Chapter 29: The New Members Of Alphas

19.7K 665 43
                                    

Chapter 29: The New Members Of Alphas
 
“Hey, you looked bothered, you okay?” Napatunghay naman ako kay Gen at nakita siyang nakakunot ang nuo’ng nakatingin sa akin.
 
Katatapos lang kaming ayusan nina Merlia at Titiana at naghahanda na kami para sa pagpunta sa Wynyard Palace dahil do’n gaganapin ang kasiyahan. Bumuntong-hininga naman ako bago pinatayo si Caelum sa hita ko habang ako naman ay nakaupo lang sa kama at si Gen ay nakatayo at nakaharap sa aming mag-ina. Lia and Tati aren’t here because they are the one who are waiting for the carriage that will fetch us.
 
“I’m fine. I just felt like…” ipinilig ko ang ulo ko bago bumuntong-hininga. “Nothing.”
 
Napatitig siya sa akin saglit bago bumuntong-hininga rin. “Just tell me when you figure it out, alright?” Tumango na lang ako at ngumiti sa kaniya.
 
Ewan ko ba, simula pagkagising ko, nararamdaman ko na ito at hindi ko ‘yon maipaliwanag and I don’t like this feeling. Alam ko kasi na kapag nakararamdam ako ng ganito ay may mangyayaring masama.
 
‘Wag naman sana…
 
Tumingin naman ako kay Caelum na nakatitig pala sa akin kaya ngumiti ako sa kaniya na ikinangiti rin niya. Napapansin ko sa batang ito na minsan ay seryoso at hindi ngumingiti at kapag gano’n siya, may isang imortal akong naaalala na ikinaiinis ko naman. Hindi ko nga alam kung bakit siya pa ang naiisip ko sa tuwing nakikita kong gano’n ang ekspresyon ng anak ko, eh.
 
Bigla naman siyang tumalon-talon habang may ngiti siya sa labi kaya lalo naman akong napangiti and I even chuckled because of him. We stayed like that until our room’s door opened and we saw Merlia and Titiana while they are wearing their smile. Since Caelum came into our lives, these two stayed in human form for them to take care of Caelum properly which is what I am thankful for.
 
“Let’s go! Let’s go!” Excited namang yaya ni Merlia habang si Titiana naman ay inagaw na sa akin si Caelum.
 
Tumayo na ako at humarap sa anak ko na mayroong malungkot na ekspresyon but I know that he understands and yes, that’s how smart he is. I kissed him on his cheeks and smiled at him. Ayaw ko man siyang iwan ay hindi pwede. Nandiyan naman sina Merlia at Titiana para bantayan at alagaan siya and we planned that after we were introduced as the new members of Alphas, we will go back here right away.
 
“Behave, baby, okay?” I softly said to my son. Parang namang maiiyak na siya kaya hinalikan ko siya sa nuo. Even he understands why I have to leave him and even he’s a smart, he’s still a baby who wants to be with his mother all the time. “Uuwi din si Mamma…” muli kong saad at muli siyang hinalikan sa kabilang pisngi. Then I looked at Titiana and smiled at her. “Take care of our baby,” bilin ko na ikinatango naman niya habang nakangiti.
 
“We will…”
 
Nagpaalam na rin si Gen kay Caelum bago kami hinatid ni Merlia sa labas—kung na saan ang sasakyan namin papunta sa palasyo nina Odette. Hinawakan naman ako ni Gen sa kamay kaya pinisil ko ito bago lumingon sa kaniya at bahagya siyang nginitian. We are both nervous but at the same time excited—I am excited because Wynyard Palace is known for its winter weather.
 
The white kingdom…
 
It’s currently snowing there—that’s the only weather they have and I can’t help but feel excited. I love the snow but I’m not fun of its coldness. Maganda lang sa mata ngunit hindi ko gusto ang temperatura. We’re wearing a gown but we have capes too para panglaban sa lamig sa lugar na ‘yon.
 
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makita na namin ang sasakyan namin—just like the carriage that we used when Prince Logan’s birthday. Lumingon naman sa amin si Merlia at ngumiti na ginantihan rin namin.
 
“Good luck, girls!” Saad niya na nagpangiti sa aming pareho ni Gen.
 
“Thanks, Lia.”
 
“Sige na, alis na kayo. Kami na ang bahala kay baby Caelum,” nagpasalamat kaming muli bago sumakay sa karwahe.
 
“Anyway, Lars,” tumingin naman ako kay Gen ng nagtataka ng mag-umpisa ng umandar ang karwahe. “Wala tayong ka-date,” wika niya sabay tawa kaya natawa na rin ako.
 
Wala kaming ka-date dahil hindi naman kami lumabas ng kwarto namin habang ang lahat ng estudyante ay abala sa pagpili ng kanilang mga makaka-date sa selebrasyon na ‘to. At saka, pwede pa rin naman kahit walang date ‘no. Nagkwentuhan lang kami hanggang sa makarating na kami sa Wynyard Palace and yes, as expected, ang ganda rin dito. Wynyard Palace is a cold place at umuulan nga ng snow ngayon kaya naman natuwa ako ng makita ko ang paligid.
 
“Someone’s happy,” tinawanan ko lang si Gen at muling tumingin sa paligid. We are already wearing our capes para panglaban sa lamig.
 
Maya-maya pa ay huminto na ang karwahe at pagkatapos ay bumaba na kami. May nakikita pa akong ibang estudyante na papasok kaya sumunod kami sa kanila. May mga napatitingin pa sa amin pero hindi na lang namin sila pinansin lalo na ang mga bulungan nila. Ang napansin ko naman sa kanila ay mayroon silang mga ka-date kaya nagkatinginan kami ni Gen bago kumibit-balikat.
 
The palace is made of ice—yes, it was made of ice but I also noticed that it was also mixed with crystals and it looks so beautiful! Minsan pa ay nagbabago-bago ang kulay no’n and I can’t help but mesmerize. Ang ganda pala ng palasyo nila Odette and I would love to stay here! Guards, servants, and other mystical creatures can be found everywhere too!
 
“I would love to stay here, Gen…” I just blurted out and I heard her chuckle.
 
“Yes, I know.”
 
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makaharap na namin ang pinto na gawa din sa makapal na yelo but I know that even this palace was made of ice and mix with crystal, matibay pa rin ito at hindi basta-basta lamang—kasing tibay ng ibang palasyo. The two knights opened the double door for us and Gen and I are just behind of these students. I looked at Gen and she also did the same that’s why I smiled at her—assuring that everything will going to be alright.
 
Kami ang huling pumasok sa loob and I can’t stop myself to be in awe upon seeing the surroundings. Kahit kailan talaga ay pabonggahan ang mga palasyo and I couldn’t help but feel in awe. Kaagad naman kaming naghanap ng mauupuan at ang napili namin ay ang lamesang na sa gilid na medyo madilim. Pagkaupo namin ay hinubad namin ang cape namin dahil hindi naman malamig dito.
 
“Everyone is celebrating, huh?” I nodded because of what Genevieve said while not looking at her.
 
I was busy looking at my surroundings and I am happy to see these students celebrating the success of ranking. They deserve it since they did their best and I do hope that they are satisfied with the results of their ranks and I also do hope that they will improve. It’s just a matter of hard work.
 
“Nga pala,” I look at Gen when I heard her voice and she’s looking at me too. “May itsi-tsismis ako sa ‘yo,” saad niya na ikinataas naman ng kilay ko—lalo na ng makita ko ang ngisi sa labi niya. “Rumor said that Prince Aiden carried you when you lost consciousness in ranking,” she said at may naglalarong ngisi sa mga labi niya kaya hindi ko mapigilang mapasimangot.
 
“Pwede ba? Tigilan mo ako! Hindi naman big deal ‘yon,” saad ko na ikina-ingos naman niya.
 
“Hindi big deal?!” Muli siyang umingos bago ako inirapan. “Prince Aiden wasn’t like that—I mean, he never cares about anyone—that’s all we know. That prince was known for his cold personality and he doesn’t care at all! Bagay nga siya sa lugar na ‘to, eh! That’s why it is a big deal when students witnessed how he carried your unconscious body with tenderness and care!” She said at halatang mayroong pinaglalaban.
 
Sasagot pa lang sana ako sa kaniya ng matigilan ako ng makaramdam ako ng kaiiba—my system was slowly turning into chaos and there’s only one reason for this—there’s only one person who could turn my system into chaos but before I could even look where I could feel him, mayroon namang biglang nagsalita sa harapan.
 
“Students of Lumina Academy!” When I look in front, I saw Headmaster Cadmus holding a mic—everyone turned their attention to him. “I want to congrats all of you for surviving the ranking!” Tumingin ang lahat sa kaniya and I could feel everyone’s happiness. “And because of that, the academy will give you a reward!” Naghiyawan naman ang mga estudyante sa narinig.
 
It always happens—like Genevieve said. Every time that the ranking is done successfully, the academy will give a reward to the students. Iba-iba daw ang reward na ‘yon kaya walang naka-a-alam kung ano ang reward this year. Last year, it was three hundred golds but this time, students have no idea and it just amazed me that Gen is an advanced student na kahit hindi pa siya first year sa college ay naisama pa rin siya sa ranking last year when in fact, first year pa lang siya ngayon.
 
Ingrid Genevieve is really something else…
 
“But before we start the program, I have a big announcement first…” natahimik naman ang lahat dahil sa winika ni headmaster. “I want to congrats the two-person who are now the new member of Alphas!” Nagkatinginan naman kami ni Gen dahil sa narinig and because of what the headmaster said, we just heard murmurs. “Alphas… please proceed here in stage and welcome your new members!” I watched how the supreme students went to the stage as what the headmaster said and when the Alphas faced us, that’s when I saw how the headmaster smiled as he calls our name. “Please let us congratulate and welcome the two members of Alphas—Princess Ingrid Genevieve Taylor and Princess Hope Lorelei Lara Sapphire Watson!”
 
Gen and I stood up when we heard our names and the spotlight turned to us as it followed us while walking towards the stage. The students are clapping while following us with their eyes. Gen and I are just looking straight and we have a small smile on our faces because we can not widely smile since we are feeling nervous. All eyes were on us at nakahihiya kapag nadapa kaming dalawa dito.
 
We both curtsy when we’re already in front of the stage bago tuluyang umakyat ng entablado at hinarap ang mga estudyante na lumakas ang palakpakan. Hanggang sa maramdaman ko na lang ang mga pamilyar na presenya na tumabi sa amin, lalo na sa imortal na nasa kaliwa ko ngayon at ramdam ko ang tingin niya pero hindi ko siya pinansin at tumingin na lang muli kay headmaster na nakangiti na sa amin ngayon.
 
“I officially announce… Princess Ingrid Genevieve Taylor and Princess Hope Lorelei Lara Sapphire Watson are now officially a member of Alphas!” Masayang anunsyo nito na ikinasigaw naman ng mga estudyante.
 
Lahat kami ay yumuko sa harapan ng ilang segundo bago umayos ng tayo. Hinayaan muna naming magsaya ang mga estudyante na akala mo ay nanalo sila at mas masaya pa sila sa amin. Nanatili lamang akong tahimik at nakaiwas ng tingin pero nanigas na lamang ako sa kinatatayuan ko ng maramdaman ko na lang ang paghinga ng katabi ko na malapit sa kaliwang tenga ko at kasunod no’n ay ang pagbulong niya.
 
“Welcome to my life…”
 
Gulat ko siyang nilingon pero wrong move! Dahil sa lapit ng mukha niya at dahil sa biglaang paglingon ko sa kaniya ay siya namang pagtama ng mga ilong namin. Nanlaki ang mga mata ko at biglang napalayo sa kaniya at umiwas ng tingin.
 
Walang-hiyang lalaki ‘to! Ano bang nangyayari sa kaniya?! Ano bang nakain nito? Ano na naman trip niya? Walang-hiya siya! I don’t want to see his annoying smirk kaya inabala ko na lang ang sarili ko sa pagtingin-tingin sa paligid.
 
“Okay, okay!” Natamik naman ang lahat ng magsalitang muli si headmaster kaya lumingon akong muli sa kaniya. “Now, I will let you enjoy this night with your dates… but remember students, no cuddling! I’m watching you…” nakangiting wika ni headmaster ngunit babala ang pinahihiwatig no’n kaya hindi ko mapigilang matawa ng mahina. “Thank you, Alphas,” as headmaster said that, tumalikod na kami sa kaniya at mag-uumpisa na sanang bumalik sa table namin ng bigla na lang kaming yakapin nina Arielle at Gwendolyn kaya napatigil kami.
 
“Welcome to Alphas’ family, Lara and Ingrid!” Rinig kong wika ni Gwendolyn at sabay pa silang humiwalay ng yakap at nginitian nila kami.
 
Para silang may natupad na pangarap dahil sa mga ngiti nila, gano’n din ang mga prinsepe—pwera sa mga pinsan ko at ang prinsepe ng apoy na hindi ko naman tinignan—na ang ga-gwapo ngayon, lalo na si Azriel na ngiting-ngiti sa akin na talagang kumindat pa ng magtama ang mga mata namin.
 
Tumingin naman ako kay Odette at muntik ng matawa ng makita siyang parang naiiyak pa. I didn’t dare to look at my cousins and I am trying so hard not to look back too at the prince of fire whom I can feel his intense gaze at me like he was saying that I should look at him but hell no! Kahit ngayon lang—kahit ngayon lang na hindi ako malunod sa mga mata niya.
 
“Thank you…”
 
Bigla naman kaming hinila ng dalawang prinsesa at nakasunod naman ang iba hanggang sa makarating na kami sa table nila at nagsi-upuan kami habang katabi ko si Gen at Arielle ngunit bigla kong naalala ang mga capes namin na iniwan namin sa upuan namin kanina. Later. Napansin ko namang wala pang sumasayaw kaya nagtaka naman ako ngunit nasagot lamang ‘yon ng marinig kong nagsalitang muli si headmaster.
 
“Let’s begin the dance with Alphas…” napataas naman ang kilay ko dahil sa narinig at ramdam ko na naman ang tingin ng mga estudyante sa amin.
 
Ramdam kong tumayo na ang ibang katabi ko pero hindi nakatuon ang atensyon ko sa kanila. Busy kasi ako sa katitingin sa paligid kaya hindi ko sila matignan—I was busy looking for Mimi and Nana since it was only headmaster who’s in stage right now. Not until I felt two presence on my both sides since Gen and Arielle already stood up. I also noticed the two hands in front of me kaya hindi ko na napigilan pa ang sarili kong mapatingin kung sino ang mga ‘yon.
 
Bumilis na lang bigla ang tibok ng puso ko dahil sa nakikita ko ngayon at parang gusto ko na lamang tumakbo o kaya naman ay magpalamon sa lupa ngayon. I looked at them while frowning—para maitago ang kaba at hiya na nararamdaman ko—and I just saw them looking down at me before looking at each other. Kasunod naman no’n ay ang pagtili at bulungan ng mga estudyante at alam kong pinagtitinginan na nila kami ngayon.
 
“Oh…” rinig ko namang wika ni Jacob dahil kitang-kita nila kung sino ang dalawang lalaki na nakalahad ang kamay sa harapan ko ngayon.
 
Bumuntong-hininga muna ako bago sila tinignan sa mga mata. The two-person that standing beside me and offering their hands is none other than Azriel… and Aiden. But I noticed how they look at each other—si Azriel na naka-ngisi na tila nang-aasar habang si Aiden na matalim ang tingin sa kaniya. Na sa kaliwa ko si Azriel habang na sa kanan ko naman si Aiden.
 
Hindi maumpisahan ang sayaw dahil nakahinto ang ibang miyembro ng Alphas na akmang sasayaw na sana ngunit naki-usisa pa sa amin—sa nangyayari ngayon and I could see the amusement dancing in their eyes. I am actually asking for help yet no one notices it because everyone are waiting for what will happen next—they are waiting for me to choose one of them.
 
Pwedeng both? 
 
“Williams…” nagbabanta ang tono ng prinsepe ng apoy and it is a scary one but it seems like Azriel doesn’t give a damn.
 
Can someone save me?!
 
Mukhang mahal na mahal naman ako ng mga deities dahil dininig nila ang hiling ko. “Sorry, gentlemen, but, I will borrow my daughter first,” napahinga ako ng maluwag ng dahil sa narinig ko bago napatingin kay Mimi at hindi mapigilang mapangiti ng malawak.
 
I look at these princes and my eyes are looking at them apologetically. Azriel nodded with a smile while the prince of fire? Hmm… never mind. He’s looking at me coldly and I don’t know why it tightened my chest like I hate it when he is looking at me like that ngunit mabilis kong pinilig ang ulo ko.
 
“Mimi!” Parang bata kong wika ng tingnan kong muli si Mimi na ikinatawa naman niya. Tumayo naman ako kaya binawi na nila ang nakalahad nilang kamay sa akin kaya napatakbo ako sa Mimi ko.
 
“Please, excuse us,” wika ni Mimi ng makalapit na ako sa kaniya.
 
Sinundan ko lang si Mimi at parang papalabas ito kung saan dinaraos ang kasiyahan. Sa iba kami dumaan at parang alam na alam niya ang daan rito ngunit hindi naman nakapagtataka ‘yon. “Saan po tayo pupunta, Mi?” Tanong ko kapagkwan.
 
“I know you wanted to enjoy the snow here kaya lalabas tayo. Here,” tumigil kami sa paglalakad at inabot sa akin ni Mimi ang cape ko na iniwan ko sa upuan kanina. “Wear that since it’s cold outside. You’re a fire wielder but you will still feel cold since you are avoiding using that element, and even you are an ice wielder too, you will still feel cold,” she smiled at me softly. “We will talk when we have time,” she continued and I nodded while smiling at her softly too.
 
“Thanks, Mi,” saad ko at nginitian siya. Then she holds both hands as she stares at me lovingly.
 
“Bumalik ka kaagad, okay? Huwag masyadong maglaro sa nyebe, baka magkasakit ka,” bilin niya na ikinatawa ko naman.
 
“Opo.”
 
Sinamahan naman niya ako patungo sa daan patungo sa hardin at nakasuot na ang cape ko at kaagad din siyang pumasok sa loob. Pagkalabas ko ay kaagad kong nakita ang malawak na garden at kahit na balot ito ng snow ay maganda pa rin ito. Mahina lang naman din ang pag-ulan ng nyebe kaya ayos lang na tumambay dito sa labas.
 
Napangiti ako lalo bago nilahad ang kamay upang sumalo ng nahuhulog na nyebe bago ako naglakad ng dahan-dahan dahil naka-high heels ako at ayaw kong matapilok dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili kong magpaa na lang. Kung bakit kasi stiletto ang pinasuot sa akin, eh!
 
While walking, I looked at the bright moon as it shines above me. I closed my eyes as I let the snow coming from the sky touch my face and I can’t help but giggle when I felt its cold. I always wanted this and now I am here, I am afraid that I might refuse to come back to the academy. Pero sa tuwing tumatawa ako ay mayroong lumalabas na usok sa bibig ko kaya mas lalo akong natatawa.
 
Para akong ewan…
 
I was having fun here when I just felt a familiar presence behind me which made me stop before I heard his deep baritone voice.
 
“Found you…”
 
***

Lumina Academy: Light and Shadow (Realm Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon