Gen when she was still Betas that time?” It was Gwen at tila naalala naman ng tatlong prinsesa ang tinutukoy niya.
“Yeah. And we know too na sinadyang awayin ni Chris si Lara at Ing para makita na niya ng malapitan si Ingrid!” Pagsang-ayon naman ni Rielle at napansin ko kung gaano na kapula ang mukha ni Gen but she was intrigued.
“Duh! Crush ako no’n, eh!” Nagawa pang sabihin ni Gen kahit pulang-pula na ang kaniyang mukha.
Natawa naman kami dahil sa narinig mula sa kaniya and she even flip her hair. “Ay, bet ko ‘yan!” Muli kaming nagtawanan dahil sa sinabi ni Oddie.
Hmm… why do I have this feeling that this ‘girl bonding’ won’t end without making us all blush?
“So, ito na nga, since dare ang pinili mo…” then Rielle smiled like she’s planning something. “I dare you to snob Chris—treat him like he was invisible until he will ask you if there’s something wrong,” napataas naman ang kilay ko dahil sa dare niya kay Gen.
“Huh? Bakit naman gano’n?” Takang tanong ni Gwen kay Rielle.
“Because as you can see, si Chris ang unang-unang lumalapit kay Ing then he will annoy her to the core… so yeah,” the princess shrugged. Huh? Ano namang connect? “It’s also a test if he has feelings for Ingrid—well, I mean, he has but let’s see what will happen to him if Ingrid started to ignore him,” then she winked at Gen na ikinapula na naman niya.
Napatango naman kami sa paliwanag niya at maya-maya pa ay mukhang nakaisip na sila ng ide-dare kay Gen—lalo na si Oddie. “Then after that, if ever he approaches you and asks you about what’s the matter, then… be extra sweet to him,” nanlaki naman ang mga mata ni Gen dahil sa dare ni Oddie sa kaniya. “As sweet as a girlfriend,” then she winked at her that made Gen’s jaw dropped.
“Ang gaga mo talagang babae ka!” Nakasimangot na wika ni Gen while Oddie only shrugged.
“Ako naman!” Hinintay naman namin ang ide-dare ni Gwen sa kaniya. “Kung magiging-extra sweet ka kay Chris after mo siyang i-snob, then,” then she smirked at Gen at masama ang kutob ko sa ipagagawa nito sa kaniya. “Then if he asks why you are being sweet like a ‘girlfriend’ to him, then it’s time to confess!” Gwen said as she smiles widely.
“Confession, ampotek!” Reklamo ni Gen na ikinatawa naman naming lahat. “Maling-mali talagang dare ang pinili ko, eh! Maling-mali!” Dagdag pa niya na ikinatawa lang namin. Then she looked at me and raised her eyebrows. “At ikaw naman?” Taas-kilay niyang tanong sa akin.
I smiled and cross my arms. “I just dare you to do that for three weeks,” wika ko at nagkibit-balikat ngunit kapansin-pansin ang panlalaki ng kaniyang mga mata.
“Three weeks?!” Gulat na tanong niya kaya tumango ako habang nakangiti.
“I guessed that three to four days, Chris will ask you about what’s happening to you and why you keep on ignoring him, and the remaining days of the one week, do’n ka na mag-uumpisang magpaka-sweet sa kaniya until the second-week ends. And lastly, mag-confess ka na sa pang-third week, gets?” Wika ko and I noticed how her lips form into ‘O’ and I can’t help but chuckle.
“I like that, Lars!” Gwen said as she clapped her hand.
“Yeah, hindi ko naisip ‘yon!” Sang-ayon naman ni Rielle na napapailing pa.
“Hmm-mmm. Kaya mag-ready ka na, Gen,” sabay halakhak ni Oddie na ikinabusangot ni Gen.
“But remember…” Rielle drawls before looking at me, Gwen, and Oddie bago kami sabay-sabay na nagsalita. “BAWAL ANG MARUPOK!” Lahat kami nagtawanan until we sobered.
“How are you sure with your calculation?” Tanong naman sa akin ni Gen.
I shrugged. “Hula ko lang naman. Pwede namang mapadali ‘yon—depende kay Chris,” I answered and she only pouted at me.
“Game na! Excited na akong magtanong o kaya naman mag-dare!” Wika ni Gen at inikot na ang bote. She spins the bottle and again, no one’s breathing. Lalo na ng akala ko ay ako na ang maituturo nito pero si Rielle pala kaya inulit ang pag-ikot until it pointed to Oddie that made me excited.
“Truth!” Saad niya kaya napangisi na lamang kami.
Wrong answer, dear.
“Tell me, you like Azriel, right?” Straight forward na tanong ni Gen at ngayon naman ay siya naman ang namula dahil sa naging tanong sa kaniya at tama nga ang na sa isip ko, matatapos na lang ang laro na ito na namumula ang mga mukha namin dahil sa hiya o kaya naman ay dahil sa kilig.
“What’s the point of lying anyway?” Natawa naman ako sa sagot nito. “Tss! Shut up! Kapag talaga nalaman niya ‘to, sinasabi ko sa inyo! Lalo ka na Rielle! Madaldal ka pa naman!” Natawa naman si Rielle dahil sa sinabi ni Oddie na halata namang hiyang-hiya dahil sa pag-amin.
Ginawa talaga namin ‘to para mapa-amin kami kung sino ang crush namin, eh. Talaga naman, Gwen. Siya talaga ang puno’t-dulo ng lahat ng ito. She’s the mastermind and she was enjoying what’s happening right now. Napa-aamin kami ng wala sa oras at kahit hindi pa ako naituturo, parang alam ko na kaagad ang itatanong nila sa akin.
“Hmm… what do you like about my twin?” Tanong ni Rielle kaya napaisip naman si Oddie.
“Hmm… nothing at all but I guess, it was because of his kindness. He’s not that hard to like because aside from being kind, he’s also nice, gentle, handsome and most of all, he looks yummy!” Napangiwi na lamang kami dahil sa huli niyang sinabi but Gwen was supporting her.
“Ano ba, Clara Odette! Utang na loob! Kung ano-ano na namang lumalabas sa bibig mo!” Lukot ang mukha ni Gen habang nakatingin kay Oddie na ini-ikot lamang ang mga mata.
“What’s the real score between you and Azriel?” Tanong naman ni Gwen dito and she was excited to hear Odette’s answer.
“Hmmm… we’re still friends…” sagot siya kaya napataas ang kilay namin. “Friends with benefits!” Bumalahaw pa siya ng tawa, kasama si Gwen habang kaming tatlo naman ay napatakip na lamang ng tenga.
“Clara Odette! Ibabalik talaga kita sa sinapupunan ng nanay mo!” Hindi na maipinta ang mukha ni Gen dahil sa narinig mula kay Oddie na tumatawa pa rin hanggang ngayon.
“Joke lang naman! Ito naman!” Sumimangot na si Oddie kaya napailing-iling na lang kami.
“Tama talagang ito ang pinili kong bonding natin!” Lahat kami ay napatingin kay Gwen na siyang nagsalita and we saw her smiling brightly. Napailing na lamang kami dahil sa sinabi niya at hindi ko tuloy mapigilang isipin na she did this on purpose, o kaya naman she has a hidden agenda.
“Hay, nako, Gwenny, sinasabi ko na nga ba’t may binabalak ka, eh!” Wika ni Rielle habang nakakunot ang nuo’ng nakatingin sa kaniya ngunit tinawanan lang siya ni Gwen at nagawa pang mag-flip hair.
“Ikaw naman, Lara, ang magtanong!”
Lahat naman sila ay napatingin sa akin kaya nag-isip naman ako ng maitatanong ko. “Are you willing to be a Mrs. Williams, Clara Odette White?” A smirk made its way in her lips at tila gusto ko na lamang siyang batuhin ng bote dahil sa naging sagot niya.
“Ano ka ba naman, Lara! Hindi na dapat tinatanong ‘yan! Handa na nga rin akong magpa-buntis sa kaniya, eh!”
“Clara Odette White!” Sabay-sabay naming tatlong wika habang silang dalawa ni Gwen ay tawang-tawa.
Ano pa bang aasahan ko? Parehas na baliw ‘yang dalawang ‘yan, eh!
“Bwisit ka talaga, Clara!” Muli na namang natawa si Gwen while we are looking at them in disbelief.
“Hoy, joke lang! Mamaya hindi pa kami magkatuluyan ng lalaking ‘yon!” Natawa na lamang kaming lahat dahil sa sinabi niya bago niya pina-ikot ang bote and we waited for the result until it came out that made me want to teleport in my room and just sleep there.
Pinagsisisihan ko na talagang sumali ako dito!
“YEY!”
Napapikit na lamang ako ng mariin ng maturo ito sa akin at napa-face palm na lamang. Now, I can already feel how my heart beating so fast right now, especially, when I saw their smirks in their faces. Sana pala talaga natulog na lamang ako sa tabi ng anak ko, kaysa naman dito na alam kong tutustahin ako ng kanilang mga tanong.
“Humanda ka na ngayon, Lara!” Gen said at nagawa pang ikiskis ang kaniyang dalawang palad. Napailing na lamang ako at huminga ng malalim.
“So?”
Kapag dare ang pinili ko, baka kung ano pa ang ipagawa nila sa akin… kapag truth naman, paniguradong paaaminin nila ako…
“Truth,” I said and among them all, si Gwen ang kapansin-pansin na mayroong kakaibang ngiti.
“Except to your cousins, you have crush one of the princes, right?” Tanong ni Oddie habang nakangisi ng nakaloloko sa akin.
Tinignan ko naman siya ng hindi makapaniwala at napailing na lamang bago ako sumagot. “Ano namang klaseng tanong ‘yan, Odette?” Balik tanong ko na ikina-ikot ng kaniyang mga mata.
“Tanong na dapat mong sagutin!” Sagot niya na ikina-iling ko na lamang.
May magagawa pa ba ako?
“So… who caught Lara’s attention, huh?” Sunod na tanong ni Rielle kaya inalala ko naman ang mga times na kasama ko ang prinsepe ng apoy kaya hindi ko mapigilang mapangiti.
“Kyaaaah! Ngiti pa lang, alam ko na kaagad ang sagot!” Tumili na naman si Gwen at itong babaeng ito, hindi ba sumasakit ang lalamunan niya? Kanina pa siya tili ng tili, eh! Kung contest lang ito sa pagtili, siya na ang panalo!
“Sabihin mo na, Lara! Dali na!” Pangungulit ni Oddie na ikinairap ko na lamang. Ramdam ko na rin ang pamumula ng mukha ko at ang mabilis na pagtibok ng puso ko.
“Alam niyo na nga, eh! Nagtatanong pa kayo!” Wika ko na nagpasimangot naman sa kanila.
“Sabihin mo na! Ang daya-daya naman nito!” Maktol ni Gen at ngumuso pa. Tignan mo ang babaeng ‘to. Siya na nga ang unang nang-asar sa akin sa lalaking ‘yon, may gana pa talaga siyang mangulit sa akin na parang hindi niya alam!
“Okay, fine!” Wika ko na ikinatahimik naman nila. Huminga ako ng malalim at ibinuka ko na ang bibig ko upang magsalita. “The man that caught my attention, interest, and making my heart beats so fast every time that I know he was around was…” naghawak-hawak naman sila ng kamay habang hinihintay ang babanggitin kong pangalan. “He is—” I was about to say the name but we were interrupted because the door suddenly opened at pumasok ang mga lalaking pinag-uusapan lang namin kanina pa.
We looked at them but I noticed that the brothers are not with them at tanging silang lima lamang ang pumasok sa dorm. Then they looked on us frowning that made us looked away. Nang magtama ang paningin naming mga babae ay hindi na namin napigilan pang pamulahan ng mukha at kagatin ang aming mga labi.
“Bwisit! I will kill you, Gwendolyn!” Banta ni Rielle kay Gwen na tuwang-tuwa sa nakikita ngayon.
Tss! Palibhasa kasi, nakaligtas siya!
Then she suddenly stood up and went to the princes that currently looking at us weirdly. Then Gwen faced us while there was a sweet smile on her lips. “Sorry, girls, but I really did it on purpose,” then she winked at us making the princes more confused. “And just a piece of advice—not just for you but also to you, boys…” she put her hands in her hips before continuing. “Confess your feelings already before it’s too late!” After she said that, she walked out and went to her room—leaving us frozen in the spot.
Oooo-kay?
***
BINABASA MO ANG
Lumina Academy: Light and Shadow (Realm Series #1)
FantasyRealm Series #1 Lumina Academy: Light and Shadow She's holding the most powerful guardians--the summoner of supreme guardians. She's the person that they've been waiting for--for she is the summoner of all-powerful guardians who will help the immort...