Chapter 5: The Academy
“Thank you, Cadmus!” Sabi naman ni Mimi habang si Nana ay umupo na sa couch habang ako ay nanatiling nakatayo lamang at pinanonuod sila.
“Grabe! Na-miss ko ‘tong lugar na ito!” Sabi ni Nana kaya napatingin kaming lahat sa kaniya.
Natawa naman si Headmaster Cadmus at nagsalita. “Matagal na rin ng huli kayong nandito,” the headmaster commented which made Nana nodded. “By the way, salamat naman at sa pagkakataong ito ay pinakinggan niyo na ang kahilingan ng akademya. Ang akala ko talaga ay tatanggihan niyo na naman ito tulad ng mga nakaraang sulat namin sa inyo,” sabi ni Headmaster Cadmus at napailing pa ito.
Huh? So, all this time, matagal na silang pinababalik? Bakit kaya nila tinanggihan?
“Dahil gusto muna nilang malaman ang opinion mo, Lara.”
Bahagya naman akong nagulat ng may marinig akong malalim na boses mula sa isipan ko pero nakilala ko naman kung sino ito.
“Aslan?”
Paninigurado ko kahit na alam kong siya talaga ang kumausap sa akin gamit ang isipan ngunit—totoo?! Kinauusap na niya ulit ako? Matagal-tagal din no’ng huli ko siyang nakausap, siguro no’ng sinasanay niya akong ilabas ang mga guardians ko and that was a month ago, I think?
“Yes, my princess. We’re happy that you’re already here—in the Luminaria realm where we can be together—you can summon us without thinking twice. We’re just here since the magic world isn’t just about magical things, it’s also about danger but we’re ready to be summoned by you. I will send Zephyr and Sarafina with you so that they can protect you at all cost.”
Aslan’s voice is deep and sounds strict but he’s also sweet. I think nature na ‘yon ng mga pinuo—to be sounds strict. If someone hears his voice and sees him in his true form, I am sure that they will get intimidated or even feel scared. But he wasn’t Aslan if he won’t give you an intimidating aura.
“Thank you, Aslan! I can’t wait to see you all again! But where’s Titiana? I want to see her too! Pwede bang isama siya nila Zephyr at Sarafina?”
I requested even I can just summon her but I wanted her to stay at my side just like Zephyr and Sarafina. Titiana is one of my guardians too but she’s different, unlike Aslan and my other guardians, they are animals, while Titiana is a small creature and she is the guardian of all of the abilities.
“As our princess request…” he said which made me grin secretly. “Always be careful. Call us—your guardians, if something bad happens, okay?”
Protective, huh.
“Okay, Aslan! Again, thank you!”
Pagkatapos kong kausapin si Aslan sa aking isipan ay napangiti na lang ako. Totoong na-miss ko sila, at sa wakas makaka-sama ko na rin sila. Nang tinignan ko naman ulit sila Mimi ay sakto namang may sinabi ito.
“I’m with my daughter and she will be studying here for now on,” sabi ni Mimi sabay lingon sa akin kaya napatingin din sa akin si Headmaster Cadmus at nagulat.
Bakit ba sila nagugulat?
“Your daughter?” Tanong niya ng makabawi siya sa pagkagulat habang ako naman ay yumuko ng bahagya at hindi nagsalita.
“Yeah. She is Lara Watson—my daughter. I want her to be a student here. So... shall we start?” Sabi ni Mimi at lumakad papunta sa visitor’s chair. “By the way, please give my daughter a little background about this world,” I heard my mother say to the headmaster.
I look at headmaster’s face and saw him frowning while looking at my mother. He’s confused… and curious at the same time but he didn’t ask my mother. Instead he smiled at me before mentioning me to sit in visitor’s chair in front of my mother. “Okay, I think, alam mo na ang tungkol dito kaya hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Ito ang schedule mo,” Sabi niya sabay abot sa akin ng white folder at nagpatuloy sa pagsasalita.
“Pero bago ‘yan, gusto ko munang malaman mo ang proseso sa eskwelahan na ‘to,” he intertwined his fingers before putting it in his table. “Ang academy na ‘to ang pinaka-malaking eskwelahan sa mundong ito, may iba’t ibang lahi din dito at ‘yon ang mga mage, charmers, sorcerer and sorceress, pixie fairies, werewolves, vampires, and more magical being that living not just in this realm but in other realm too,” mahaba niyang salaysay pero sa huling lahi niya ako kinabahan.
I don’t want to remember it anymore and I tried to calm myself and listen again to the headmaster.
“Ang tawag sa atin ay mga Elementalist because we are just the only one who’s holding more than four-elements—we are just the only one who possesses more than one guardian,” napatango naman ako dahil sa sinabi niya. Nasabi na din ni Nana sa akin ang bagay na ‘yon no’n.
She’s a teacher here after all.
“Sa academy na ito ay may rules na dapat mong sundin kung hindi, dapat handa ka sa mga consequences,” kinabahan naman ako bigla habang nakikinig lang ang mga kasama namin dito. May bigla naman siyang inabot sa akin na yellow folder kaya kinuha ko naman ito.
Yellow? How about pink?
RULES THAT STUDENTS MUST FOLLOW:
Rule #1: Do not harm any student with your power.
Rule #2: Participate in school activities.
Rule #3: Do not leave the Academy without permission.
Rule #4: You should be inside of your room when ten PM strikes.
Rule #5: Come on time, leave on time.
Rule #6: Come in uniform.
Rule #7: You need to go to the dining hall during breakfast before going to your respective rooms.
Rule #8: Last, Do what is right.
Eight rules. Madali lang siguro ito. Pero yung rule number five? Mukhang mahirap dahil mahirap akong gisingin. Yung rule number seven naman ay siguro, dapat sabay-sabay kumain ang mga estudyante sa umagahan nila bago pumasok sa classrooms, at the rest, ikaw na bahala kung saan mo gustong kumain.
“‘Yan ang mga rules dito. Sa mga sections naman, we have five, and these are the Alphas, Betas, Gammas, Deltas, and Epsilons. Alphas are the top students here—the royalties. There are no other students who can enter this section since no one can match the royalties’ strength and power,” I nodded while thinking how powerful Alphas are. “Betas, the second top students while Gammas, and Deltas are the ones who can control their power but Deltas is not yet. Deltas is the last section while the Epsilons are the academy’s healers,” pagpapaliwanag ng headmaster sa akin.
Kung kanina ay nakangiti siya kila Mimi at Nana, ngayon naman ay naging istrikto na ang kaniyang aura. Sa mga narinig ko ay na kumpirma kong madami nga talaga ang estudyante dito.
“Alphas has a few members—only has ten members. While Betas has twenty plus members. Alphas and Betas have their floor—their own floor where their dorm is while Gammas and Deltas are just in their bottom. They all have their own kitchen and dining area but you have to follow rule number seven where it is a must to eat breakfast in the academy’s dining hall together with the other students,” paliwanag niya.
So, gano’n pala dito. Sana naman maging maganda ang unang araw ko dito.
Mimi and Nana are reading something that’s why it’s only me and Headmaster Cadmus. “That folder that you are holding is your schedule but it’s still empty. It will only appear when you already have a section. I won’t be the one who will decide which section you will be put. It’s the academy itself—it’s up to your power but remember, whether you will be put in a higher section, there’s still possible that you will be transferred in a low section and vice versa. That’s why while the ranking test isn’t coming yet, train yourself to maintain your rank and section,” all I can do is nod.
Parang sa mortal na mundo lang pala… pero gamit ang kapangyarihan dito.
“Here’s the map too so that you will have a guide and to avoid being lost. As long as I wanted someone to tour you around the campus, I changed my mind,” then he smiled at me unknowingly—gone his strict aura again. “So… good luck?” He smiled widely before sitting up straight. “Sa isang araw ka na pumasok, dapat ngayon ang pasukan pero dahil ngayon ka pa lang nakapagpa-enroll ay papayagan kitang sa susunod na araw na lang pumasok,” I put the map that he gave me in the folder before I heard Mimi’s voice.
“Give her a room, yung mag-isa lang siya. Kahit na malaman niya pa kung ano ang section niya,” utos ni Mimi at napansin kong napaka-bossy niya sa part na ‘yon.
Kilala niya talaga ako.
Napailing-iling si Headmaster Cadmus dahil sa tinuran ni Mimi. “Okay,” he only said. “Here. That’s the key of your room,” sabay abot niya ng susi sa akin kaya naman nagpasalamat ako bago ko tinignan ito,
Fifth floor, room number 326, main building.
“Second-floor ay ang mga staffs ng school, third-floor and fourth-floor naman ang mga Deltas, fifth-floor and sixth-floor ang mga Gammas at seventh-floor ang Betas at ang Alphas naman ay eight-floor,” paliwanag ni Headmaster.
So, my room is on Gammas’ floor, huh.
Pero hindi ko maintindihan ang tinutukoy na main building dito. Wala naman din siyang pinaliwanag kaya mangangapa pa yata ako. Bahala na. Tumayo naman ako at bahagyang yumuko dito. “Maraming salamat po,” at ngumiti ng bahagya kay headmaster at ngumiti din siya sa akin pabalik at bahagya pang tumango. Then I looked at Mimi, Nana, and Queen Clarion na nandito pa rin pala, “Mimi, Nana, Queen Clarion, and Headmaster Cadmus, mauna na po ako. Alam ko naman pong may pag-uusapan pa po kayo,” paalam ko sa kanila bago naglakad palabas.
This will be my first day here at Lumina academy!
***
Romina Feyh Ford
Nang lumabas na si Lara ay lumapit na ako sa kanila. Umupo ako sa iniwan na upuan ni Lara at humarap sa kanilang tatlo. “Alam ba ng mga Hari at Reyna na pinababalik mo na kami?” Tanong ko kay Cadmus. Magkakaibigan kami no’ng nag-aaral pa lang kami dito.
Si Lorraine, ako, Cadmus, Leilah, Amara, Vivienne, Henry, Atticus, Orion, Charley, Marielle, and Zaiden, kami dati ang mga Alphas, at ngayon naman ay sila na nga ang mga magulang ng bagong Alphas. But Vivienne, she is a lady like me, may kamag-anak kasi kaming royalties kaya tinatawag kaming Milady—lady or Lord.
“They knew, pero hindi nila alam na ngayon kayo dadating. Kailan niyo ba balak ipaalam?” Tanong ni Cadmus at tiningnan kami ni Lorraine na may pagtataka.
“Balak namin ipaalam sa pagdating ng anibersaryo ng academy. Sa ngayon, gusto muna naming magpahinga,” sagot naman ni Lorraine kaya tumango na lang si Cadmus at hindi na nagkumento pa.
Alam kasi namin pareho na hindi pa kaya ngayon ni Lorraine ang magpakita sa mga kaibigan namin lalo na sa kapatid niya at sa pamilya niya. Dahil kahit sa tagal na ng panahon ay sariwa pa rin sa kanila—sa amin ang pangyayari.
“Pero ang anak mong ‘yon, siya ba ang may hawak kay Aslan?” Nagtatakang tanong ni Cadmus kay Lorraine.
Isa iyan sa ability niya, ang malaman kung ano ang iyong guardian sa isang tingin lang kaya hindi nakapagtataka na malaman niyang ang pamangkin ko ang may hawak kay Aslan. What more kung nalaman pa niyang hindi lamang si Aslan ang hawak niyang guradian?
Tumango naman si Lorraine bilang sagot. “Yes, she is. And I know that you have been looking for the elementalists who can summon the mystical guardians,” saad naman ni Raine at nakita ko na malalim ang iniisip ni Cad bago ito napatango.
“Bakit mo naman natanong?” Tanong ko naman.
Bumuntong-hininga muna siya bago sumagot. “Because I gave my students a mission where they will fetch Aslan and bring back here but the king refused as he said that he won’t come back here if his summoner wasn’t here yet,” napatango-tango naman kaming pareho ni Raine dahil sa nalaman.
Nahihirapang i-summon ni Lara si Aslan dahil na sa mundo kami ng mga tao that’s why Aslan helped my niece. He disguised himself as an ordinary lion and stayed at the zoo. Bukod sa na sa mundo kami ng mga tao ay masyado talagang malakas si Aslan para magawang mai-summon ng pamangkin ko that’s why he stayed outside of their dimension. His reason? Well, I do not know.
Napansin ko namang umupo si Queen Clarion sa balikat ni Cadmus at nakikinig lang sa amin. “Siguro, ‘wag muna nating sabihin na si Lara ang kayang mag-summon sa kaniya, okay?” Sabi ni Lorraine kaya tumango na lang kami.
Here's come the protective mother.
We know her reason that’s why we understand her. Holding the king of mystical guardians doesn’t mean your life won’t be in danger anymore. She just wanted to protect her daughter.
“Oh, sige, magpahinga na kayo. Alam niyo na kung saan kayo mamamalagi,” sabi naman ni Queen Clarion kaya sinunod na namin ang sinabi niya.
Nakapapagod.
***
Hope Lorelei Lara Sapphire Watson
Pagkalabs ko sa headmaster’s office ay tinignan ko ang mapa na binigay ni headmaster. Masyadong malaki ang academy, siguro naman hindi ko lahat mapupuntahan ito.
Pagkatapos kong tignan ito ay lumakad na ako habang hila-hila ko ang maleta ko. Maya-maya pa ay may bigla naman akong naramdamang may sumusunod sa akin kaya napatigil ako at lumingon at napakunot naman ang nuo ko dahil sa nakita.
A pixie fairy?
Parang katulad din siya ni Queen Clarion—I mean, she’s different from other pixies. Beautiful. Nang makalapit siya ay do’n ko siya nakita nang maayos. Yellow gown, may bulaklak na design sa kaliwang bahagi ng bewang niya, long back and short front ang style ng dress niya, at tube style rin ito. Wala namang sapin ang mga paa niya kung ‘di, isang bulaklak lang na nakapalibot sa paa niya. Yellow hair, yellow wings, at meron ding nakapalibot na parang tali sa magkabilang kamay niya.
I think it’s a kind of bracelet.
Meron din siyang kwintas katulad ng na sa kamay niya, meron din siyang yellow flower crown, and her eyes are color yellow too. Yellow talaga? Bagay naman sa kaniya, mukha din siyang binudbudan ng glitters at ang cute niya!
“Hi?” Sabi niya at ngumiti ng nahihiya. Cute. Habang lumilipad siya ay may lumalabas na fairy dust mula sa kaniyang pakpak.
“Hello!” Bati ko rin dito at ngumiti. Nagulat naman siya sa hindi ko malamang dahilan at napatulala pa. Huh? Anyare? Hindi pa yata siya nakababawi sa gulat ngunit narinig ko siyang bumulong at sapat na ang katahimikan para marinig ko iyon.
“Beautiful…”
“Thank you! So are you,” saad ko at ngumiti ng matamis. Nagulat na naman siya pero ngumiti din kapagkwan.
“I’m Merlia,” pagpapakilala niya at yumuko pa ng bahagya. Natuwa naman ako dahil ang cute din ng boses niya.
“Lara. My name is Lara,” pagpapakilala ko rin at yumuko din sa kaniya.
“Nice to finally meet you, Lara! Masaya niyang wika at ngumiti. Nagtaka naman ako sa sinabi niya at hindi mapigilang magkumento.
“It looks like you, were waiting for me for a long time,” sabi ko at tumawa pa ng bahagya.
Nakaka-gaan siya ng loob…
“Yes. Matagal na kitang hinihintay na makapunta dito,” sagot niya at ngumiti na naman. Nagalak naman ako sa sinabi niya dahil do’n. I smiled at her before she talked again. “Let’s go? I know you’re tired and you need rest,” wika ni Merlia at nauna na sa akin. Tumango na lang ako at sinundan siya.
Tahimik lang kami habang papunta sa kwarto ko hanggang sa makarating na kami ay agad kong binuksan ang pinto ng magiging kwarto ko. Napaka-tahimik ng akademya at mayroong mga nagro-ronda but Merlia helped me avoid them as my request also.
Lumipad naman si Merlia upang buksan ang ilaw at nang nabuksan niya na ito ay nakita ko ang simple ngunit magandang silid. A small living room, kitchen, and dining area. Nang nagtungo naman kaming pareho sa isang silid ay nakita ko ang Queen size bed sa gitna, sa magkabilang pader naman nito ay may mga libro, hindi naman masyadong madami.
Hindi naman ako bookworm.
May study table din malapit sa bintana, sa kaliwang bahagi naman ng higaan ng tignan ko ay walk-in closet, pure white at nakahilera ang mga damit at mga sapatos, siguro sa kabinet ang mga accessories.
It’s quite beautiful.
***
Nakahiga na ako at nakapantulog na din para makatulog na, nagsuot lang ako ng plain white T-shirt, and violet and yellow striped pajama. Malambot ang higaan ko at malaki, nangangamba nga ako na baka mahirap akong gisingin kapag ganito. Baka ma-late pa ko niyan.
Habang nakahiga ay nakatingala lang ako at nakatingin sa kisame ng biglang lumipad sa harapan ko si Merlia. “Nandito na ang mga gagamitin mo sa academy, Lara,” sabi niya kaya umupo ako sa higaan at nakita kong pinalilibutan ang mga ito ng fairy dust ni Merlia upang lumutang.
“Thank you, Lia!” Saad ko at tumayo upang ilagay ko sa walk-in closet ang mga ito. Nang malagay ko na ay hindi ko muna ito pinagtuunan ng pansin at lumabas na lang muna.
Pagkalabas ko ay nakita ko si Merlia na nakaupo sa side table at ng makita niya ako ay ngumiti siya kaagad kaya ginantihan ko din siya ng ngiti at umupo sa harapan niya.
“Matulog ka na. Alam kong pagod ka. Mag-uumaga na, oh,” sabay turo sa bintana. Nang tignan ko din ang bintana ay may sumisilip ng ngang araw.
This little creature is too nice.
“Tumigil na sa pag-ulan ng nyebe—hindi na malamig tulad ng dati at dahil ‘yon sa ‘yo… nag-iba ang panahon ng dahil sa ‘yo,” rinig kong wika ni Merlia habang nakatingin sa labas.
I didn’t do anything but I guess, wherever I go, weather and I connected—whether I like it or not.
Ngumiti ako at tumango. Ngumiti na lang din siya at lumipad para lang itulak ako pahiga at hindi na ako nakalaban pa. Sa liit niyang ‘yan? Ngumiti siya sa akin at kinumutan ako kaya wala na akong nagawa pa at natulog na lang.
***
Nagising naman ako kinabukasan dahil sa lamig ng simoy ng hangin—huh? Malakas ba ang aircon? Nilakasan ba ni Merlia? Sa pagkaka-alala ko, hindi ko naman binuksan ang aircon, eh.
Nang imulat ko ang aking mga mata ay nagtaka ako sa nakita. Where am I? Na saan ako? Itim lahat ang na sa paligid ko at tanging ako lang ang lumiliwanag dahil sa pumapalibot sa aking gintong liwanag at kumkintab. Pumapalibot ito paikot sa aking katawan.
Mukhang alam ko na…
Napangiti na lang ako sa naisip. Nararamdaman ko siya. Nararamdaman ko na ang isa sa mga guardians ko!
“Arang?!”
Masayang pagtawag ko sa kaniya mula sa isipan. Siya ang isa sa mga guardians ko, he’s my earth guardian—Arang. Nang pagkasambit ko sa pangalan niya ay siyang pagbabago ng paligid. Mula sa madilim hanggang sa isang napakagandang tanawin.
Mga iba’t ibang naggagandahang mga bulaklak, mga puno at green na green na mga damo, madami din ang mga paru-paro dahilan ng gustong-gusto kong pumunta dito.
“My princess,” narinig kong sabi niya sa aking isipan at naramdaman siya sa aking likuran. Nang humarap ako ay napangiti ako ng malapad sabay takbo at niyakap siya.
I missed him.
“I missed you too,” sabi niya matapos ko siyang yakapin. Hindi pa rin siya nagbabago, kumikintab pa rin ang maputi niyang balahibo, ang mga buntot niya na tila nagsasayawan, at ang ginto niyang mga mata.
“Ano nga palang dahilan at pinunta mo ako dito?” Tanong ko sa kaniya habang nililibot ang aking paningin.
“Gusto lang kitang makita. Ang iba ay na sa kanilang mga tahanan na at paniguradong natutulog. Pero sina Zephyr, Sarafina at Titiana ay makikita at makakasama mo na bukas,” sabi niya at umupo. Natuwa naman ako dahil sa nalaman.
“Mabuti naman kung gano’n! Excited na akong makita sila, Arang! Sana kayo rin, makasama ko minsan—madalas,” sabi ko at ginaya siyang umupo sa damuhan. Suot ko pa naman ang pantulog ko.
“Princess, it’s up to you… we’re just waiting to be called but we also wanted you to be safe,” he said as the cold breeze touch my skin. He’s towering over me since his size is not ordinary.
“I know…” I told him. “Siya nga pala, pwede bang patulong naman ako?” Saad ko and even use my puppy eyes which made him chuckle.
“Anything for my Princess,” I grinned because of his answer.
Nilabas ko naman ang gold pin na galing sa academy at dito matutukoy kung saan ka nabibilang na section, kanina ng hawakan ko ito ay umilaw siya, at lumabas ay letter A, means Alphas. Violet ang letter A at gold naman ang bilog na pin.
“Can you change it into letter B, please? I wanted to be put in Betas… I don’t want to be put in Alphas,” sabi ko sa nagmamakaawang boses habang nakaharap sa kaniya ang pin.
“Dahil ba na sa Alphas siya kabilang kaya mo gustong mapalitan? Betas, dahil gusto mo siyang makasama?” Tanong niya sa akin na ikina-buntong-hininga ko naman.
Alam nila ang issue about sa bagay na ‘yon dahil sa kanila ako madalas na nag-o-open about sa buhay ko. Tumango na lang ako at ngumiti ng nagpapaawa. Maya-maya pa ay napabuga na lang siya ng hangin na ikinasaya ko.
Yes! I won!
***
BINABASA MO ANG
Lumina Academy: Light and Shadow (Realm Series #1)
FantasiRealm Series #1 Lumina Academy: Light and Shadow She's holding the most powerful guardians--the summoner of supreme guardians. She's the person that they've been waiting for--for she is the summoner of all-powerful guardians who will help the immort...