Chapter 3: Found You
Third Person’s Point Of View
“Inang Reyna, nahanap ko na po si Princess Jade,” magalang na saad ng matagal na niyang pinagkakatiwalaang kawal habang ito ay bahagyang nakayuko sa kaniya—tanda ng paggalang.
Iminuhestra naman niya ang kamay niya tanda na tumayo ito ng tuwid na sinunod naman kaagad ng huli. Hindi niya mapigilan ang pagkasabik at sayang nararamdaman dahil sa ibinalita nito sa kaniya dahil sa tagal ng panahong paghahanap sa panganay na anak ay ngayon lamang siya nagtagumpay.
“Talaga?! Kamusta na siya?! Babalik na ba siya dito?!” Sunod-sunod at sabik na sabik na tanong ng dating Reyna.
Kahit matanda na ay makikitaan pa rin ito ng hindi kumukupas na kagandahan. It is also because they are immortal and immortal means they are not getting old, pwera na lang kung gagamit sila ng mahika upang magmukha talaga sila kung ano ang kanilang edad.
“Opo, Inang Reyna. Natanggap na niya din po ang sulat na ipinadala ng Akademiya sa kaniya, kaya sigurado po ako na babalik na po sila kasama si Lady Romina ano mang oras,” magalang na sambit ng kawal na ipinadala niya sa mortal na mundo upang hanapin ang kaniyang panganay na anak, at hindi nga siya nagkamali dahil nahanap nga nito ang kaniyang anak—ang unang Prinsesa.
Nagtaka naman siya sa pangalang narinig niya bukod sa kaniyang anak.
“Romina? Kasama siya ng anak ko?” Nagtataka nitong tanong. Dahil sa pagkakatanda niya ay nag-iisa lang ang anak niyang umalis dito sa Magic World.
“Opo, Inang Reyna, at ang mas nakakagulat pa ay mayroon po siyang anak na babae na kamukhang-kamukha po niya at sa tingin ko po ay na sa labing-pito hanggang sa labing-walong taong gulang po ang dalaga,” sabi ng kawal dahilan ng pagkabigla niya sa mga nalaman.
‘May anak siya? Ngunit… Papaano? Idagdag pang na sa labing-pito hanggang sa labing-walo na taong gulang? Bakit kasing edad niya lang si Lucas? Paanong nangyari ‘yon? Sino ang ama? Nagkaroon na ba siya ng asawa?’
Ang daming katanungan ang bumubuo sa kaniyang isipan na wala ni-isang masagot, ngunit mayroong siyang kilalang isang imortal na pagkakatiwalaan ng kaniyang anak sa mga sikreto nito.
“Salamat, Amado. Ikinagagalak kong malaman na nahanap mo na sa wakas ang aking anak sa tagal ng panahon at dahil diyan, gagantimpalaan kita bilang isang pasasalamat,” saad ng dating Reyna na ikinayuko naman ng tinawag nitong Amado.
“Malugod ko po itong tatanggapin, Inang Reyna,” magalang naman na sagot nito.
“Bago ka lumisan ay nais kong tawagin mo si Cecelia,” sabi ng Inang Reyna kaya kaagad namang nagpaalam sa kaniya si Amado upang tawagin ang tinutukoy ng Inang Reyna.
Si Cecelia lamang ang nag-iisang imortal na alam niyang pagkakatiwalaan ng kaniyang anak patungkol sa kaniyang mga sekreto. Isang tagapagsilbi ng kaniyang anak si Cecelia na naging kaibigan na rin nito kaya nararamdaman niyang mayroong itong nalalaman. Hindi man lahat ngunit alam niyang sapat na ang mga impormasyong malalaman niya mula dito.
Hinintay ng Inang Reyna ang pagdating ni Cecelia sa kaniyang silid tanggapan habang mayroong malalim na iniisip. Hanggang sa napukaw ang kaniyang pansin ng mayroong kumatok sa pinto ng kaniyang silid tanggapan.
“Pasok,” wika ng Inang Reyna bago umayos ng upo.
Kaagad namang pumasok ang isang tagapagsilbi sa kaniyang silid tanggapan. Yumuko ito sa kaniya bago nagsalita na puno ng respeto at paggalang.
“Ipinapatawag niyo raw po ako, Inang Reyna,” sambit nito ng nakayuko. Pinagkatitigan niya muna ito bago siya nagsalita.
“Cecelia, alam ko namang tapat ka sa paglilingkod dito, lalo na sa akin at sa unang Prinsesa ng nandito pa siya…” umpisa niya at nakita niya kung paano matigilan ang tagapagsilbi. “Kaya gusto kong magsabi ka ng katotohanan,” pagpapatuloy ng Inang Reyna habang nakatingin ng seryoso kay Cecelia.
Dahil sa seryosong tono ng Inang Reyna ay hindi mapigilan ni Cecelia na kabahan. Tila alam na niya kung ano ang itatanong nito kaya inihanda na nito ang kaniyang sarili.
“A-Ano po’ng i-ibig niyong sabihin, Inang R-Reyna?” Nauutal na tanong nito dahil sa nararamdamang kaba. Nanatili pa rin siyang nakayuko at wala siyang balak na tignan sa mga mata ang Inang Reyna.
“Alam kong isa ka sa mga pinagka-katiwalaan ni Jade…” bumuntong-hininga muna ang Inang Reyna bago nagpatuloy. “Sabihin mo, bakit umalis si Jade ng gano’n-gano’n na lang? Bakit pinagbibintangan siya ng kaniyang kakambal na pinatay ang aking apo’ng Prinsesa? Bakit kasama niya si Romina ngayon sa mortal na mundo? Hindi lamang ‘yon, napag-alaman ko ring mayroon siyang anak! Ano ba ang totoo, Cecelia?! Mayroon ka bang alam?!” Sunod-sunod na tanong ng Inang Reyna sa kaniya.
Hindi rin nito mapigilan ang mapataas ang tono dahil sa kaniyang nararamdaman. Nasasaktan siya bilang ina dahil wala siyang kaalam-alam sa mga nangyayari sa kaniyang anak. Gusto niyang malaman lahat bilang ina nito at hindi niya maintindihan ang anak kung bakit hindi man lang ito nagsasabi sa kaniya.
Napatulala na lang si Cecelia sa mga narinig at hindi makagalaw. Alam niya ang mga sagot dito pero pili lang ang mga nalalaman niya. Tikom ang kaniyang bibig patungkol sa kaniyang pinagsisilbihang Prinsesa kaya hindi niya sigurado kung magsasalota na ba siya.
‘Ito na ba? Ito na ba ang tamang oras?’
Naalala naman niya ang sinabi sa kaniya ng unang Prinsesa, na kapag nag-umpisa ng magtanong ang Inang Reyna ay sabihin niya dito ang mga nalalaman. Ngunit, hindi alam ni Cecelia kung saan mag-uumpisa. Sa tuwing sinusubukan niyang magsalita ay walang lumalabas na boses sa bibig niya dahil pinangungunahan siya ng kaba.
Dahil sa pag-aalinlangan ay natahimik ang pagitan nila ng Inang Reyna hanggang sa marinig niyang nagsalitang muli ang Inang Reyna.
“Ano ang totoo, Cecelia?” Ulit na tanong nito sa kaniya at may kasama na itong diin kaya hindi niya mapigilang mapalunok na lamang. Napabuntong-hininga na lang siya at nilakasan ang loob upang magsalita.
‘Para sa unang Prinsesa!’
“Kaya po nagawa ng unang Prinsesa ang pakikipagsabwatan sa Hari ng mga rebelyon ay dahil siya ang dahilan ng pagkamatay ng asawa niya,” untag ng tagapagsilbi na ikinabigla ng Inang Reyna. “Pinatay po ng Hari ng mga rebelyon ang asawa ng anak niyo, Inang Reyna,” pagpapatuloy ni Cecelia na siyang nagpagulat sa Inang Reyna.
“A-Ano?” Tila bulong lamang ‘yon ngunit sapat na ang katahimikan upang marinig ‘yon ng malinaw ni Cecelia. “Sinasabi mo bang dahil nakipagsabwatan siya sa mga rebelyon na ‘yon ay dahil gusto niyang maghiganti? Tama ba ako?” Ito pa lamang ang nalalaman niya tila gusto ng bumigay ng Inang Reyna. “At sino ang lalaking mahal niya? Hindi ba’t si Lorcan ang lalaking mahal ni Jade?” Hindi mapigilan ng Inang Reyna na pagsunod-sunodin ang mga tanong niya dito dahil desperada na siyang malaman ang totoo tungkol sa anak niya.
The former Queen can’t accept that she doesn’t know anything about her daughter! And she is sure that there are more things about her daughter that will make her shocked.
“Opo, Inang Reyna,” ngayon ay kumakalma na ang sistema ni Cecelia at ipinangako sa sariling sasabihin niya ang lahat ng kaniyang nalalaman patungkol sa unang Prinsesa dahil karapatan din ng Inang Reyna na malaman ang lahat ng kaniyang nalalaman. “Nakipagsabwatan po siya sa rebelyon na iyon upang siya mismo ang papatay sa kanilang pinuno para pagbayarin siya sa pagpaslang sa asawa ng Prinsesa, at ang totoo po ay hindi totoong mahal ng Prinsesa Jade si King Lorcan dahil sa katunayan po ay nakikita lamang niya dito ang kaniyang mahal na asawa dahil sila ay magkamukhang-magkamukha,” alalang-alala pa ni Cecelia ang masasakit na iyak at hinagpis ng unang Prinsesa at hindi ito alam ng kaniyang pamilya.
While the former Queen wanted to cry because she felt that she was not a good mother to her own child. Hindi niya alam kung bakit hindi ito sinabi ng unang Prinsesa sa kaniya at mas pinili pa ang isang tagapagsilbing kaibigan niya.
“Nang mamatay ang asawa niya ay napag-alaman niyang ang kaniya pa lang asawa ay kakambal pala ni King Lorcan na matagal ng nawawala,” salaysay ni Cecelia at sa pangalawang pagkakataon ay nagulat na naman ang Inang Reyna dahil ngayon lang niya na lamang may asawa na pala ang anak niya at kapatid pala ito ng asawa ng anak niyang si Emerald.
‘Bakit hindi ko alam ‘to? Am I being a bad mother towards her that she didn’t tell me about this?’
Hindi na alam ng Inang Reyna kung ano ang mararamdaman niya dahil sa kaniyang mga nalaman. She wants to break down and just cry but she calm herself. Madami pa ring katanungan sa kaniyang isipan ngunit nakikita niyang limitado lang ang nalalaman ni Cecelia.
“Kung gano’n, maipapaliwanag mo ba kung bakit mayroon siyang anak?” Kahit mayroon na siyang naisip na posibilidad ay gusto niya pa ring malaman. Gusto niyang kumpirmahin dahil hindi siya matatahimik dahil anak na niya ang pinag-uusapan dito.
“Nang nalaman niyang namatay sa digmaan ang kaniyang asawa ay do’n din niya natuklasan na buntis siya, kasabay po ng pagbubuntis ng Reyna Emerald,” lumamlam naman ang mga mata ng Inang Reyna dahil sa narinig.
‘Kahit sa pagbubuntis niya ay hindi ko rin alam…’
Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman ng kaniyang anak ng mga panahon na ‘yon. Mga panahong nagsasaya ang buong Palasyo dahil buntis ang kaniyang anak na si Queen Emerald habang ang unang Prinsesa ay naghihinagpis habang nagbubuntis ito. Wala silang kaalam-alam na mayroon pa lang pinag-dadaanan ang kaniyang anak ng mga panahong masaya ang lahat.
“Ginawa niya po ang lahat upang maging masaya para sa anak niya… hindi niya rin po ipinakita sa inyo—sa lahat ang kaniyang tunay na kalagayan dahil natatakot po siyang malaman ninyo ang kaniyang ginawa na naging dahilan upang maging masaya siya… kahit panandalian lamang,” ngayon ay hindi na napigilan pa ng Inang Reyna ang maluha dahil sa kaniyang mga narinig.
Her daughter always smiling at everyone she always looks happy kaya hindi mo mapapansin na mayroon itong pinagdadaanan. Everyone doesn’t know that behind those smiles and laughter, is a very sad and broken person. She can’t believe that she was deceived by those smiles and laughter. She can’t imagine how broke her daughter that time and she has no idea!
“At ng oras manganganak na po siya ay siyang araw din ng pagsilang ng kambal at iyon rin po ang araw na nakipagsabwatan siya sa Hari ng mga rebelyon na nakuha po kaaagd ng Prinsesa ang kanilang tiwala,” ngayon ay napapaisip siya kung bakit inilihim ng kaniyang anak ang kaniyang pagbubuntis. She might be thinking that they will get mad at her for disobeying them.
“Then how can you explain why she is with Romina right now?” Tanong ng Inang Reyna ng tumigil na ito sa kakaiyak ngunit nando’n pa rin ang kirot sa kaniyang dibdib.
“Tungkol po kay Lady Romina, siya po ang nag-alaga sa anak ng unang Prinsesa ng mga panahong nakikipagsabwatan siya sa mga rebelyon. At sa nangyari nga pong pagpatay sa munting Prinsesa ay ang kaniyang dahilan ng pag-alis,” yes, she can remember that day.
The day where the rebellions attacked their Palace even it’s very secure. That’s also when the whole Kingdom turned into darkness—darkness because of the attack that happened, the death of the heroes, the lost little Princess, at ang pag-alis ng unang Prinsesa.
“Iyon lamang po ang aking mga nalalaman, Inang Reyna,” saad ni Cecelia. Iyon lang ang kaniyang mga nalalaman dahil ayaw ng unang Prinsesa na madamay pa ito sa kaniyang mga Problema. Kaya kung siya ang tatanungin kung sino ang mas nakaka-alam kung ano ang buong nangyari, ‘yon ay ang Lady Romina o ang mismong ang unang Prinsesa.
Gusto pang magtanong ng Inang Reyna pero tulad ng sinabi nito ay hanggang do’n na lang ang kaniyang mga nalalaman. Napahilot na lang sa sentido ang Inang Reyna sa mga nalaman ngayon. Nasaktan na siya sa mga impormasyong mga nalaman niya, paano pa kaya kung nalaman na niya ang buong pangyayari sa kaniyang anak? Baka hindi na niya talaga kayanin.
‘So, all these years, may malaking pinagdadaanan pala ang anak ko na hindi ko manlang alam? Anong klaseng ina ba ako?’
***
Arielle Henriett Williams
“Aslan,” sabay-sabay naming banggit sa pangalan niya na puno ng respeto. Bigla naman itong nag-angat ng tingin at tumayo na parang nakilala niya kami.
“Royalties,” pormal na sabi nito at yumuko. Ang lalim ng boses niya dahilan ng madagdagan ang panginginig ko pero sa hindi ko malamang kadahilanan ay nawala ito bigla. Yumuko din kami upang magbigay galang sa kaniya.
Syempre, isa ‘yan sa mga mythical guardians, eh!
“Ano’t naparito kayo?” Tanong niya at umupo. Authority is shouting in his every action that shows him that he is the King of the Mythical Guardians.
“We’re here to fetch you and bring you back to the Academy,” saad ni Aiden in a cold and serious tone but you can still hint at the respectful tone.
Grabe, parang wala siyang takot na magsalita sa harap ni King Aslan!
Napatingin naman si Aslan sa kaniya bago nagsalita. “Aiden Axel Smith, 19 years old. The Prince of Phyron Kingdom. You are quite powerful and don’t worry, you’ll meet her soon,” he said while staring at Aiden. Hindi ko alam kung guni-guni ko lamang ‘yon pero tila yata nakita kong natigilan siya?
And ‘her’? Who’s her? Tss. Whatever.
So, totoo ang sabi-sabi na makikilala ka niya sa unang tingin lang? I have never seen someone who has an ability like him. Parang gusto ko rin ng gano’ng ability!
Matapos niyang makilala si Aiden ay nagpatuloy siya sa pagsasalita. “So, that’s why you are here, to fetch me, huh?” Aslan said using his intimidating voice.
If anyone will see us talking to a lion, they will probably think that we are crazy. Well, sorry na lang dahil nakapaloob kami sa isang ilusyon na kung saan ay hindi magtataka ang mga tao sa amin. They will only see us looking at the lions here and an ordinary people.
“Yes. The Kings and Queens sent us to bring you back in the land of Luminaria. We need you, King Aslan. We need your help to stop the rebellions,” saad ko naman at palihim akong natuwa dahil may lakas ako ng loob para kausapin siya.
We’re desperate to call for his help because the rebellions have been attacking non-stop our land. Ang lalakas ng kanilang loob at hindi ko alam kung saan nila nakukuha ‘yon. That’s why we need to gather all the powerful mythical Guardians. As of now, si King Aslan pa lang ang nata-track namin.
Napatingin naman siya sa akin na ikinagulat ko ng bahagya. “Princess Arielle Henriett, if I only could say yes, why not?” Sabi niya na may malalim na kahulugan.
Ano’ng ibig niyang sabihin?
Lahat kami ay nagtaka sa kaniyang winika at napuno ng katanungan. Bakit tila mayroong pumipigil sa kaniyang bumalik sa tunay naming mundo?
“What do you mean?” Rinig ko namang tanong ni Jacob na nasa tabi ko.
Aslan look away like he is thinking deeply. Naghihintay kami ng kaniyang sagot dahil hindi namin maintindihan kung bakit ayaw niyang sumama sa amin.
“Sabihin niyo sa mga Hari’t Reyna na hinihintay ko pa siya. The one who can summon me and will be my only master. At sa pagdating ng araw na iyon ay asahan niyo… makakabalik na ako kasama ang aking tinutukoy…” then he look at us. “Ang tanging imortal na pag-asa nating lahat…” pagpapatuloy nito na ipinagtaka na naman namin. He’s leaving us clueless!
He is talking about his master and unfortunately, he’s still waiting for him or her. At base sa pagkakaintindi ko, hindi siya sasama sa amin dahil hinihintay niya pa ang summoner niya… ang magiging pag-asa naming lahat…
“So, hindi ka sasama sa amin? Gano’n po ba?” Tanong ni Gwen dito. Ngayon ay tumingin na muli sa amin si Aslan bago tinignan si Gwen.
“Yes, Princess Gwendolyn Elizabeth Clifford. At aasahan ko kayong ipararating ang aking mensahe sa inyong mga magulang,” wika ni Aslan bago tumalikod sa amin at naglakad na paalis.
Napabuntong-hininga na lang kami dahil hindi namin siya madadala sa aminh mundo… sa ngayon. We can’t force him to go back with us in Luminaria kaya umalis na kaming tahimik sa lugar na ‘yon at bagsak ang balikat naming lahat hanggang sa basagin ni Kaizer ang katahimikan.
“So, it means, let’s proceed to our next mission!” Kaizer said like he is excited and we all nodded in response. Bigla namang bumalik ang pagka-excite ko na makita ang kakambal ko kahit na bigo kami sa unang misyon.
Kung bakit ba kasi ayaw sumama sa amin ng King of mythical guardians? Kaasar!
Pero kahit gano’n, makikita ko naman na ang kakambal ko matapos ang matagal na panahong nawalay kami sa kaniya.
***
Hope Lorelei Lara Sapphire Watson
Medyo madlim na sa labas ng makauwi ako dito sa bahay at kaagad akong sinalubong ni Nana pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ng bahay.
“Lara, ano, nakapagdesisyon ka na ba?” Pambungad na tanong niya sa akin sabay halik sa pisngi ko. Gano’n din ang ginawa ko at napagpasyahang sabihin na ang naging desisyon ko.
I’m already decided and even I said no, wala pa rin naman akong magagawa. Pero, naisip ko din na hindi ko muna sasabihin ‘yon dahil gusto ko munang makumpirma sa sarili ko kung napipilitan lang ba ako o hindi—pero kasi wala talaga akong magagawa! Ano ba naman ‘yan!
Just… to make things clear.
“Hindi pa po, Nana. Gusto ko muna pong linawin sa sarili ko para po wala ng sisihan,” sagot ko sabay ngiti sa kaniya.
Like what I’ve said, sigurado naman akong kahit hindi ako pumayag ay pupunta at pupunta pa rin kami sa lugar na ‘yon—kung saan talaga kami nararapat. Iniisip lang nila ang kalagayan ko kaya hinihintay nila ang sagot ko.
“Oh. Gano’n ba? O, sige. Magbihis ka na dahil kakain na tayo at pagkatapos nating kumain, magpahinga ka at pumunta ka sa training room dahil mag-ti-training tayo, okay?” Sabi niya ng may ngiti sa labi.
“Okay po,” sagot ko naman at nagpaalam na sa kaniya bago ako pumunta sa aking kwarto.
This day is very tiring.
***
Clara Odette White
Nandito kami ngayon sa tapat ng Hospital, why? Sabi kasi ng tracking device, dito daw namin makikita ang kakambal ni Rielle.
Pumasok na kami at nagtanong-tanong sa mga mortal upang mapabilis ang paghahanap. Hindi naman kasi kami pwedeng gumamit ng kapangyarihan dahil pwede kaming ma-detect ng mga Hybris Demon.
Masyadong malaki ang Hospital at kanina pa kami palakad-lakad mahanap lang ‘yong kakambal ni Rielle at dahil kanina pa kami walang pahinga ay nagpahinga muna kami at mamaya-maya ay mag-uumpisa na naman kaming maghanap.
Hindi ko nga alam kung bakit nandito siya, eh. Hindi naman siya siguro pasyente dito, ‘no? Lalo naman ang maging isang doktor or nurse dahil ang bata pa no’n! O baka naman siya ang may ari nitong hospital? Tss! Ano ba naman ‘yan! Bahala na siya diyan, basta hanapin na lamang namin siya.
I wonder kung anong itsura na ng kakambal ni Rielle? Huli namin siyang nakita ay no’ng 15 years old pa lang kami. Bago pa lang akong miyembro ng Alphas ng mga panahon na ‘yon.
“Here, kain muna tayo. Mukhang matatagalan pa bago natin siya mahanap,” Lucas said at inabot ang mga hawak niyang plastic na may lamang burger and fries, then he handed us a drink.
One thing I noticed about him—about Lucas was, kapag magkasama silang magkapatid, sumeseryoso ang isang ‘to. Hindi pa ba magbabati ‘tong magkapatid na ‘to? Grabe sila, ang tagal na ng away ng dalawang ‘yan.
Tss. Bahala sila diyan.
Habang kumakain kami ay hindi ko naman mapigilang maalala ang matalik kong kaibigan. Kamusta na kaya siya? Galit pa kaya siya sa akin? Yung isa naman, nag-aaral na sa Academy, pero minsan ko lang siya makita mula sa malayo dahil hanggang ngayon, nahihiya pa rin ako sa ginawa ko.
Napabuntong-hininga na lang ako. Kung hindi lang ako busy, edi sana, nabisita ko na siya dito kahit sa malayo lang ako at nakatanaw, basta makita ko siya. It’s been almost three years since I last saw and talk to her and if I am given a chance to visit her, I would probably grab that opportunity. Though I just going to see her from afar because I have no courage to talk to her right now after what happened.
I miss her already.
“Guys, CR lang ako,” paalam ni Gwen bago tumayo mula sa kinauupuan.
Sasamahan na sana namin siya ni Rielle pero nakaalis na siya kaya hinintay na lang namin siya dito at nagpatuloy sa pagkain. Makalipas ang ilang minuto ay tapos na kami sa pagkain. Sakto namang nakita namin siyang tumatakbo pabalik at mukhang nagmamadali. Nagtaka naman kami dahil mukha talagang nagmamadali siya.
“Guys, alam ko na kung saan siya mahahanap! Kaya pala hindi natin siya makita dito dahil kanina pa siya nakaalis. He is a doctor here, and I have his address. Let’s go!” Sabi ni Gwen kahit hingal na hingal.
Kahit natataka kung paano niya nalaman ay sinunod na lang namin siya at napagpasyahang baka kapag nakasakay na kami ay do’n ko na lamang siya tatanungin.
Pagkadating namin sa parking lot ay sumakay na kami sa van at si Chris ang nagda-drive habang na sa passenger seat naman si Aiden. Na sa bandang gitna naman kaming mga girls at magkakatabi. Ang magkatabi naman ay si Jacob at Lucas na nakaupo sa aming harapan. Si Kuya Logan naman at si Kaizer ang na sa likuran.
“Hey, nag-CR ka lang, alam mo na kaagad kung na saan ang kakambal ni Rielle?” Tanong ko kay Gwen pagkaandar ng sasakyan namin.
Pinaggigitnaan namin siya ni Rielle kaya hindi ako nahirapan na makausap siya. Habang si Rielle naman ay halatang kinakabahan. Napansin ko namang lahat sila ay napatingin kay Gwen ng itanong ko iyon dahil katulad ko ay nagtataka din sila kung saan niya nakuha ang address na hawak niya ngayon.
“Actually, I didn’t find his address. Someone gave me,” she said which made us frown.
Kung hindi siya, sino? Nagtataka kaming tumingin sa kaniya kaya napabuntong-hininga na lang siya at nag-umpisa ng mag-kwento.
***
Gwendolyn Elizabeth Clifford
Nakaupo lang kami sa benches dahil napagod kami sa kakalibot nitong napakalaking Hospital na ito. Hindi pa namin nakakalahati ang hospital dahil sa laki at hindi namn pwedeng basta na lamang kaming maglibot dito. Maya-maya ay bigla na lang akong tinawag ng kalikasan kaya nagpaalam na muna ako na pupunta sa CR.
Pagkapasok ko sa CR ng mga babae ay walang masyadong tao dito. Madami sigurong CR dito, panigurado. Sa laki ba naman at mukhang private Hospital pa ‘to. Bago ako makapasok sa isang cubicle, napansin ko naman ang pinakadulo ay naka-lock pero hindi ko na lang pinansin ‘yon at pumasok na lang ako sa isang cubicle.
Nang matapos na ako ay lumabas na ako at naghugas ng kamay. Agad ko namang napansin ang isang babae na naghuhugas din ng kamay kaya naisip kong siya siguro yung na sa pinakadulong cubicle kanina. Dahil mayroong salamin sa harapan namin ay napansin ko kaagad kung gaano ito kaganda kahit simple lang ang kasuotan at ayos nito.
I can’t take eyes off her pero pinilit ko ang sarili kong huwag na lang siyang pansinin dahil baka naiinip na ang ibang mga kasamahan ko. Tahimik lamang kaming naghuhugas ng kamay hanggang sa matapos ako. Akmang lalabas na ako ng bigla niya akong pinigilan kaya napaharap ako sa kaniya and woah… I think, I just saw a Goddess. ‘Yan lang ang masasabi ko. Hindi pa nga yata sapat ang salitang Diyosa sa kaniya, eh.
Hinarangan niya ang daanan ko kaya napatigil ako sa paglalakad. I can feel that she is harmless and her eyes are also telling me that. She really looks like a Goddess at sinasabi ko na nga bang maganda siya kanina kahit hindi ko pa nakikita ng maayos ang kaniyang mukha kanina.
“Umh… kayo ba yung kanina pang may hinahanap?” Tanong niya na parang nahihiya pa. Namumula panga ang pisngi niya, eh, kaya sigurado akong nahihiya nga siya at ang cute niya! Ang hinhin niya pa magsalita.
Pero nagtaka ako dahil wala naman kaming masyadong pinagtanungan o sinabihan na may hinahanap kami kaya paano niya nalaman? Teka… baka isa siya sa mga Hybris Demon! But, I can sense a good aura around her that’s why it’s impossible that she is a Hybris. At saka, feel ko namang harmless siya, eh!
“Y-Yeah. K-Kami nga,” saad ko na lang kahit na nagtataka.
Shit! Bakit nauutal ako?
Nang tignan ko siya ay namangha ako sa angking ganda niya at ang mga mata nya… golden brown? Wow. Nahiya naman ang kulay ng mga mata ko. The color of her eyes are beautiful for a mortal like her.
“Oh. I see. Ito nga pala, may nagpapabigay at sana makita niyo na ang hinahanap niyo,” sabi niya na may ngiti sa labi at sa napakalambing na boses.
Ang ganda niya talaga.
Mas gumanda siya nang nginitian niya ako at baka natitibo na ako. Pero wait, ano daw? May nagpapabigay? May inabot naman siyang papel sa akin kaya inabot ko ‘yon at isa itong maliit na papel. Binuklat ko naman ‘yon at nakita na may nakalagay do’ng address at room number na ipinagtaka ko.
Nang iangat ko ang tingin ko para sana magtanong ay nakita ko na lang na wala na yung babae na ipinagtaka ko lalo. Sayang naman. Hindi ko manlang nalaman ang pangalan niya at hindi manlang ako nakapagpasalamat—pero, para saan ba ito?
Hindi ko manlang naramdaman ang pag-alis niya.
Binasa kong muli ang binigay niyang maliit na papel at do’n ko lang napagtanto ang lahat! Pagkalabas ko ay dali-dali akong tumakbo papunta sa mga kaibigan ko at sinabi sa kanila ang nalaman dahil sigurado akong dito nakatira si Azriel. Nalaman ko din na doctor siya dito dahil nakasulat iyon sa papel.
OMG! Makikita na naming muli si Azriel!
***
Clara Odette White
“You mean, may nakakaalam na may hinahanap tayo at binigay niya ‘yang address sa’yo?” Tanong ni Kaizer mula sa likuran.
“Yeah,” tanging sagot ni Gwen bago muling nagsalita habang nakatingin sa labas. “Wait, Chris! Dito na yata ‘yon,” sabi ni Gwen at inihinto naman ni Chris ang sasakyan sa parking lot.
Pagkahinto ng sasakyan ay agad naman kaming bumaba at napansing na sa tapat kami ng isang Hotel na sa tingin ko ay dito siya nakatira. Wala namang pinagkaiba ang mundo ng mga tao at mundo namin. Ang pinagkaiba lang ay meron kaming mga kapangyarihan.
Pumasok na kami gamit ang teleportation—kahit alam naming mararamdaman kami ng mga kalaban—para mabilisan na rin. Nang na sa tapat na kami ng tinutukoy na room number na nasa papel ay kumatok na si Lucas ng tatlong beses. Habang naghihintay na bumukas ang pinto ay napansin ko namang kinakabahan si Rielle at hinihintay ang mangyayari.
Hindi ko namang mapigilang mapangiti dahil kahit na nakikita ko siyang kinakabahan ay alam kong excited na rin siya. She deserve what’s happening right now dahil simula ng makuha ng mga rebelyon ang kakambal niya ay palagi na lamang niya sinisisi ang kaniyang sarili dahil sa nangyari.
You can now let go of that thought, Arielle.
Maya-maya pa ay bumukas na ang pinto kaya at tumambad sa amin ang isang lalaking gulo-gulo pa ang buhok at mukhang bagong gising pa ito.
And yes… we finally found you, Prince Azriel Henritte Williams.
***
BINABASA MO ANG
Lumina Academy: Light and Shadow (Realm Series #1)
FantasíaRealm Series #1 Lumina Academy: Light and Shadow She's holding the most powerful guardians--the summoner of supreme guardians. She's the person that they've been waiting for--for she is the summoner of all-powerful guardians who will help the immort...