Chapter 48: Partners

18.4K 664 51
                                    

Chapter 48: First Night
 
“Two-person each tent and I will let you find your partner—girl or boy, you decide,” napataas naman ang kilay ko dahil sa narinig mula kay Sir Ali ngunit seryoso siya kaya wala ng nagawa pa ang mga estudyante kung ‘di ang sundin siya.
 
They started to look for their partner kaya tumingin naman ako kay Gwen pero bigla na lang siyang nilapitan ni Kaizer at inakbayan kaya tumingin ako kay Gen pero napatigil ako dahil nakita ko na lang siya na nakikipagtalo kay Chris na mukha namang sayang-saya.
 
Narinig ko pa ngang ayaw ni Gen na maka-partner ito pero wala na siyang nagawa pa. Then I turn to Rielle but I just can’t help but pout when Jacob suddenly pulled Rielle closer to him. He caught me looking at them that’s why he mouthed ‘sorry’ na sinagot ko lamang ng okay sign.
 
Isa na lang ang pag-asa ko kaya tumingin naman ako kay Oddie pero na kita ko na lang na magkausap sila ni Azriel kaya tuluyan na akong napasimangot. Dalawa na lang ang pagpipilian ko, either si Kuya Logan o kaya naman ay si Lucas kaya naman lumingon ako sa kanila at pupuntahan ko na sana sila ng bigla na lang may pumulupot na kamay sa bewang ko at hinila palalapit dito.
 
“Where do you think you’re going, huh?”
 
Nakasimangot naman akong napalingon kay Aiden at nakita siyang nakataas ang kilay habang nakatingin rin sa akin. Simula ng hindi ko na siya iniiwasan at napansin niya ‘yon ay balik na naman siya sa paglapit sa akin. Wala naman akong pinagsisisihan—baka nga pagsisihan ko pa kapag patuloy ko siyang iwasan.
 
“Maghahanap ng ka-partner,” sagot ko habang nakasimangot pa rin but he looks at me flatly which made me frown.
 
Ano na naman bang problema ng lalaking ‘to?
 
“You don’t have to look for a partner anymore,” saad niya bago ngumisi.
 
“And why is that?” Taas kilay kong tanong na lalo niya namang ikinangisi.
 
“Because I will be your partner, whether you like it or not,” sagot naman niya habang nakangisi pa rin na ikinalaki ng mga mata ko. 
 
Magre-reklamo pa sana ako ng bigla na lang nagsalita si Sir Ali kaya nabaling ang atensyon namin sa kaniya. “If you already chose your partner in this whole camping, then pwede na kayong magtayo ng tent,” wika niya bago siya naglakad papunta sa tambayan ng mga teachers and staffs. Anim ang kasamang staffs at tatlo naman ang teachers na nandito. Hindi ko nga lang sila kilala dahil ngayon ko lang sila nakita, pero yung isang teacher, familiar siya sa akin.
 
Binitawan naman ako ni Aiden at kinuha ang tent na dala niya. Alam ko namang magtayo ng ganiyan kaya makatutulong ako sa kaniya. Lumapit ako at kinuha ang mga stick at pinagduktong-duktong ito but he suddenly spoke which stopped me from what am I doing.
 
“Just sit there, just let me do this alone,” rinig kong wika niya kaya napalingon ako sa kaniya at bahagya siyang nginitian.
 
“No, I won’t follow you. Alam ko naman ito, eh. Tutulungan kita,” wika ko at nagpatuloy sa ginagawa at ang tanging nagawa na lamang niya ay ang umiling at hayaan ako.
 
Tinulungan ko siya sa pagtayo ng tent at tahimik lamang kami—tahimik niya rin akong nilalandi. Nang matapos na kami sa pagtatayo ng tent ay sinabi niyang siya na daw ang mag-aayos ng loob kaya hinayaan ko na siya na gawin ‘yon dahil pakiramdam ko ay hindi siya magpapatalo sa akin kaya naman imbes na panuorin siya ay napagpasyahan kong puntahan muna sina Rielle.
 
“Aiden, punta lang ako kina Rielle,” paalam ko habang inaayos niya ang loob.
 
Nilingon niya naman ako at pansamantalang tumigil sa pag-aayos. “Okay. I will just going to call you when I’m done fixing our bed,” ramdam ko ang pagpula ng pisngi ko dahil sa huli niyang sinabi, lalo naman ng makita ko ang ngisi niya sa labi. “Baby, you’re blushing again,” puna niya kaya agad-agad akong umiwas ng tingin at mabilisang tumayo.
 
“Hmp! Diyan ka na nga!” Tanging nai-wika ko na lamang bago nagmamartsang umalis. Narinig ko pa ang tawa niya bago ako tuluyang makalayo sa kaniya na ikina-iling ko lamang.
 
Our campsite is surrounded by pine trees and other magical trees. Dahil na sa gubat kami ay rinig na rinig namin ang tunog ng kalikasan and even the howls of the wild animals. But like what Sir Ali said, we are safe here in this mountain but to make sure, they put a barrier in the whole camp.
 
Bahala ka na sa buhay mo kung makalagpas ka man sa barrier. Though, I’m just wondering on how our task will work. Mahirap kaya ‘yon? Wala naman kasing kinu-kwento sina Rielle sa akin, eh. Pero baka kay Aiden ko na lang itanong.
 
Hinanap ko naman ang mga prinsesa at nakita ko naman sila—bukod kay Gwenny ay nakaupo ang tatlo sa malaking bato kaya patakbo akong lumapit sa kanila. Hindi naman kami malayo kaya hindi kami mapagagalitan. Tsaka, mayroon ding iilang mga estudyante ang nandito.
 
“Ang tagal mo naman, Lars!” Pambungad ni Rielle na ikinibit-balikat ko lang. Tumabi naman ako kay Gen habang nakatayo sa aming harapan si Gwen.
 
“Oh, ano na, Ingrid? Ano ng nangyari sa dare namin sa ‘yo?” Taas kilay naman na tanong ni Gwen kay Gen na katabi ko.
 
Lumabi muna si Gen bago sumagot,” Umm… na sa second stage na ‘ko,” panimula niya. “Ewan ko pero, parang napapansin na niyang may gusto ako sa kaniya…” pagpapatuloy niya gamit ang mahinang boses kaya pagkakataon ko na para ako naman ang mang-asar. Pero syempre, hindi ako nagsalita. 
 
“Ay sus! Umamin ka na kasi para umamin na rin siya!” Pangtutulak naman ni Oddie dito at tumawa pa talaga.
 
“Kaya nga! Para magka-love life ka na rin!” Dagdag pa ni Gwenny at tila nabasa naman ni Rielle ang kislap sa mata nito.
 
“Hoy, Gwenny! Huwag kang madaldal diyan! Madali mo lang ‘yan nasasabi dahil palibhasa, nililigawan ka na ni Kaizer!” Wika naman ni Rielle na nakasimangot na ngayon.
 
Ngumisi naman si Gwen bago nag-flip hair. “Duuh! Kami na kaya!” Bigla namang nanlaki ang mga mata namin dahil sa rebelasyon niya.
 
“Gago! Totoo?!” Hindi makapaniwalang tanong ni Oddie dito habang nanlalaki pa ang mga mata. Tumango naman si Gweb bilang sagot habang mayroong ngiti sa kaniyang labi. “Gago! Parang kailan lang ng sabihin mong nanliligaw siya sa ‘yo, ah?!” Hindi pa rin makapaniwala si Oddie. Kahit naman kami ay gano’n din.
 
“Kailan mo naman siya sinagot?” Sunod namang tanong ni Gen dito and curiosity was visible in her face.
 
“Kahapon lang,” sagot naman ni Gwen at nakaani siya ng iba’t ibang reaksyon mula sa amin.
 
“Did Kaizer seduce you or what para lang mapasagot ka? Because as far as I can remember, you keep telling me that if ever the guy you like will court you, pahihirapan mo muna bago maging kayo, so, what happened?” Takang tanong ni Rielle kay Gwen na kaagad namang sumagot.
 
“Well, my dear Rielle, I just realized na dapat ang relasyon ang pinatatagal pero dipende pa rin ‘yon sa babae. In my case, gusto ko lang na maging kami na ni Kaizer kahit ilang araw pa lang siyang nanliligaw. I wanted to make it official already dahil do’n din naman ang punta no’n,” sagot niya bago nagkibit-balikat habang kami naman ay napatango-tango.
 
“Eh, ikaw naman, Rielle? Kamusta naman kayo ni Jacob?” Tanong naman bigla ni Gen kay Rielle kaya lahat kami ay tumingin sa kaniya.
 
Talagang dito pa namin naisipang pag-usapan ang bagay na ‘yan. Pero malayo naman kami at mahina lang ang pag-uusap—the reason why we are confident that no one can hear what we are talking about.
 
“Hmm… Jake and I already know that there will be a chance that our family will arrange us in marriage and we can’t do anything but accept that. Though, I don’t know if he has feelings for me—hindi ko alam kung napipilitan lang ba siya o ano…” Rielle answered and sadness was laced in her tone kaya nagkatinginan kami.
 
“Manhid ka lang, ‘no! Kayaga ni Lara!” Nalukot naman ang aking mukha dahil sa winika ni Odette. “Halatang-halata na namin, pero kayo?! Sarap niyong pag-umpugin, eh! Isama mo pa ‘yang kakambal mong babae ka!” Tinignan naman namin ng hindi makapaniwala si Oddie dahil sa kaniyang winika.
 
“Uy, ‘te! May pinagdadaanan lang?” Gusto ko namang matawa dahil sa winika ni Gwen, lalo na ng makita ko ang kaniyang ekspresyon habang nakatingin kay Odette.
 
“Hmmm…” Rielle looks at her teasingly. “Can’t my twin see how much you like him?” She teased which made Odette roll her eyes because of annoyance.
 
“Oo! Gago ‘yon! Magkambal nga kayong dalawa! Kahit yata maghubad ako sa harapan niya, wala pa rin siyang pake! Maghahanap na nga ako ng iba! Hmp!” Odette’s face was crumpled and she was close to stomp her feet on the grass but because of her face and what she said, we can’t help but laugh. But we are interrupted when we heard Jacob’s voice.
 
“Hoy! Anong maghahanap ng iba ‘yang naririnig namin, ha?!”
 
Nanlaki naman ang aming mga mata at ng tingnan namin kung saan galing ang boses ni Jacob ay halos mawalan naman kami ng dugo dahil ang mga lalaking pinag-uusapan lang namin ay nakatayo at nakatingin sa amin habang naniningkit ang kanilang mga mata. They are standing meters away from us and we are starting to be bothered dahil baka narinig nila ang pinag-uusapan namin.
 
“K-Kanina pa ba kayo d-diyan…?” Kinakabahang tanong ni Rielle na lalo namang ikina-singkit ng kanilang mga mata.
 
“Oh? Bakit tila kinakabahan ka, Princess Arielle?” Jacob was looking at Rielle suspiciously—they are looking at us suspiciously and I don’t want to look at the prince of fire who was currently looking at me.
 
“Mga tsismosong mga prinsepe na ‘to!” Rinig kong saad ni Gwen and she was now looking at the princes while raising her eyebrows. “We’re just talking about what we will do next after this camping and we decided to hunt handsome and hot men!” She grinned and sound excited while her eyes were like dreaming.
 
Tila nakuha naman namin ang kaniyang gustong iparating ngunit ramdam kong kapahamakan din ang dulot no’n sa amin. But then, these princesses agreed to her and all I can do is sigh before shaking my head.
 
“THE FUCK?!”
 
Muli na naman akong bumuntong-hininga, lalo na ng marinig ko ang sunod na sinabi ni Gwen at oo, siya ulit. “Ay, o bakit?!” Mataray niyang tiningnan ang mga prinsepe na hindi maipinta ang mga mukha ngayon. “Kapag ba nagka-club kayo, pinipigilan namin kayo?! Hindi naman, ah!” Dahil sa winika ng prinsesa ay napanganga na lamang ang mga prinsepe.
 
Issue na naman po ito…
 
***
 
Katatapos lang naming kumain lahat at sinabi ni Sir Ali at Ma’am Janine ay pwede na kaming matulog at magpahinga para bukas ay gagawin na namin ang searching operation namin and I am already expecting a very tiring day for tomorrow.
 
But for tonight, I can’t help but feel nervous dahil first time kong matutulog na mayroong katabing isang lalaki. Hindi naman mabibilang ang pagtabi ko kay Aiden ng lasing siya, eh, that’s I was feeling embarrassed right now and I don’t know what to do.
 
Pero ramdam kong nangangati at amoy pawis rin ako. Nakahihiya naman sa katabi ko kung ganito ako tatabi sa kaniya kaya naman pinuntahan ko ang mga prinsesa at sasabihing maghanap kami ng batis o kahit na ano basta makapaglinis kami mg katawan.
 
Alam ko namang gano’n din ang gusto nila dahil makatatabi rin nila ang mga prinsepe sa pagtulog. When we asked permission to the teachers, sinabi nilang mayroong malapit na batis dito sa campsite and Rielle confirmed it.
 
“Ano ba naman ‘yan! Kung bakit ba kasi si Chris pa ang katabi ko!” Lahat naman kami ay natawa na lamang dahil sa sinabi ni Gen at kitang nakasimangot ang kaniyang mukha.
 
“Kaya nga, eh. This would be my first time sleeping beside a man,” sunod namang wika ni Rielle at bahagya pang ngumuso habang patuloy lamang kami sa paglalakad.
 
“Ano ba kayo! Isipin niyo na lang ‘to na blessing in disguise para masanay na tayong may katabing lalaki! This is for our future too!” Singit naman ni Gwen na inaayos ang toiletries niya habang naglalakad pa rin.
 
“Oo nga! Tutal, sila na rin naman ang mga mapangangasawa natin,” segunda naman ni Oddie kaya hindi namin mapigilang taasan siya ng kilay.
 
“‘Di ka sure…” nagdududang wika ni Gen.
 
“We’re still young, ‘no! You don’t know what will happen in the future. Mamaya… hindi pala sila ang para sa atin…” nakangusong wika naman ni Rielle habang nakatungo siya.
 
“Indeed.”
 
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makita na nga namin ang batis kaya mabilis na kaming kumilos. Madilim na at tanging ang liwanag lamang ng buwan ang nagsisilbing liwanag namin. Lumusong na rin ako habang suot ko ang cycling at sports bra ko at gano’n din sila.
 
Nanindig naman ang balahibo ko dahil sa lamig ng tubig but we enjoyed it. It was refreshing and as long as we wanted to stay there longer, we just can’t. Umahon na kami at nagbihis and we used our power for our privacy.
 
Mabilis din kaming natapos at pagbalik namin sa campsite ay unang bumungad sa amin ang mga prinsepe—ang iba ay nakasandal sa puno, meron ding nakaupo sa damuhan na halatang mayroong hinihintay at kami ‘yon.
 
Nang makita na nila kami ay kaagad silang umayos ng tayo at tinignan kami ng masama. Pansin ko namang wala ang magkapatid at baka kasama pa nila si Sir Ali na tinawag sila kanina after naming mag-dinner.
 
“At saan kayo galing?” Taas kilay na tanong ni Jake pero nakatingin lamang siya kay Rielle.
 
They are all looking at us sharply and we already know the reason why. Nang tignan ko naman si Aiden ay nakita siyang nakatingin sa akin ng masama kaya napanguso na lamang ako.
 
“Naligo lang naman kam—”
 
“Naligo?! Nang kayo-kayo lang?! Paano kung may nangyaring masama sa inyo, huh?” Putol ni Jake sa iba pang sasabihin ni Rielle. Halata ang inis sa boses nito habang nakatingin kay Rielle na ngumuso na ngayon.
 
“Sana sinabi mong gusto niyo ring sumabay, ‘no!” Sagot naman pabalik ni Rielle na lalong ikinasama ng tingin sa kaniya ni Jake.
 
“Boys, boys… relax, will you?!” Gwen put her hands in her hips while she was looking at the princes. “Malapit lang naman ang batis, ah! And as you can see, we’re safe!” Dadag pa niya at nilahad pa talaga ang kamay sa amin na ikina-iling ko na lamang ng palihim.
 
“We can handle ourselves, okay?” Oddie even scoffed at them. “Kung ako sa inyo, maligo rin kayo!” Pagtataray pa niya na ikina-tango naman naming mga prinsesa bilang sang-ayon.
 
“Fresh na fresh kami tapos kayo, hindi?! Sa labas kaya kayo ng tent matulog?!” Dagdag pa ni Gwen bago kami niyayang umalis at iniwan ang mga lalaking napailing-iling na lamang ngunit maya-maya pa ay humabol sila sa amin at sinabi pang naligo na sila hanggang sa magtungo na kami sa kaniya-kaniya naming mga tent.
 
Tahimik lang kaming naglalakad at pansin kong tulog na ang karamihan sa mga Betas. Nang tignan ko naman ang tent nila Kuya Logan at Lucas dahil nadaanan namin ito ay napansin kong nakasarado na ito at baka tulog na rin sila. Hanggang sa makarating na kami sa tent namin at bigla naman niyang inagaw sa akin ang mga hawak ko at nilagay sa isa pang-tent na walang laman kung ‘di ang ibang gamit lang namin.
 
“Go inside. You’ll catch a cold.”
 
Pumasok na ako sa loob ng tent at hinintay siya. Buti na lang at mayroon akong dalang bag para sa toiletries ko at para sa basa at madumi kong damit. When I’m already inside, napatigil na lamang ako ng mapagmasdan ko ang paligid.
 
Napansin ko namang pink ang blanket at malambot ito—teka, foam yata ito, eh! Tapos mula sa unan hanggang sa kumot ay color pink rin kaya hindi ko mapigilang mapangiti, lalo na at mayroon itong design na strawberries kaya hindi ko mapigilang mag-crave but I already brushed my teeth kaya bukas na lang.
 
Sa totoo lang, wala talaga akong dala ni isa dito, ang dinala ko lang ay unan na hugis strawberry pa—‘yon lang at wala ng iba. Sabi kasi ni Gen ay pahihiramin niya na lang ako pero hindi na ako nanghiram pa dahil nakalimutan ko dahil sa lalaking makatatabi ko ngayong gabi at sa mga susunod pang mga gabi na pananatili namin dito.
 
But I didn’t expect that Aiden has this kind of… you know. Everything was color pink and my eyes are twinkling because of what I am seeing! Umupo ako at inayos ang hihigaan ko. Nandito na rin ang dala kong unan at dahil may unan pa dito ay gagawin ko na lamang itong dantayan.
 
Umupo ako at sinuklay ang buhok ko gamit ang kamay. I double check my things earlier pero nakalimutan ko pa rin ang suklay ko na kayang patuyuin ang buhok ko. It was a magical comb—it can dry your wet hair, straighten it or even curl. It was all in one, however, I forgot mine.
 
Hindi ko pa naman gustong natutulog na basa ang buhok. It’s just simply irritates me and it feels uncomfortable. Nagpatuloy ako sa ginagawa hanggang sa may maramdaman na lang akong sumusuklay sa buhok ko kaya napatigil ako. 
 
“Let me dry your hair,” rinig kong wika ni Aiden habang patuloy lang sa pagsuklay ng buhok ko.
 
He was behind me and he was combing my hair gently which makes me feel sleepy. Ang gaan ng pagkaka-suklay niya sa buhok ko and I can feel that it was a magical comb that’s why in just no time, my hair was already dry but I don’t want him to stop from combing my hair.
 
It felt so good… it felt relaxing that I can’t help but feel sleepy. Napahikab pa ako at napapikit-pikit pa dahil inaantok na talaga ako and I just shamelessly lean in his chest na ikinatigil naman siya until I felt him kissed my temple.
 
“Just sleep, baby,” his baritone voice was gentle and it was pulling me to feel asleep.
 
You keep on calling me that endearment, being sweet to me, and kissing me but you haven’t told me what am I to you…
 
“Aiden…” pagtawag ko sa kaniya gamit ang inaantok na boses habang papikit-pikit na dahil sa antok.
 
“Hmm?”
 
I wanted to tell him those words but I have no strength to speak. “Let’s sleep…” saad ko na lang kaya umayos na kami ng higa.
 
Tumagilid ako paharap sa kaniya at nakitang nakaharap din pala siya sa akin. Siya ang malapit sa pinto ng tent na nakasara na ngayon. Ramdam ko ang lamig ng paligid dahil na sa mataas kaming bahagi but because of this prince’s warmth, the cold never bothering me.
 
Inayos niya naman ang pagkaka-kumot ko bago ako sumiksik sa kaniyang katawan. I closed my eyes but minutes later, naramdaman ko na lang na pina-unan niya ako sa kaniyang braso at hinila pa lalo sa kaniya and I felt comfortable being caged in his arms.
 
“Sleep tight,” he whispered in my ears.
 
Napangiti naman ako ng palihim, lalo na ng maramdaman ko ang isang kamay niyang sumusuklay na naman sa buhok ko and before I fell asleep, I still felt him kissed my forehead before whispering the words that I didn’t expect him to say.
 
“I love you, soon to be Mrs. Smith.”
 
***

Lumina Academy: Light and Shadow (Realm Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon