Chapter 36: Teasing Prince Aiden
Gwendolyn Elizabeth Clifford
Nandito kami ngayon sa living room namin at pinag-uusapan kung kailan namin palilipatin sina Ingrid at Lara. Pinagpa-planuhan din namin kung iibahin ba ang design ng dorm at kung ano ang design at kulay ng magiging kwarto nila. We are planning this because you know, this is the first time that Alphas will be having a new member and it makes me so excited!
“Clara, ‘di ba kaibigan mo si Ingrid? So, ano ang favorite color niya? Para mai-apply natin sa magiging kwarto niya,” si Rielle ang nagpa-plano dahil magaling siya sa mga ganiyang bagay.
Among the ladies of Alphas, Rielle was the most girly. She loves anything related to fashion. She’s also good at designing things, and planning events. She was even the one who designed our dorm, even our rooms and we just gave her our likes and ideal rooms. Ngayon naman ay mayroong dadagdag na miyembro sa amin ay muli siyang magdi-disenyo ng silid. Ngunit hindi pa ‘yon ngayon magagawa dahil pinagagawa pa lang ang manor namin sa likod lang din ng mga dormitories.
I looked at Clara and saw her smiling brightly and I am happy for her dahil naayos na rin sa wakas ang problema nilang tatlo. “She likes light colors but she will appreciate it if it was purple. Just make everything light and simple but elegant,” tumango naman si Rielle at sumulat sa kaniyang notebook. Kahit gano’n lamang ang sabihin mo sa kaniya ay alam na niya ang gagawin. She’s an expert when it comes to that thing after all habang ako naman ay walang future sa ganiyan.
Actually, nakagugulat dahil kompleto kami ngayon. I mean, madalas kasing kami-kami lang mga girls ang makasasama sa mga ganitong bagay dahil laging na sa layasan ang mga lalaki, and since may pagka-chismosa ako, nalaman ko lang naman na pumupunta sila sa club—yes, club. We are forbidden to go outside of academy’s premises during weekdays but these men has their own way to be able to go outside and go clubbing and yes, kasama si Kuya Logan at si Aiden sungit.
I was shocked when I learned that Aiden was always with them every time they are clubbing. You see, Aiden wasn’t a cold man before. Isa nga siya sa mga malakas mang-asar no’ng mga bata kami, eh. Sa sobrang nakaaa-asar siya, walang araw na hindi mo siya isusumpa. But because of what happened, he became like that and we can’t help but miss the old Aiden we knew. Kahit pa araw-araw siyang mang-asar ay ayos lang. ‘Wag lang ‘yong ganito but yeah, hanggang miss na lang kami ngayon.
I know that they are also excited and ready to welcome Lara and Ingrid to our family but still, I didn’t expect them to be present with their so called boring thing kaya naman halos sipain na sila ni Rielle ng marinig niya ‘yon. She almost separate them to us because of annoyance kaya simula no’n ay hindi na lamang sila nagsasalita at umaalis na lamang kung alam naman nilang hindi sila kailangan.
Then she looked at her twin who’s sitting beside Jacob after she wrote something in her notebook. “Twinny, kaibigan mo din si Lara, so, what do you know about her favorites and any suggestion for her room on her behalf?” Tanong naman niya sa kambal niya ngunit nagulat na lamang kami dahil sa dalawang magkasusunod na hampas ng kidlat kaya sabay-sabay kaming bumaling sa may gawa no’n.
“AIDEN!”
Pero parang wala lang sa kaniya at nakaupo pa rin habang nakahalukipkip at nakapikit ang mga mata—walang paki-alam sa paligid niya—walang paki-alam sa amin kahit pa isigaw pa namin ang buo niyang pangalan. Halos lumabas sa ribcage ko ang puso ko dahil sa gulat! Kung bakit naman kasi si Azriel pa ang tinanong ni Rielle, eh! Hindi naman lingid sa kaalaman niyang may secret admirer si Lara dito at oo! Wala pa akong pinagsasabihan pero halata naman kasi sa prinsepe na ‘yan!
Hindi pa nga sila, binabakudan na! Hmp!
At saka, mahanap nga ‘yong kaibigan niyang nagturo sa kaniya niyan! Yung nagturo kung paano gamitin ang second element niya! Kaso nga lang, hindi niya sinasabi sa amin kung saan nakatira ‘yon o kaya kung taga saang realm siya. Ang gwapo pa naman no’n sa pagkakaalala ko at sure akong mas gumwapo na siya ngayon dahil ang huli kong sulyap sa kaniya ay no’ng mga bata pa kami.
“So, ano nga kambal?” Tanong ulit ni Rielle ng makabawi kaming lahat sa gulat. Sasagot na sana si Azriel ngunit nagulat na lamang kami ng si Aiden ang nagsalita kaya hindi namin sinasadyang magkatinginan nina Rielle, at Clara.
“Soft pink and white. Put city lights in the ceiling that will glow in the dark and make sure that she will like it. Also, put a lot of flowers, butterflies, and strawberries designs in her room. She’ll love it,” the prince said while now using his phone. He said those words like it was only normal for him to say those.
Yung parang hindi kami magugulat dahil sa sinabi niya.
Hindi na lamang kaming tatlong mga prinsesa ang nagkatinginan kung ‘di kami ng lahat habang abala sa pag-se-cellphone si Aiden. We are all shocked but I noticed Azriel’s smirk. Hindi namin inaasahan ang sinabi niya na tila kilalang-kilala niya si Lara kaya nakagugulat talaga. Sino nga bang hindi magugulat, eh, never pa siyang pumansin ng babae at nagkaroon ng pake and witnessing this prince being interested with someone, it’s just… damn!
Paninindigan ko na talaga ang pag-shi-ship ko sa kanila!
Rielle cleared her throat before I noticed her writing in her notebook. “Uhm, are you… sure about that?” She asked before she glance at Aiden before focusing again on what she is writing in her notebook.
“One hundred percent sure,” the prince answered before he put his cellphone in his pocket then he look at Rielle. “I will be the one who will design her room—leave everything to me,” he continued at mas lalo naman kaming napanganga.
“Putangina, pinsan! Ikaw ba ‘yan?!” Hindi makapaniwalang tanong ni Kaizer dito habang nanlalaki ang mga matang nakatingin kay Aiden na tinignan siya habang nakataas ang kilay.
“Gago, peri! Ibang Aiden yata ang bumalik sa atin!” Segunda maman ni Jacob habang parehas sila ng reaksyon ni Kaizer—mga nanlalaki ang mga mata at hindi makapaniwala.
“Hoy! Hindi ikaw ang pinsan ko! Impostor ka! Impostor!” Wikang muli ni Kaizer habang nahihintakutan ng nakatingin sa pinsan niya na ini-ikot lamang ang mga mata sa kanila.
“Alam mo, Aiden, baka kailangan mo lang magpahinga—ipahinga mo ‘yan!” Wika ni na naman ni Jacob at natawa na lamang kami dahil sa sinabi niya.
Mga gago talaga ‘tong mga ‘to!
“Oh, shit, man! Sapakin mo nga ako! Baka nananaginip lang ako!” Napatingin ako kay Kaizer na parang tangang nakatingin sa kaniyang pinsan na wala namang pake sa kanila. Sila lang dalawa ni Jacob ang nagsasalita habang ang ibang lalaki naman ay nakangisi lang. Ngunit nagulat na lamang kami ng sapakin nga ni Jacob si Kaizer at napalakas ‘yon. “Aray, shit! Why did you do that?” Napalitan ng tawa ang gulat namin ng makita naming halos mangiyak sa sakit si Kaizer habang nakasapo sa kaniyang pisngi at nakatingin ng masama kay Jacob na inosenteng nakatingin sa kaniya.
“Sabi mo sapakin kita, eh!” Katwiran naman nito na lalo ko namang ikinatawa.
“Eh, gago! Parang mag-asawang sampal yung ginawa mong animal ka, eh!”
Napailing-iling na lamang ako bago bumaling kay Aiden na tamad na nakatingin sa kawalan. “Hmm… is the prince of Phyron kingdom interested with the only princess of Luminaria kingdom?” Nang-aasar kong tanong habang nakatingin sa kaniya. He look back at me which I didn’t expect—lalo naman ng makita kong ngumisi siya at hindi sumagot ngunit wala yatang balak ang mga kaibigan naming patahimikin siya.
“Tsk! Patay na patay ‘yan kay Lara kung alam niyo lang! He even told me that he is Lara’s soon to be boyfriend and future husband! He even told me that Lara deserves him! He’s even fucking stalking her for fuck’s sake!” Panglalaglag ni Azriel na lukot pa ang mukha habang nakatingin kay Aiden.
Dahil sa narinig mula sa kaniya ay hindi kami makapaniwalang napatingin sa prinsepe. Nakanganga pa akong nakatingin kay Aiden na mas lalo lang na ngumisi na nakatingin na ngayon ay Azriel na lukot pa rin ang mukha. We’re not expecting him to do that—hell! Patay na patay nga siya kay Lara!
“Gago, pinsan! Bata pa si Lara, jusko!” Pinigilan ko namang matawa dahil sa sinabi ni Kaizer—lalo naman ng makita ko kung paano sumama ang mukha ni Aiden.
“I know, you motherfucker!” Inis nitong wika at hindi na maipinta ang mukha nito.
“I see, Prince Aiden is ready to be a sugar daddy,” bumalahaw na lamang kami ng tawa dahil sa sinabi ni Chris habang nang-aasar itong nakatingin kay Aiden.
“Oy, Aiden! Mukhang inosente si Lara! Bata pa ‘yon, oy! Maawa ka naman!” Pang-aasar pa lalo ni Jacob na ikinasama naman lalo ng mukha ng prinsepe na inaasar nila ngayon.
“Fuck you all!” We laugh because of his face but we just stopped laughing when we heard thunder from outside again.
Hindi ko naman mapigilang matawa ng palihim dahil alam kong hindi na nagugustuhan ni Aiden ang topic kaya dinadaan niya sa pagkulog at kidlat. Pero totoo naman kasi. I heard from Clara that Lara is only turning eighteen this year while Aiden is twenty and turning twenty-one next year. Kaya hindi niya kami masisisi kung tawagin man namin siyang sugar daddy. Natawa naman ako sa naisip bago ko narinig ang patuloy nilang pang-aasar sa prinsepe.
“Ayieee! crush niya si Lara… ayieee!” pinigilan ko na namang tumawa ng malakas dahil sa sinabi ni Kaizer at dahil inumpisahan na niya ang pang-aasar ay sinundan na ito nina Chris.
“Ayieee, crush niya si Lara!” Then Chris smiled like an idiot while looking at Aiden that only shaking his head. Mayroong tono ang pagkasasabi nila ng ayiee sa prinsepe and their faces was funny!
“Ayieee, lagi niyang ini-stalk si Lara!” Then Kaizer hugged Jake’s—Jacob’s nickname—arm that made me looked at him weirdly. Ngunit natawa na lamang kaming lahat—yes, including Kuya Logan and Lucas—ng sabay-sabay ang tatlong nagsalita.
“SUGAR DADDY! AYIEEE!”
Halos hindi ako makahinga dahil sa katatawa—lalo na ng makita ko ang mukha ni Aiden na hindi maipinta. He was like, he realized that he was interested in seventeen years old lady and it was his biggest problem. Lalo namang isinampal sa kaniya ng tatlo ang katotohanan kaya hindi na maipinta ang kaniyang mukha and we’re enjoying his misery! Mali ‘yon but you can’t blame us! We’re enjoying teasing Aiden!
“Kaya pala hindi ka na sumasama sa amin sa tuwing magka-club dahil ini-stalk mo pala, siya, huh,” Chris said again as he shook his head.
“Ayieee! Dalagito na siya…” we looked at Jacob weirdly when he said that but he just smiled cheeky as he poke Aiden’s waist. Talagang tumayo pa siya sa kinauupuan para lang masundot ang bewang ni Aiden.
Dalagito? Dalag at hito?
“What the fuck?!” Hanggang sa napansin na lang naming namumula ang tenga niya pati na ang kaniyang batok na lalo naming ikinasaya.
Lara deserves to see this!
“Ohhh… ayieee, kinikilig!” Pang-aasar na naman ni Kai sa pinsan nito na ikinatawa namin lalo dahil natutuwa kami sa nakikita naming bagong emosyon kay Aiden.
Bigla ko namang naalala ang kinuwento sa amin ng Mommy niya na may crush daw si Aiden no’ng mga bata pa kami pero hindi nito alam ang pangalan. And I think, isa din ‘yon sa dahilan kung bakit siya naging ganiyan—why he became aloof and cold to everyone because it’s still vivid—no’ng nagmamaakawa siyang balikan ang isang lugar dahil may nangangailangan daw do’n ng tulong.
And that’s also when his grandfather died.
“Now, I already know the reason why you are not coming with us every time we’re clubbing! You will now settle down to one woman, huh? But you have to fucking wait! Nagkagusto ka lang naman sa bata!” Tumawa na naman ang tatlo and they are now rolling on the ground.
Aiden maybe have no interest in dating but he’s still a man and only deities knows what he is doing while they are in the club—tanging sila lamang ang nakaa-alam kung ano ang pinaggagagawa nila sa club and it makes my blood boil dahil may isang lalaki diyan na napaka-manhid! Punyeta siya! Ang daming ibang lalaki diyan, sa kaniya pa talaga ako nagkagusto!
“Poor Lara…” bigla namang wika ni Azriel kaya lahat kami ay napatingin sa kaniya—only to find him looking down na tila nagda-drama. “She’s too innocent, while this prince who’s interested with her is far from being innocent!” Azriel said before he dramatically shake his head. Natawa naman kami dahil sa sinabi niya—lalo na ang mga lalaki na alam na alam ang kalokohan ng isa’t isa.
“Tsk! We’re just fucking balance, motherfucker,” Aiden answered before rolling his eyes at Azriel who only shake his head while clicking his tongue. Aiden sounds boastful when he said that but what Clara said next took us aback, especially, him.
“But Lara doesn’t like men who aren’t virgins anymore,” she said nonchalantly before shrugging.
What Clara said silence Aiden at kita ko pa ang pamumutla niya—tila napako siya sa kinauupuan habang nanlalaki ang mga mata. Namumutla siya at namamawis na ang nuo at dahil ‘yon sa sinabi ni Clara. I know that Clara was only joking but seeing his reaction made me think that he is serious about Lara. Lalo na ng makita ko ang emosyon sa kaniyang mga mata—he was bothered all of sudden and it was new to my eyes! I am used to calm, and emotionless Aiden that’s why it shocked me to the core!
This prince is really full of surprises!
Tumawa naman bigla si Clara bago sinabing, “Relax, Aiden. I was just kidding,” she said chuckle. “You can breath now,” she continued before chuckling again while shaking her head. Aiden who forgot to breathe for a seconds look at Clara sharply but it didn’t bother her—a gaze from the prince of Phyron kingdom that will give chill. “Oh, no! No! Prince Aiden, you shouldn’t look at the person who will help you from courting Lara! Alam kong may paraan ka para makilala siya but, duh! It is still better if you ask her best friends and I happened to be one of them!” Said Clara at may mapaglarong ngisi sa labi niya habang nakatingin kay Aiden na nakataas na ang kilay ngayon.
“Luh! Pabor kayo sa prinsepe na ‘to para kay Lara?!” Napangiwi na lamang ako dahil sa sinabi ni Azriel at hindi siya nakapaniwalang nakatingin kay Clara na inirapan lamang siya.
“Fuck you, Williams! Go to hell!” Aiden shouted at him before he storm out of the living room and went to his room na ikinatawa na lamang namin.
“AND, HEY, AIDEN! LARA HAS CRUSH ON YOU TOO!” Panlalaglag naman ni Clara sa walang kaalam-alam na kaibigan.
Ngunit dahil sa sinabi ni Clara ay napatigil naman si Aiden hanggang sa makita na lamang namin ang pamumula ng batok at likod ng tenga niya na ikinatawa na lamang namin ng malakas. Fucking hell! As the prince storm out of the living room, hindi pa rin talaga siya tinigilan ng tatlo.
“AYIEEE! KINIKILIG!”
Natawa na lamang kami at napailing-iling na lamang. I can’t believe that we just teased Aiden! Ngunit mas hindi ako makapaniwalang mayroon ng nakakuha sa atensyon niya ng walang kahirap-hirap!
I just hope that Lara can accept Aiden regardless of how cold he is—but I guess, he is starting to bring his old self back.
***
Hope Lorelei Lara Sapphire Watson
Inaayos na namin ang mga gamit namin para sa paglipat namin sa dorm ng Alphas. Ayaw ko nga no’ng una, pero dahil magkasasama na kaming tatlo ulit, wala na akong nagawa pa at nag-ayos na lang din ng gamit. Inaayos ko ngayon ang mga gamit ni Caelum at ewan ko kung ano’ng magiging reaksyon nila oras na malaman nilang may anak na ako at inaabangan ko din ang magiging reaksyon ni Clara kapag nalaman niya ang tungkol kay Caelum.
“Lars, ano kaya mangyayari sa atin kapag kasama na natin ang Alphas sa iisang bubong?” Tanong bigla ni Gen habang tinutulungan akong mag-ayos ng gamit ni Caelum. Nagkibit-balikat lang ako bilang sagot bago kinuha ang gatas ni Caelum at binigay sa kaniya na nilagay naman niya sa bag.
“Paano pala ang magiging kwarto niyo do’n?” Tanong naman ni Merlia na parehong tanong din nina Titiana at Sarafina, habang natutulog naman si Zephyr sa sofa.
“May dalawa daw extra bedrooms sa dorm nila—isa sa akin at isa kay Lara. Medyo may kaliitan daw pero parang kasya naman kayo. Pinagagawa pa lang kasi ang manor ng Alphas sa likod ng dormitories at medyo matatagalan pa siguro ‘yon,” sagot ni Gen at sakto namang tapos na kami sa ginagawa.
Bigla namang may nag-doorbell kaya dali-daling nagtago sina Titiana at Merlia sa likod ni Zephyr na natutulog kahit pwede naman silang maging invisible. Tumayo naman si Gen at nagpresintang siya na ang magbubukas ng pinto. We’re currently in the living room—even Caelum that was in his crib while sleeping peacefully.
“Hey, Odette!”
“Yow, Genevieve!”
Nakarinig naman ako ng yapak kaya napalingon ako at nakita si Oddie at ng magtama ang mga mata namin ay ngumiti siya ng malawak kaya gano’n din ako. “Hey, La—” hindi natuloy ang sasabihin niya dahil napadapo ang tingin niya kay Caelum na kasalukuyang natutulog.
Napako ang tingin niya kay Caelum habang nakakunot ang nuo—nagtataka hanggang sa si Gen na ang nagpakilala kay Caelum sa kaniya. “Oh! By the way! We forgot to tell you,” napatingin si Odette kay Gen na malawak ang ngiti ngayon. “He is Caelum Skylar Axel Watson—the son of our younger sister, Lara Watson.”
Napakurap naman si Oddie ng ilang beses hanggang sa napanganga na lamang siya. “A-Ano? How…?” Confusion was written all over her face while her eyes are looking at Gen, Caelum and I.
Gen chuckled because of Oddie’s reaction before she started explaining while I just continued readying our things. “—at dahil walang tatay ang little heaven natin ay Watson na lang ang apelyido niya. Gets, Clara Odette White?”
“Oh. I see, I see,” I heard Odette said before smiling at me. “I can’t believe that you are a mother now…” she softly chuckles before looking at Caelum softly. “But he looks like someone I know…” she added which made me frown—lalo naman ng tumawa si Gen.
Bakit parang may nakapagsabi na sa akin niyan?
“Who?” My forehead creased but they only chuckled.
“Okay na ba lahat ng gamit niyo?” Pag-iiba ni Odette habang may ngiti pa rin sa kaniyang labi na tila mayroon siyang naalala.
“Yeah,” tipid kong sagot na lamang dahil kahit naman kulitin ko sila, hindi pa rin sila magsasalita.
Hindi na namin kailangan pang buhatin ang mga gamit namin dahil magte-teleport ang mga ‘to sa mga kwarto namin. Less hassle kaya maglalakad na lamang kami patungo kung na saan ang dorm ng Alphas. Kanina ay nagpaalam na kami sa mga Betas at wala naman kaming hiniling na iba ni Gen kung ‘di ang maging maayos ng muli ang relasyon ng Alphas at Betas. They are not close but yeah, we hope that their anger with each other will melt soon.
“Let’s go then!”
Binuhat ko naman si Caelum na natutulog pa rin bago napansing nawala na sina Sarafina at hindi na ako nag-abala pang hanapin sila. Caelum was leaning in my shoulder while he’s still sleeping at lumabas, ngunit bago ko pa isara ang pinto ay sinulyapan ko pa sa huling pagkakataon ang dorm namin ni Gen. I will miss this dorm. Sana lang ay alagaan ito ng kung sino man ang gagamit nito sa susunod.
“Tara na, Lars!” Nabaling naman ang tingin ko sa dalawa kaya sinara ko na ang pinto ng tuluyan.
Naglakad na ako papunta sa kanila at dahil walang pasok ngayon ay pinagtitinginan kami ngayon ng mga estudyanteng nadadaanan namin. Their eyes went to my son and confusion was written in their faces but I just shrugged it off. Caelum’s face was buried in my neck—the thing that he loves to do at tanging sa akin lang niya ginagawa. Habang tumatagal din ay nadadagdagan ang timbang niya dahil ang lakas niya sa gatas—the reason why I have to get a job.
Huminto naman kami sa tapat ng elevator hanggang sa bumukas ito. Wala namang nakasakay na iba kaya dali-dali kaming pumasok and it was Odette who pushed the bottom going up to Alphas’ dorm. Habang pataas kami ay nagku-kwentuhan sina Oddie at Gen na ikinangiti ko na lamang ng palihim. After we forgave each other, and learned from our mistakes, balik na kami sa dati and I never been happy since that day.
Maya-maya pa ay naramdaman kong inangat ni Caelum ang kaniyang ulo at awtomatikong gumalaw ang kamay ko upang suportahan ang likod niya bago niya inilapat ang nuo niya sa baba ko saglit bago bumalik sa dating pwesto kanina habang ang kaliwang kamay naman niya ay inilagay sa kanang balikat ko. I can feel that Caelum was still sleepy and he even breath heavily na ikinatawa ko naman.
“Ihhhh! Bakit ang sweet ni baby Caelum?” Napatingin naman ako kay Gen na nagsalita at nakita silang nakatingin kay Caelum. Gen was pouting while looking at my son with admiration in her eyes.
“Sana ganiyan din ang magiging anak ko sa future, dahil kung hindi, ibabalik ko talaga sila sa sinapupunan ko!” Saad naman ni Odette na ikina-iling ko na lamang.
Tumunog na ang elevator hudyat na nasa tamang floor na kami kaya lumabas na kami kaagad. Nauuna naman sa akin ang dalawa kaya kaming dalawa ni Caelum ang na sa likod. Naramdaman ko namang namang nilalaro ni Caelum ang buhok ko at naramdaman ko ding masaya siya. Bakit kaya? Inangat niya ulit ang ulo niya at tumingin sa akin. He was still sleepy but he still manage to smile at me and giggled adorably.
Nanggigigil ko naman siyang hinalikan sa pisngi na ikinatawa niya naman lalo. But what he did next taken me aback. “Mamma… Mamma…” nanlaki ang mga mata ko at napatigil na sa paglalakad.
Did he just… did he just said, ‘Mamma’…?
Napakurap-kurap ang mata ko at napatitig kay Caelum na nakangiting nakatingin sa akin. He even repeat what he said and I figured out that he was talking using his mind! Tila gusto ko namang maiyak dahil sa nangyayari ngayon—a tears of joy because I just heard my son’s first word. He can communicate using his mind now but I guess, he can only say the word, Mamma for now.
“Did you just said, Mamma, baby…?” Mangiyak-ngiyak kong tanong and Caelum giggled kaya nahawa na lamang ako.
I’m so happy…
Tumingin naman ako sa dalawa para sana ipagmalaki pero nakita kong malayo na sila sa akin at nakalapit na sila sa pinto na kulay ginto kaya nagmadali na akong maglakad upang humabol. Nang makalapit na ako sa kanila ay sakto naman ang pagbukas ng pinto at bumungad si Arielle na malawak ang ngiti—a kind of smile that welcoming us. Ngunit nawala ang ngiti niya ng dumapo ang tingin niya sa akin at nakita ko kung paano manlaki ang kaniyang mga mata.
Napatitig siya kay Caelum bago napakurap-kurap at maya-maya pa ay kumunot ang nuo niya. She is confuse but Odette get her attention. “Princess Arielle!” Napatingin siya kay Odette at nakaurap ng ilang beses bago nagtatakang tumingin sa kaniya. “Mamaya na kami magpapaliwanag,” saad ni Oddie at tinulak si Arielle papasok kaya wala na siyang nagawa pa.
Naunang pumasok sina Oddie at Gen sa akin dahil tinignan ko muna si Caelum na nakatingin din sa akin at sa muling beses ay narinig kong nagsalita siya gamit ang isipan. “Mamma…” ngumiti ako ng malawak at hinalikan siya sa nuo bago sumunod na pumasok at narinig ko na lamang ang Alphas na wine-welcome si Gen.
As I went inside, I noticed their welcoming smiles until their eyes turned to me while they are still smiling. But when their eyes turned to my baby, their smiles just vanish and just stared at Caelum—ang baby ko na nagpapa-ulan na ng laway ngayon. He was busy with his own world again and he wasn’t sleepy anymore. Confusion was written in their faces until it changed into a shock expression—lalo naman ng ipinakilala ni Oddie ang anak ko sa kanila.
“Oh! Anyway, this is baby Caelum, Lara’s baby.”
Tila mayroong dumaang anghel dahil sa sinabi ni Odette at nagtataka ako lalo sa kanilang reaksyon. Ngunit ang katahimikan ay nabasag ng dahil kay Caelum na muling nagsalita gamit ang kaniyang isipan. “Pappa… Pappa…” saad ni Caelum na tila lahat kami ay nakarinig no’n—Caelum just used telepathy again and it wasn’t just me who heard it!
We’re all shocked—we’re shock beyond belief when he just used a telepathy and because of what he said! Ngunit ng mapansin naming nakatintgin si Caelum sa isang direksyon ay sabay-sabay at dahan-dahan kaming bumaling kung saan siya nakatingin. But I just frozen in my spot when I saw the person that my son was looking while he said the word ‘Pappa’.
Is that… the prince of fire…?
Muli na namang nagsalita si Caelum habang nakatingin pa rin kay Aiden na nakatitig lang sa anak ko—tila natigilan din katulad namin. “Pappa!” Caelum voice’s was beaming while still looking at the prince of fire. He’s even clapping his hands while giggling happily before looking at me and Aiden and he did that a couple of times! “Mamma! Pappa!” He said again before looking at me and Aiden and he keep on giggling happily.
Tila nanigas naman ako dahil sa ginagawa ng anak ko habang ang iba naman ay pabalik-balik lamang ang tingin sa aming tatlo. They are speechless and no one wants to talk. Halos umawang na ang bibig nila habang hindi makapaniwala sa kanilang nakikita. And when I look at the prince of fire, he was already looking at me and here’s my heart again—automatically beating fast every time the prince of fire was around!
Hindi ko mabasa ang emosyon sa kaniyang mga mata habang nakatingin lamang sa akin habang si Caelum ay masayang-masaya habang patuloy naming naririnig ang kaniyang boses sa aming isipan—saying the same words a lot of times and I am starting to feel awkward when I am starting to get want my son means. Did he just called the prince of fire… ‘Pappa’?! Caelum is a smart baby and far from being ordinary—he even know that I am his mother and I won’t wonder anymore if he knows who his father was.
But… is that even possible?
“Hala ka, Aiden! Tinatawag kang Pappa ng anak ni Lara! Baka sa kapupunta natin sa club, hindi mo alam na naka-buntis ka na pala!”
Halos mapanganga naman ako sa narinig ko mula kay Jacob at napansin ko pang nanlalaki ang mga mata nitong nakatingin kay Aiden. I noticed that the others are looking at him in disbelief while some are shaking their heads. Pero maya-maya pa ay napansin kong ngumiti sila ng makahulugan na kami lang yata ni Gen ang hindi alam ang ibig sabihin no’n. Almost of them has this mysterious smile in their lips and I wonder what’s the meaning of it.
Ipagtatanggol ko na sana ang sarili ko at sasabihing hindi ako pumupunta sa club pero nagulat na lang kami bigla ng makarinig kami ng sobrang lakas at tatlong sunod-sunod na kidlat sa labas. Bakit ba lagi na lang may kidlat?! Kahit kahapon, may bigla na lang na susulpot na kidlat kahit na tirik na tirik ang araw! Pinagalitan ko pa nga si Zephyr kahapon dahil siya lang ang kilala kong lightning ang power, pero sabi niya lang, “Someone is feeling angry, or maybe, irritated and jealous.” I wonder what he means but I just didn’t said anything.
Put I was pulled back from my reverie when Alphas shouted the name that caused me to look at the owner of it. “AIDEN!” They are looking at him in disbelief but the prince of fire was only looking at me like I will disappear once he leave his eyes on me.
Siya ba ang salarin?
Nagkatitigan lamang kami pero dahil kay Caelum ay naputol ang titigan namin. Bigla na lamang umingit si Caelum at napayakap sa akin and I could feel him trembling and he suddenly started crying while burying his face on my neck. Mabilis ko naman siyang pinatahan at hinagod ang kaniyang likod. The thunder and lightning might scared him that’s why he cried.
“Hala! Lagot kang prinsepe ka! Natakot mo yata sa kidlat!” Rinig kong saad ni Kaizer habang pinatatahan ko ang anak ko.
“Nakuuuu! Lagot ka, boss Aiden! Tinakot mo yung anak mo!” Wika naman ni Jacob na ikinangiwi ko na lamang.
Huminga ako ng malalim dahil kanina ko pa nararamdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa mga sinasabi nila, lalo na ang nararamdaman kong titig ng prinsepe ng apoy sa anak ko. He was shamelessly staring at me—ako na lang ang nahihiya para sa kaniya and I am starting to get uncomfortable with the way he stared at me and Caelum.
“I think, you should go to your room now, Lars. Caelum seems still sleepy,” it was Odette na sinang-ayunan ko naman dahil napahikab na rin si Caelum.
Hinila naman ako ni Gwen at umakyat kami sa second floor ng kanilang dorm at napansin ko namang lumihis ng daan ang tatlo pero hindi na lang ako nagtanong sa kanila hanggang sa magsalita si Gwen. “Sa second floor ay ang kwarto nina Kaizer, Lucas at Jacob,” saad niya bago namin tinungo ang hagdan na naman. “Third floor is for Kuya Logan, Chris, and Azriel, while the fourth floor is for the girls,” huminto naman ako ng makarating na kami sa fourth floor pero hinila na naman niya ako paakyat na ipinagtaka ko. “Sorry, Lara, but your room is located to the fifth floor. Nando’n kasi yung isa pang available na room, eh,” saad niya kaya tumango na lang ako. Sa tuwing aakyat pala ako sa kwarto ko ay mapapagod ako.
Paano na lang kaya kung sobrang tamad ko na o kaya sobrang antok ko, baka sa hagdan na ako matulog. Napasimangot naman ako sa naisip ko. “Wala bang elevator dito?” Tanong ko naman.
“Hmmm… wala. But the Alphas’ under construction’s manor will have since it will have—I think seven or eight floors? Not sure,” Gwen answered and I nodded.
Hindi na ako magtataka kung mala-palasyo ang manor ng Alphas.
Nang makarating kami sa fifth floor ay hinihingal na ako, pero napansin ko naman ang dalawang pintuan na nandito. Nagtaka ako and that’s when I remembered that she haven’t yet mentioned Aiden’s name. Hala! Magkatapat ang kwarto namin?! I shake that thoughts off my head at tinungo na lang namin ang pintuan na nasa kaliwanag bahagi. Kung halimbawa mang na sa iisang floor lamang ang kwarto namin ng prinsepe na ‘yon… ano naman ngayon?
Gwen opened the door while I felt Caelum that already fell asleep on my shoulder. Tumingin naman ako sa harapan at napangiti na lamang ng makita ang kulay nito. It was color pink. Sabay kaming pumasok sa loob at hindi ko naman mapigilang ilibot ang paningin. This room was nothing but simple and cozy. My eyes are twinkling because of the color of this room.
“You like it?” Napatingin naman ako kay Gwen na malawak ang ngiti bago ko ibinalik ang tingin sa silid at nagsalita habang inililibot ang paningin sa buong kwarto.
“Yes… thank you.”
“No problem,” she answered. “This isn’t that big but I can assure you that your room in the manor is bigger than this and I can’t wait for you to see your room there!” I can hear the excitement in her voice and I can’t help but chuckle.
“Halata nga sa ‘yo,” saad ko bago ko inayos si Caelum—pinahiga ko siya habang karga ko pa rin.
“Sige na, iiwan ko na muna kayo. Just go down if you need anything, alright? ‘Wag kang mahihiya!”
Nagpaalam naman siya bago umalis na ng tuluyan kaya ng sumara ang pinto ay nilapag ko na si Caelum sa higaan. A queen size bed that looks soft just like our bed in our dorm. Inilibot ko naman ulit ang paningin ko sa malawak na silid. I can’t say that it’s just a simple room because it wasn’t! At kahit pa sinabi ni Gwen na hindi naman ito kalakihan ay malaki na ‘to para sa akin. Lia, Tati, Fina, Zep, Caelum and I—pati na rin ang iilang gamit namin.
I guess, this will going to be our room in the meantime.
***
BINABASA MO ANG
Lumina Academy: Light and Shadow (Realm Series #1)
FantasyRealm Series #1 Lumina Academy: Light and Shadow She's holding the most powerful guardians--the summoner of supreme guardians. She's the person that they've been waiting for--for she is the summoner of all-powerful guardians who will help the immort...