Chapter 6: The Nerd

25.1K 766 50
                                    

Chapter 6: The Nerd
 
“Fine. I will change your section temporarily but when the Alphas need help, you will get summoned wherever they are, are we clear, princess?” I nodded while still smiling at him. He sigh first before continuing, “I hope that you will finally fix your problem, especially, now that you’re already here,” I nodded again before the golden pin that I am holding float from my hand.
 
“Here, you favorite flower—” a golden flower while there’s a white glittery mist coming out from its middle. Kinuha ko ang lumulutang na bulaklak and when I already holding it, it suddenly glow. “Madami niyan dito at na sa iisang lugar, pero dahil nandito ka na ay paniguradong dadami na ang bilang ng mga bulaklak na gaya niyan dito,” all I can do again is nod while staring at my favorite flower. “You also need to be careful, princess. You can’t make it glow everywhere. You have to be careful, especially, there are greedy immortals here,” bilin niya bago namin parehong pina-nuod ang pagliwanag ng bulaklak na hawak ko.
 
Hindi daw malaman ang tawag dito but it’s known as golden flower. It wasn’t this flower’s original name but since it was nameless and no one knows what this flower’s original name, pinangalanan na lamang siyang golden flower.  
 
Ang bulaklak na ito ay kayang magpagaling ng malalang sakit at kayang buhayin ang patay na ngunit hindi ‘yon gano’n kadali. There’s only one person who can make it glow and use its power and that’s me. That’s why they want me to be careful because once that someone will learn about me—the person who can only make this flower glow then my life would be in danger.
 
My guardians told me that this flower is a legend and one of the mystic flowers—mystic plants. Mayroon daw isang pahina ng libro na kung saan nakasulat ang patungkol sa golden flower ngunit nawala daw ‘yon. But the person who read about the details of the golden flower wrote about it but it was kept hidden by the higher-ups.
 
“Mag-iingat ako, Arang,” sabi ko bago ngumiti sa kaniya.
 
“You should go back now, princess. You still need rest and be ready for your first day. Just enjoy your journey here, princess… goodbye…” he stood up while looking at me softly.
 
“Paalam…”
 
***
 
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Hindi muna ako dumilat at pinakiramdaman muna ang paligid at maya-maya pa ay may narinig akong boses—boses ni Merlia.
 
“Wake up sleepy head!” Sabi niya at tinanggal pa ang kumot na nasa katawan ko. Napamulat naman ako ng mata at umupo sa higaan. Nakita ko si Merlia na nakaupo sa tapat ko at nakatingin sa akin. Nang magtama ang paningin namin ay ngumiti siya. “Good morning!” Masiglang bati niya na ikinangiti ko naman.
 
“Morning,” antok na pagbati ko at napahikab pa.
 
“Inaantok ka pa?” Tanong niya na ikinangiti ko lang.
 
This little creature is really cute.
 
“Nga pala, may bisita ka. Hindi ko muna sila pinapasok dito sa silid mo dahil ang iingay nila. Baka magising ka kasi dahil sa kaingayan nila, eh,” napakunot naman ang nuo ko dahil sa sinabi niya. “Actually, kanina pang ten o’clock silang nandiyan sa sala,” pagpapatuloy niya.
 
Ten o’clock? Anong oras na ba?
 
Nakita ko naman siyang lumipad patungo sa pinto ng silid ko habang ako naman ay nagtanggal muna ng morning stars bago humarap sa pinto.
 
Nakakahiya naman kung humarap ako sa bisita na may muta.
 
Nang tapos na ako ay binuksan na ni Merlia ang pinto gamit ang kapangyarihan niya. Maliit lang ang pagkakabukas kaya hindi ko makita kung sino ang sinasabi niyang bisita ko daw. Tama lang ang siwang ng pinto para sa kaniya.
 
“She’s awake! You may come in!” I heard she say before opening my room’s door widely.
 
I waited for my visitors until I saw them and my eyes just widen in shock—oh, gods! They are here! Zephyr and Sarafina are here! Even the adorable Titiana is here!  
 
“HOPIE!” Matinis na tili ni Titiania kaya kita ko ang pagngiwi nila habang ako naman ay napangiti lamang lalo. Tumakbo naman siya papunta sa kinarorooan ko at hindi alintana ang liit niya sa pag-akyat ng mataas kong higaan.
 
So adorable.
 
Pagkarating niya sa taas ng higaan ko ay hingal na hingal siyang nginitian ako kaya natawa naman ako ng mahina. Binaba ko naman ang isang palad ko at nilahad sa harapan niya kaya tumungtong naman siya dito bago ko siya maingat na inangat.
 
“Hello, Tati!” Masayang bati ko dito. Ngumiti naman siya at niyakap ang tumb ko kaya natawa na naman ako.
 
Very cute.
 
Naramdaman ko naman na may tumalon sa higaan ko kaya napatingin ako do’n at nakita ang isang itim na pusa na mayroong dilaw na mga mata. Mayroon pang lumalabas na maliit na kidlat mula sa kaniyang katawan at mawawala din kalaunan. Zephyr. Ang isa namang pusa na kulay puti na mayroon namang tila diyamante na mga mata—emerald green at tila mayroong mga glitters ang lumalabas sa katawan nito. Sarafina.
 
Their fur are shining—Zephyr who has this masungit and suplado look while Sarafina has this soft and calm look. Kiniskis naman nila ang balahibo nila sa balat ko na ikinangiti ko naman lalo.
 
I missed them.
 
“Hello, there, Zep and Fina,” bati ko sa dalawa at hinaplos ang balahibo nila gamit ang isa kong kamay.
 
Si Zephyr at Sarafina ay mga electric cats na kapag matamaan ka ng kidlat nila ay magiging abo ka na lang bigla. Their lightning is simply destructive—dangerous—that’s why they are one of the scariest supreme guardians here in this realm.
 
“I’m happy to see you again, Hopie! We will always be together from now on!” Masayang wika ni Sarafina. Just like my other guardians, they can also talk—all of my guardians can talk.
 
Kung sino ang summoner, siya lang din ang makaiintindi sa kaniyang guardian. But my guardians are the only guardians who can talk like this. Hindi tulad ng ibang guardians na tanging ang kanilang summoner lamang ang makauusap nila at makaiintindi sa kanila.
 
“It’s good that you’re alone here,” Zephyr said before lying in my lap and closed his eyes. Napailing na lamang ako at hinaplos ang kaniyang balahibo. 
 
Zephyr is my impatient guardian. A short-tempered guardian—opposite from his sister who’s very calm and soft. Masungit at suplado rin si Zephyr at pili lamang ang kinauusap niya—total opposite of Sarafina.
 
“Tss! Old man,” Sarafina commented before lying on my bed too.
 
I see I won’t be alone here in my room…
 
***
 
Dahil tinatamad akong magluto ay nagtungo na lamang kami sa cafeteria. Sinamahan naman ako nina Merlia at Titiana. Habang naglalakad kami ay na sa unahan naman si Merlia, siya kasi ang nagli-lead ng daan. Nagpa-iwan ang magkapatid sa silid ko at hinihintay kami.
 
Nakasuot lang ako ng white T-shirt na may print na supreme, at above the knee maong short, naka-tsenelas lang din ako na color black, at nakalugay lang ang hanggang bewang kong buhok. Hindi naman bawal ang magsuot ng ganito sa academy. At saka, maaraw na—walang bakas ng pag-ulan ng nyebe kagabi.
 
Habang naglalakad kami ay biglang nagsalita si Titiana na nasa balikat ko and she’s invisible right now but I still can see her. “Hindi pa labasan ng mga estudyante kaya bilisan natin at baka maabutan pa nila tayo,” sabi niya kaya sinunod namin siya ni Merlia.
 
I am wearing a face mask right now so that no one can see my face. Pagkadating namin sa cafeteria ay nag-order na ako kaagad ng pagkain. Mayroong pagkaka-parehas ng pagkain dito at sa mortal na mundo habang nakahiwalay naman ang pagkain na dito lang talaga mahahanap o matitikman.
 
Merlia is also invisible and I don’t know why but I didn’t ask her. The staffs of the cafeteria are looking at me—curious about my existence but I just ignore them until I got my order and when to my room before the bell rings.
 
Lunch break.
 
***
 
I just stayed at my room all day—sleeping at kagigising ko lang. Nang tignan ko ang oras ay 4 PM na pala. Napahaba ang tulog ko at ng tignan ko ang mga kasama ko ay natutulog pa rin sila. Kanina, nang matapos kaming kumain ay natulog ako at mukhang nakatulog rin sila.
 
Tumayo na ako at sumilip sa bintana at nakitang madami na ang mga estudyante sa labas. 4:30 P.M kasi ang dismissal pero mukhang may naganap na meeting o kung ano kaya napaaga. Gumanda na rin ang panahon at hindi nga ako nagkakamali—magaganda ang mga bulaklak dito, pati na ang mga puno—the whole surroundings look beautiful and magical.
 
Natuwa naman ako dahil ang bintana kasi ng kwarto ko ay nakatapat sa mini park ng academy—mini park of dormitories—kaya natatanaw ko ang magandang kapaligiran. There are butterflies and pixies that flying from here to there at hindi ako magsasawang panuorin sila.
 
Maya-maya pa ay may narinig akong katok mula sa kwarto ko. Nang tignan ko kung gising na ba sila Titiana ay nakitang mahimbing pa rin ang tulog nila. Napangiti naman ako dahil nakauna si Merlia at Titiana kay Sarafina habang si Zephyr naman ay nagsosolo.
 
Lumabas naman ako ng aking kwarto upang alamin kung sino ang kumakatok mula sa aking pintuan. Pinakiramdaman ko muna kung sino ito at napangiti na lamang ako bago binuksan ang pinto.
 
Mimi.
 
She smiled at me and kissed my cheeks. Pinapasok ko naman siya dahil baka meron pang makakita sa kaniya sa labas. “I see, the siblings are here, so does Titiana and Merlia…” she said while looking at my room’s door where the siblings, Tati and Lia are sleeping but I got confused about what she said.
 
“Does you know about Merlia, Mimi?” I asked which made her smile at me.
 
Umupo naman kami sa sofa and we’re facing each other. “I do…” she said. “She’s the princess of pixie fairies—daughter of Queen Clarion,” she continued and it shocked me.
 
“Really?”
 
She smiled even more. “Yes, dear daughter. And she has been waiting for you…” I look in my room’s direction and remembered what Merlia told me when we first met—last night. “Princess Merlia is one of your guardians, sweetie,” napatango-tango na lamang ako bago binalik ang tingin kay Mimi.
 
That’s why she has a different aura than the other pixie fairies.
 
“Anyway, I am here to talk to you about things that I haven’t told you yet…” Mimi sigh while I’m just looking at her—waiting for what she will say next. “We have seven kingdoms here and I am one of the royalties here—a princess of one of the kingdoms—the kingdom of Luminaria. I am the first princess and I have a twin and she’s Leilah Emerald Watson—the current queen of Luminaria Kingdom,” this is my first time hearing about my Mimi’s family background and I can’t help but feel excited. 
 
“Our family was blessed by the deities to be the leader of a powerful institution which is the academy and my twin sister was the one who was supposed to be the headmistress but something happened and in the end, she became the queen and I became the headmistress of this academy,” she looked somewhere like she’s reminiscing something. “I met your father—Lance—unexpectedly and we used to hide our relationship from everyone because, at that time, I am already readying myself to take over the throne of our kingdom…
 
“Your father is a wielder of ice and to tell you, sweetie, your father is the sweetest, lovable man that I have ever met. I love your father very much that I am ready to take the risk and give up everything just to be with him…” she smiled sadly. “But, he was killed even after I learned that I am pregnant—hindi man lang niya nasilayan ang anak namin…” my mother is now crying that’s why I went closer to her and hug her tightly.
 
“I wanted revenge that’s why I made a thing which made my twin sister and my friends despise me… e-everyone is mad at me…” humihikbi na si Mimi ngayon at gusto ko na siyang patigilan. “They are mad at me without even asking me why I did that… no one even asks me if I am okay… if I am fine… no one knows about my suffering… I-I suffered in silence—the pain is torturing me and only Romina knows how much pain tortured me…” my mother cried even harder and the only thing I can do is hug her tightly.
 
I have no idea how my mother suffered in silence and that’s the most painful thing in this world. You have no one to tell how much you’re suffering—that no one even tried asking you how are you and if you’re just okay or fine. That, in just your one mistake, everyone despises you already and I can’t imagine what my mother has been through these years.
 
“The only thing that keeping me sane—the only reason to keep me moving is you, anak…” she looked at me before caressing my cheeks softly. “You are the reason why I keep on moving forward and even the whole world will despise me, as long as you’re with me, I won’t give up,” she smiled at me sweetly while I am looking at her softly. “That’s the reason why I didn’t choose to go back here… I am still afraid but I can’t run away from everything forever…” pinigilan niya ang mapahikbi. “Hindi ko gustong makaramdam ka ng sama ng loob sa kanila, anak. I don’t want you to despise them… I don’t want my child to be filled with hate and anger,” she copes my both cheeks and looks at me intently. “I am telling you this because you deserve to know and I don’t want you to be clueless because I know that in just no time, you will learn about that thing too. So, promise me that you won’t let yourself feel any negative feelings towards them,” I nodded at my mother without thinking twice.
 
Unless they disrespected you and hurt you, Mimi.
 
***
 
My father is already dead and he was killed by the leader of rebellions. Nakalulungkot naman, akala ko may chance na makita ko na siya dito. Kaya pala hindi mabanggit-banggit sa akin ni Mimi ang tungkol sa kaniya dahil panigurado akong apektado pa rin siya sa pagkawala ng tatay ko.
 
But even my father is already dead, my Mimi made him alive through her stories. She even gave me his picture and I have been staring at my father’s picture since my mother gave it to me.
 
Lancelot. Lance.
 
Ang gwapo at makisig na lalaki pala ang tatay ko. Sabi din ni Mimi ay pwede ko siyang dalawin sa puntod niya at sasamahan niya ako. While my mother is telling stories about my father, I can see the love in her eyes.
 
My mother also told me that there’s a missing princess—the daughter of the queen of the Luminaria Kingdom at magkasing-edad lamang daw kami. Until now she’s still missing and I think, that’s the reason why the queen is sad and the reason why it’s winter here when we arrived—and my mother confirmed it to me.
 
Umalis din kaagad si Mimi pagkatapos niya kaming paglutuan ng makakain. Gising na rin ang magkapatid at sina Tati at Lia. Mimi met my guardians when I was training to summon them and she knows about Lia because Queen Clarion and Mimi are close friends.
 
Hindi pa kami kumakain dahil maaga pa naman and I am in my room staring outside the window. Totoo ngang maganda ang tanawin kapag pagabi at gabi na. Madaming mga alitaptap ang na sa labas at lumilipad sila sa mga bulaklak at mga puno, ang iba naman ay lumilipad lang at pagala-gala—tamang pa-fly-fly lang.
 
Ang ganda.
 
Ang dami ring mga estudyante sa labas at may napansin naman akong isang grupo ng estudyante na naglalakad papuntang-bench na bakante—tatlo ang mga babae at anim ang mga lalaki pero hindi ko maaninag ang itsura nila dahil nakatalikod sila sa akin. Maliwanag naman sa labas at karamihan sa mga estudyante sa labas ay hindi na naka-uniporme.
 
I have no interest in them but then there’s a familiar face that caught my attention.
 
Clara.
 
***
 
Ngayon ang first-day ko bilang isang Beta. Nakasuot na ako ng uniform ko at ang uniform nila dito ay long sleeve blouse na may one lining black sa dulo ng sleeve at nakapatong ang white vest. Ribbon naman sa babae at necktie sa lalaki.
 
Kulay red, navy blue at white ito na striped, ang sa skirt ko naman ay kasing kulay lang ng ribbon ko with my logo, bilog na gold pin at nakalagay ang letter B na color violet at nakapalibot dito ang mga logo ng fire, water, air, earth, light, and ice.
 
Naka-black combat shoes ako, habang nakalugay lang ang buhok kong straight. Nang okay na ang lahat ay sinuot ko na ang leather bag ko at muling tumingin sa salamin. Perfect! Bago ako lumabas ay sinuot ko muna ang salamin ko dahil sabi kasi ni Mimi, mag-disguise muna ako dahil baka magtaka ang mga immortal dito kung bakit kamukhang-kamukha ko si Mimi.
 
Mas maganda nga lang ako.
 
“Dito muna kayo, ha? ‘Wag pasaway,” bilin ko bago tumingin kay Zephyr. “Lalo ka na Zephyr,” Zep only roll his eyes at me.
 
Sungit!
 
“Yeah. Yeah. Whatever,” sagot naman nito kaya napangiti ako.
 
“Hopie, hindi kita makilala dahil sa laki ng mata mo,” sabi ni Titiana habang nakatulala sa akin dahilan upang mapatawa naman ako.
 
Kanina pa sila nagrereklamo na ‘wag ko daw isuot ang salamin ko kaya pinaliwanag naman ni Zephyr kung bakit, kaya wala na silang nagawa pa. Mimi also gave me this one yesterday.
 
“Call us when you need help. Kapag hindi mo kami tinawag ni isa sa amin ay kusa akong lalapit sa ‘yo, sinasabi ko na sa ‘yo!” Pagbabanta naman ni Zephyr na ikinailing ko na lamang.
 
Batas yarn?
 
Nagpaalam na ako sa kanila bago lumabas. Ano na ring oras at ayaw ko namang ma-late. Pagkalabas ko ay madami ng mga estudyante ang papuntang dining hall at napansin ko namang napapatingin sila sa direksyon ko at pagkatapos ay magbubulong-bulungan pero rinig ko pa rin naman ang mga sinasabi nila.
 
Mga marites!
 
“Bago ba siya dito?”
 
“Another nerd na mabu-bully dito.”
 
“Wait, look at her logo! It’s letter B!”
 
“Kung Betas siya, eh, bakit dito ang floor niya?”
 
“Good luck sa kaniya dahil paniguradong mabu-bully siya.”
 
“Wait? Betas? Malakas ba ‘yan? Mukha namang weak!”
 
Iilan lang ‘yan sa mga naririnig ko. Kung dati ay ako ang campus princess, ngayon naman, mukhang campus nerd na ako ngayon. But what they said made me shook my head. Mayroon pa rin pa lang mga bully dito, huh. I just hope that those bullies won’t touch me because if they did, they will face the masungit na Zephyr.
 
Binagalan ko ang lakad ko para mauna sila—ayaw kong may kasabay, eh, bakit ba? Nang wala na sila sa paningin ko at nasisiguro ko nang ako na lang ang mag-isang naglalakad ay tinignan ko ang relo ko.
 
7:20 A.M
 
Maaga pa naman. May ten minutes pa ako—pero mabilis lang din naman lumipas ang ten minutes, eh. Nang na sa pinto na ako ng dining hall ay huminga muna ako ng malalim at pagkatapos ay binuksan ko na ito.
 
Pagkapasok ko ay napansin kong napatigil ang lahat ng estudyante sa loob ng dining hall at napatingin silang lahat sa akin. Luh. Artista yarn? Yumuko na lang ako ng bahagya at pasimpleng naghanap ng upuan. Habang naghahanap ako ng mauupuan ko ay nakarinig na naman ako ng mga bulungan.
 
Pati dito may mga marites!
 
“Is she new here?”
 
“Hindi ba halata, ‘te?!”
 
“Nerd? Naku, may kawawa na namang nilalang ang mabibiktima ng mga bullies.”
 
“She’s weird, huh.”
 
Hindi pa rin talaga ako graduate sa pagiging topic ng mga marites. I think, I should get used to it but this is also the reason why I hate attention. Habang naghahanap naman ako ng mauupuan ay may lumapit sa aking pixie. Unlike kay Queen Clarion at Merlia ay simple lang itong pixie.
 
“Follow me, Missy,” sabi niya and her voice is so cute!
 
Pinigilan ko namang ngumiti dahil baka isipin ng mga estudyante dito na baliw na ako—pero paki ba nila? At saka, kaharap ko naman ang pixie, ah. Sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa isang bakanteng upuan. Nang tignan ko ang mga nakaupo dito ay iba-iba ang kanilang mga reaksyon.
 
Ang iba ay nakakunot ang nuo na para bang nagtataka, pero ng makita nila ang pin ko ay parang walang nangyari. Ang iba ay parang hindi ako tanggap na ewan dahil sa sungit ng mga itsura nila. Here we go now! Ang iba naman ay nagagalak dahil may bago na daw silang kaklase, at the rest, wala nang pakialam.
 
Umupo na ako dahil nakatingin pa rin sa akin ang mga estudyante. Pero hindi nakaligtas sa paningin ko ng may napansin ako sa table namin na isang babae na mataman na nakatingin sa direksyon ko at nakaupo siya sa aking harapan kaya hindi ko mapigilang mapatingin din sa kaniya at nang magtama ang mga mata namin ay tumagal ng ilang segundo at naputol lang ito ng marinig namin ang pagbukas ng pinto.
 
Genevieve.
 
Nakita ko na din siya sa wakas pero mukhang hindi niya pa alam na nandito na ako at mukhang hindi niya pa rin ako nakikilala dahil sa suot kong salamin. But once she learn that I am already here and she doesn’t know, lagot talaga ako sa kaniya.
 
Hindi ko na muli siyang tinignan at bumaling na lamang kung sino ang mga pumasok. Hindi pa ako nakaka-move on sa nakita ko kanina ay mas lalo naman akong natigilan sa nakita. Just what like I’ve thought. She’s also one of the members of Alphas.
 
Nang makapasok sila ay nawala ang atensyon nila sa akin. Nakita ko namang umupo sila sa table para sa Alphas na medyo malapit sa amin kaya kitang-kita ko sila.
 
Hindi ko pa sila kilala kaya hindi ko alam kung sino-sino sila, pwera na lang kay Odette —Clara Odette na kitang-kita ko dahil nakaharap siya sa akin habang kinauusap niya ang babaeng maputi at hanggang balikat ang buhok.
 
Iniiwas ko na lang ang paningin ko at nararamdaman ko na naman ang mga titig ng mga katabi ko. Alam kong maganda ako, okay? Maya-maya pa ay nagsidatingan na ang mga teachers including Headmaster Cadmus and Queen Clarion. Mayroong kaunting pagbati at pagkatapos no’n ay nagsimula na kaming kumain ng umagahan.
 
***
 
Papunta ako ngayon sa garden ng academy dahil refreshing dito sabi ni Merlia kaya dito muna ako pupunta. Maaga pa naman at may fifteen minutes pa ako para magpahangin.
 
Umupo ako sa pinaka-malapit na bench at tinignan ang mga bulaklak na nakatanim at mga nagsisiliparang mga paru-paro. Ipinikit ko ang aking mga mata upang damhin ang sariwang hangin na tumatama sa balat ko.
 
Peaceful.
 
Maya-maya pa ay nakaramdam ako ng presensya sa likod ko kaya napamulat ako ng mga mata at lumingon sa kung saan ko naramdaman ‘yon. Ngunit nagulat ako ng makita siya na umiiyak habang nakatingin sa akin at hindi ko mapigilan ang sariling pagmasdan siya.
 
Hindi pa rin siya nagbabago—walang nagbago sa katawan niya. She’s still sexy with a white skin, long hair, and became more gorgeous. Habang sinusuri ko siya ay namalayan ko na lang na tumakbo siya papalapit sa akin at dinambahan ako ng yakap. Dahil sa ginawa niyang ‘yon ay tuluyan na siyang napahagulgol. That’s why I also hugged her back.
 
Oh, my hope! I missed her. I missed this crazy girl.
 
Nang bumitaw na siya ng yakap sa akin ay bigla niya na lang akong pinalo sa kanang braso ko kaya hindi ko mapigilang mapangiwi. “Ouch! What was that for?” Tanong ko habang hinihimas-himas ang pinalo niya.
 
Nakapa-bayolente talaga ng babae na ‘to!
 
“Anong ouch-ouch ka diyan?!” Expect her non-stop questions already. “Bakit hindi mo sinabi sa akin na dito ka na pala mag-aaral?! Kailan ka dumating?! Sino kasama mo?! Alam mo bang lagi kong hinihiling na sana makita na kita?! Kung hindi ko pa napansin ‘yang keychain mo na binigay ko, hindi pa kita makikilala! Ano?! Kailan mo balak sabihin sa akin na ikaw ang best friend ko?! Ha?! SAGOT!” Nanlilisik ang mata niyang wika habang pinupunasan ang luha niya. Sunod-sunod din ang tanong niya na hindi ko na maalala ang iba.
 
Na-miss ko ang best friend ko. Mwehe.
 
“Ito naman, eh! Sa dami mong tanong, hindi ko na maalala lahat! At saka, ang gandang bungad, ha,” sumimangot ako sa kaniya ngunit tinapatan lang din naman niya ako.
 
“Tss! May kasalanan ka sa akin! Dahil diyan, sagot mo ang lunch at dinner ko! Magpapalipat na din ako sa kwarto mo!” Sabi niya ng tumahan na siya.
 
“Luh. Desisyon?” Hindi ko mapigilang saad naikina-irap naman niya.
 
“Aba’y, oo! Subukan lang nilang hindi pumayag!” Pinigilan ko namang matawa dahil sa sinabi niya.
 
“Ano ka, batas?!” Asar ko naman dito na ikinasama naman ng tingin niya sa akin kaya natawa na lamang ako.
 
“Madami ka lang utang sa aking chika kaya humanda ka mamaya!” Luh. Marites pa rin talaga ang babae na ‘to. “Halika na nga at baka male-late pa tayo,” yaya na niya kaya nagpahila na lang ako sa kaniya.
 
Here we go now…
 
***

Lumina Academy: Light and Shadow (Realm Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon