Author’s Note:
Photo not mine. Credits to the real owner.This is for the readers who already read Lumina Academy before I started revising it and decided to re-read it, gusto ko lang linawin sa inyo na may pagbabago bawat chapters pero gano’n pa rin ang flow ng kwento. May pagbabago lang o kaya naman may mga nadagdag.
Anyways, Enjoy Reading!
***
Chapter 1: Into The Mortal World
I’m staring at myself in the mirror while combing my hair. Black straight long hair, pointed nose, thick and long eyelashes, natural pinkish lips, and last, golden-brown eyes.
Nabalik naman ako sa reyalidad nang may marinig akong katok sa pinto ng kwarto ko at narinig ko ang boses ni Mimi mula sa labas.
“Hopie, sweetie, are you done? Breakfast is ready,” Mimi said at the back of my door. Her voice is very sweet and it always calms me.
“Yes, Mi. Palabas na po!” Sigaw ko naman pabalik at sa huling pagkakataon ay sinulyapan ko ang aking suot na uniform ng school na pinapasukan ko.
Isa itong white long sleeve blouse at tuck in ang skirt kong kulay navy blue na hanggang hita ko ang haba nito na may white linings sa ibaba, at ang ribbon kong navy blue at bawat parte ng dulo nito ay may white linings rin.
Kinuha ko na ang bag ko sa ibabaw ng study table ko bago ako bumaba. Pagkababa ko naman ay agad akong binati ni Nana Mina habang nagka-kape siya sa sala. Sabi ni Mimi, magkaibigan daw sila ni Nana pero ang turingan nila ay parang magkapatid na, you know, not sisters in blood but in heart.
“Morning, Lara,” Nana Mina greeted me while smiling. She looks radiant today and she is beautiful like my Mimi pero walang asawa o boyfriend.
Natawa naman ako sa naisip ko. Nakaka-stress daw kasi kapag merong asawa, which I think she’s just bitter o kaya naman, wala talaga siyang balak magkaroon ng asawa o boyfriend. But, let’s see. She’s an immortal after all.
“Morning, Nana,” I also greeted her and smiled back. Silang dalawa lang ni Mimi ang kasama ko sa bahay. Sabi niya, tawagin ko daw siyang Nana para daw unique dahil ayaw niya ng Tita.
Pagkadating ko naman sa kusina ay nakita ko kaagad si Mimi na naghahanda ng umagahan sa lamesa. Nang makita niya ako ay nginitian niya ako kaya napangiti ako lalo.
I really looked like her.
“Morning, Mi,” bati ko at hinalikan siya sa pisngi.
“Good morning, my Princess,” saad niya sabay halik rin sa pisngi ko. Nakarinig naman ako ng yapak ng paa kaya napalingon ako do’n at nakita si Nana na naglalakad papalapit sa aming mag-ina.
“Hey, upo ka na Hopie at kakain na tayo,” sabi niya na ipinagtaka ko and gave her a weird look.
“Huh? I thought you’re on diet, Nana? What happened?” Takang tanong ko sabay upo at sandok na rin ng sinangag at ulam.
Dahil sa naging tanong ko ay narinig ko naman ang tawa ni Mimi na nasa tabi ko na at nakaupo na rin. She poured milk on my glass before she spoke.
“You know your Nana, sweetie, she can’t say no when it comes to foods,” Mimi said while grinning and teasing my Nana. Dahil sa sinabi ni Mimi ay natawa naman ako ng mahina.
Well, that’s true, kinakain niya lang ang sinasabi niyang magda-diet siya. Ewan ba diyan, ang sexy na nga, magda-diet pa.
“Shut up, you two. Kumain na lang kayo,” sabi na lang ni Nana na parang napipikon na dahilan ng mapatawa kami ng sabay ni Mimi.
After that, we didn’t talk again and eat our breakfast in silence. Mabilis lang kaming kumain at pagkatapos kong kumain at nagpahinga konti ay nagpaalam na rin ako sa kanilang papasok na.
“Bye, Mi. Bye, Nana,” paalam ko habang papalabas ng gate habang kumakaway sa kanila.
Walking distance lang naman ang school ko, eh. Hindi naman problema sa akin ang maglakad, sanay na rin naman ako. At saka, maaga pa naman kaua hindi ko kailangang magmadali.
Pagkadating ko sa school ay nakilala naman kaagad ako ng school guard na si Kuya Mael at tulad ng dati ay magiliw akong binati na nakasanayan ko na rin.
“Good morning, Ms. Watson!” Nakangiti sa akin ng malawak si Kuya Mael at sinuklian ko rin ng isang ngiti. Matanda na siya at halata na ang kulubot niya sa katawan pero malakas pa naman siya.
“Morning din po,” bati ko pabalik habang nakangiti pa rin sa kaniya bago ako nagpaalam na papasok na sa loob.
Ewan ko ba, sa dinami-dami ng estudyante dito, ako pa ang palagi niyang binabati pero wala naman akong chance para magtanong sa kaniya kung bakit. Hayaan ko na lang and besides, it’s not bad at all.
Pagkadaan ko sa hallway ay madaming napapatingin sa aking mga estudyante na akala mo’y kilala nila akong lahat. Sino nga pa lang hindi? Ikaw ba namang taguriang isang—hindi naman natuloy ang iniisip ko ng bigla na lamang ako nakarinig ng sigaw.
“ANG CAMPUS PRINCESS!” Bumuntong-hininga na lamang ako dahil sa narinig. No wonder why students keep staring at me.
Buhay pa kaya kung sino man ang nagbigay ng title sa akin niyan dito sa school na ‘to? Wala naman akong maalala para maging isang Campus Princess, eh. But I think, that’s because of my looks that make them give that title to me.
Am I sounds boastful? Well, to be honest, I do have looks kaya kahit anong gawin kong pagpapanatiling hindi makilala o mapansin ay hindi ako nagtatagumpay. I just wanted to be invisible or unknown here but my looks didn’t let me.
Hays.
Pagkatapos isigaw ng babaeng ‘yon kung sino ako ay dumami ang mga estudyante na para bang may artistang dumating. Though, hindi nga sila nagsisigawan pero makikita mo sa mga mata nila ang pagkamangha, saya, pero yung iba, galit, or maybe inggit? I don’t know, and I don’t care, though.
May naririnig akong bulungan, pero hindi ko na lang pinansin ‘yon dahil baka ma-late pa ‘ko. Hindi ko na lang binigyan pansin ‘yon at nagpatuloy na lang sa paglalakad while trying to hide my face.
Hindi sila nagsisi-sigaw dahil bibigyan sila ng yellow card. Yellow card means, bawas sa grade mo once na nilabag mo ang rules ng school o kaya naman binastos mo ang mga teachers. Pero ang iba, pinipigilan nila ang pagtili nila. Buti nga at hindi nahuli ‘yong babae kanina na sumigaw. Lucky her.
Napabuntong-hininga na lang ako at niyuko pa lalo ang ulo ko para maitago ang aking mukha. Inakyat ko naman ang 3rd floor kung saan ang classroom ko at binilisan ko ang paglalakad. Pagkarating ko at pagkabukas ko ng pinto ay lahat ng na sa loob ng classroom ay napatingin akin at binati ako kaya gano’n din ang ginawa ko.
Dumiretso naman ako sa upuan ko pagkatapos ko silang batiin at nagtungo sa pinakalikod na nasa tabi ng bintana at nakinig na lang muna sa music habang hinihintay ang klase. My classmates are also chitchatting just to buy time while waiting for our teacher for the first subject.
You see, I’m aloof towards my classmates because I have reasons. I keep my distance myself because I’m different and I’m aware of that. I just couldn’t hang out with them because I am also scared that I might hurt them once I can not control myself… the thing that inside of me that any human or mortal do not possess.
And that thing is my secret.
I’m currently studying here at S.A—Stanford Academy, as a grade 12 student. Our school is very huge and very exclusive. Nahahati sa dalawa ang Academy at walang nakakaalam sa isa pang bahagi ng Academy dahil ni isa ay wala pang nakakapasok do’n. Rumors said that, only super—as in super brainy student lang ang nag-aaral do’n.
We’re curious though but we can’t do anything to solve our curiosity that’s why we just let that thing. But for me, half of this school is not just normal. It is not a school that others were expecting. It is more than we expected however, the Principal was good at hiding.
That’s a good thing though. This is not our world so better be careful.
Bigla namang bumukas ang pinto kaya napatingin ako do’n at nakita ang teacher namin ngayon sa English. Sa totoo lang ay lagi siyang hyper at parang hindi nauubusan ng energy kaya masaya lagi ang klase pero kahit na gano’n, inaantok pa rin ako, ang tagal naman kasi ng oras.
I wanted to sleep but it is against the rule. You see, I am trying to be a good student here kaya pinilit ko na lang na makinig habang nilalabanan ang antok para hindi ako makatulog.
***
5:20 P.M
Palabas na ‘ko ngayon sa classroom namin at pauwi na. I saw my classmates walking while talking with their friends while I’m still alone. I’m thankful that they didn’t find me weird because I have no friends and no plan to have.
Gaya nga ng sinabi ko, I’m keeping myself away from other people because I’m different from them. I don’t want to scare them and I don’t have an intention to do that. I don’t want to cause trouble.
Although, I do have friends—and they are just like me.
I’m quite one at tipid magsalita, hindi sa cold ako at masungit, ganito lang talaga na tahimik ako at mas gusto kong na sa isang sulok na tahimik lang. I’m the type of girl that wants to be alone and prefers to be in quiet places.
Ngumingiti naman ako sa mga kakilala ko pero kapag hindi ko kilala—malamang hindi, but I’m not a cold person, makakakita ka naman ng emosyon sa akin—kung ka-close kita o kaya naman ay komportable ako sa isang tao.
I also love sleeping that’s why I’m not a morning person. Bilib nga ako sa sarili ko dahil nagigising pa ako ng maaga sa tuwing papasok ako sa school.
Pagkadating ko sa bahay ay agad kong hinanap si Mimi at Nana kaya naman pasigaw ko silang tinawag ng hindi ko sila nakita sa buong bahay.
Unless…
“Mimi! Nana! I’M HOME!” Sigaw ko pero narinig ko na lang sila sa training room kaya agad akong pumunta sa ground floor para makita kung ano’ng ginagawa nila dahilan ng pagkatigil ko.
MY. HOPE!
Naloko na. Grabe talaga itong dalawa! Kung mag-training, akala mo kalaban nila ang isa’t-isa. Halos masira na nga ang na sa paligid nila, eh. Training pa lang ‘yan, ha, pa ano pa kaya kung totohanan na?
“Talaga naman…” tanging nai-wika ko na lamang habang pinagmamasdan sila.
Sabog dito, sabog do’n—iba-ibang parte ng training room ang nasasabugan dahil sa mga gawa nila. Buti na lang at matibay ang training room at walang makakarinig na kahit sino pa dahil nababalutan ng mahika ang buong bahay namin.
These ladies…
Hindi ba nila nararamdaman ang presensiya ko? Ganiyan na ba talaga ka seryoso ang training nila? O talagang magpapatayan na sila?
Bumuntong-hininga na lang ako at binaba na lang ang bag ko sa gilid at tuluyan ng pumasok sa loob. Habang pinapanood ko silang mag-training ay ‘di ko mapigilan ang sarili kong mamangha sa nakikita.
They are really good at fighting and using their weapons. Wala pa silang ginagamit na kapangyarihan niyan but heck, they are already dead when it comes to hand-to-hand combat. Halatang sanay na sanay na sila.
Yes. We have powers—we’re not ordinary people unlike the others here in Mortal World. Kaya lang naman nandito kami sa Mortal World kasi sabi ni Mimi ay vacation daw nila ni Nana. Vacation, pero matagal na silang nakatira dito sa Mortal World at sabi pa ni Mimi sa akin ay baby pa lang daw ako ng pumunta na sila dito ni Nana.
Bigla na lang silang tumigil at hingal na hingal na humarap sa isa’t-isa. Habang nagtiti-tigan ay nakita ko si Nana na gumagawa ng air spikes dahil nakaharap siya sa akin habang si Mimi naman ay nakatalikod kaya hindi ko makita kung napansin niya ba ito o hindi, but knowing my Mimi, mautak din ang isang ito. She shouldn’t be underestimated.
Nang ihagis ni Nana ang air spikes niya kay Mimi ay bigla na lang siyang nawala and yeah, she used her teleportation ability. At dahil naiwasan ni Mimi ang air spikes, for sure sa akin patungo ito.
So, they are now using their powers, huh? Interesting.
Dahil mabilis ang reflexes ko ay naiwasan ko ito lahat, hanggang sa napansin ko na lang si Mimi na nasa gilid na ni Nana at nakita kong nakatingin na pala sila sa akin.
This is bad. I swear…
Nagkatinginan muna sila bago ngumisi ng nakakaloko. May mali akong nararamdaman and those eye contact doesn’t new to me.
Sabi na nga ba, eh.
Nagkatitigan muna sila ulit bago sabay na napatingin akin at sabay ding sumugod using their swords that’s why I also summoned my sword at kasabay no’n ay ang pagsugod nilang dalawa sa direksyon ko.
Nagawa ko namang iharang ang aking espada sa aking harapan at sa pagbungguan ng aming mga espada ay buong pwersa ko silang tinulak gamit ang espadang nakaharang sa aking harapan dahilan upang mapaurong sila.
Gumawa naman ng ice tornado si Mimi, together with Nana’s air spikes that made my eyebrows raised. Eh? They said, this technique is powerful pero kailangan nakokontrol mo na ng maayos ang iyong kapangyarihan bago mo ito magawa.
And because they trained me too well, tinitigan ko lang ang ginawa ni Mimi na ice tornado together with Nana’s airstrikes, bigla na lang nawala ang mga ito ng parang bula at pinigilan ko namang matawa dahil sa biglang naalala.
Matanda na sila, mga makakalimutin na. Sila na nga ang nagsabing kaya kong mapawalang-bisa ang kapangyarihan ng kalaban ko kung gugustuhin ko man dahil isa iyon sa mga kaya kong gawin.
Bilhan ko kaya sila ng memo plus gold? Tatalab kaya? HAHAHA!
“What the?!” Nana can’t help but shout while her eyes are wide open.
“Tss. I forgot. Kaya mo pa lang gawin ‘on,” Mimi said habang umiiling.
See? I told you, matanda na talaga sila.
“AT SINONG MATANDA?!” Sabay pa talaga nilang tanong na ikinangiwi ko na lamang.
Uh-oh.
Oo nga pala, nababasa nila ang isipan ko, masara na nga. Nag-imagine ako ng parang naglalagay ng harang sa aking isipan at nagtagumpay naman ako. I forgot to close my mind and how dare them read it?! Char! HAHAHA!
Tumawa naman ako bago nagsalita. “I’m telling the truth, Mimi and Nana. We are maybe immortals and our skin, body, or even face don’t age but we do age by numbers, okay?” Nakangiti kong wika na ikinairap na lamang nila kaya muli akong napatawa. “By the way, anong ganap, Mother and Auntie?” Hindi ko mapigilang tanong bago umupo sa lapag, gano’n din ang ginawa nila.
Using my power, I summoned bottled water and gave it to Mimi and Nana.
We can summon simple things like this that’s why I managed to get water. As long as alam mo kung saan ka kukuha ng bagay na pwede mong i-summon ay magagawa mo ‘to. ‘Yon nga lang, dapat malapit ka pa rin sa bagay na gusto mong i-summon.
Just like teleportation, you need to think first and you should know the place where you want to go before you can manage to go there. Though, it has limitations.
“We’re just practicing our powers, baka kasi nabulok na,” sabi ni Nana at natawa pa talaga, habang si Mimi naman ay umiinom na ng kaniyang tubig.
“Huh? Is that so?” I asked while looking at them intently. Para kasing may mali, eh. I can feel it.
“I know what you’re thinking, sweetie,” my Mimi said. She took a deep breath first before she spoke again. “To be the long story short, you already know the other world, right?” Tanong naman ni Mimi sa akin habang nakikinig lang si Nana sa amin.
Sabi na nga ba, eh, may iba pang dahilan kaya sila nagti-training.
“Yeah. You told me already about that. But… what’s the matter?” I asked while looking straight into my mother’s eyes. She took a heavy deep breath again before she answers me.
“The Academy sent a letter to us, sweetie, and the letter said, we need to go back to the Lumina Academy as soon as possible,” sabi ni Mimi na ikinalaki ng mga mata ko.
Huh? Why? Is this because Mimi is the Headmistress and Nana is one of the powerful teachers there? Napakunot na lang ang nuo ko sa naisip. Bakit kaya? Tapos na ba ang vacation nilang dalawa?
Must be.
“It’s because your mother—Lorraine—is the Headmistress and her vacation is over, means trabaho na naman,” this time, si Nana naman ang sumagot habang nakabusangot.
Hmm… I see.
“‘Nak, you need to transfer there. Hindi na rin tayo ligtas dito dahil madami ng Hybris Demons ang pakalat-kalat dito,” Mimi said in a serious tone but her eyes were worried.
Bakit ba hindi ako masanay-sanay kapag nagseseryoso si Mimi? I’m used to when she is very sweet, not like this. It makes me uncomfortable and she seems to notice it that’s why she took a deep breath and softened her face.
“Why so sudden?” I asked again. Naguguluhan ako dahil after seventeen years, ngayon lang naisipang magpadala ng letter ang Academy sa kanila.
O baka naman kasi bakasyon nila? Hay nako!
“Dahil kailangan na nating bumalik doon, honey. Para mahasa na rin ang iyong kapangyarihan,” Nana said and smiled at me.
A forced smile… and I didn’t like it.
“At magpaalam ka na rin sa kaniya…” napatigil naman si Nana sa pagsasalita na parang may naalala. “Oh! Oo nga pala, hindi rin siya ordinaryong tao,” humagikgik siya bago nagpatuloy. “At dahil may pagka-Madam Auring ang Nanay mo, nalaman niya lang naman na makikita na niya ang kaniyang pamilya at dahil diyan, no worries na dahil for sure, he will surely transfer in Lumina Academy too in no time!” Pagpapatuloy ni Nana habang may masayang ngiti sa labi.
But then, nagulat naman ako ng nakatanggap siya ng batok mula kay Mimi at sa tingin ko ay dahil ‘yon sa Madam Auring niyang sinabi. Napatawa naman ako dahil sumimangot ang mukha ni Nana habang hinihimas-himas ang ulo niya dahil sa pagbatok sa kaniya ni Mimi.
“Yeah. At kapag lumipat na tayo do’n, makikita mo na ulit siya,” Mimi said and they’re both gave me a sweet smile.
This time, it’s a genuine smile. Pero mukhang dalawa ang ibig sabihin ni Mimi na siya kaya patago naman akong napailing.
“Pwede po bang pag-isipan ko muna po?” Tanong ko sa kanilang dalawa. Alam ko namamg wala pa rin akong magagawa kahit na ayaw ko. Kailangan, eh.
Nagkatinginan naman muna sila bago tumango habang nakangiti pa rin. I smiled back as I look at them lovingly.
Salamat naman.
***
BINABASA MO ANG
Lumina Academy: Light and Shadow (Realm Series #1)
FantasíaRealm Series #1 Lumina Academy: Light and Shadow She's holding the most powerful guardians--the summoner of supreme guardians. She's the person that they've been waiting for--for she is the summoner of all-powerful guardians who will help the immort...