Chapter 34: The Reason Behind Her Fear

18.2K 622 21
                                    

Chapter 34: The Reason Behind Her Fear
 
Bumuntong-hininga ako habang pinanonuod lang si Aiden na linisin ang kalat namin. Ayaw niya akong patayuin at patulungin kaya nakaupo pa rin ako habang siya ay naglilinis. Pero maya-maya pa ay may naramdaman akong kaiibang enerhiya na mukhang naramdaman din niya dahil napatigil siya sa kaniyang ginagawa. Nagkatinginan kami bago siya lumapit sa akin at tinulungan akong tumayo habang naka-alalay pa rin siya sa akin.
 
“They’re here,” he said na ikinangiti ko naman bago lumingon kung saan ko nararamdaman ang enerhiya hanggang sa mayroon ng liwanag ang paunti-unting lumalabas. Naghintay kami ng ilang minuto hanggang sa may makita na akong mga pigura na ikinasaya ko. Nakangiti ako ng malawak at tatakbo na sana papalapit sa kanila ng bigla akong pigilan ni Aiden sa bewang. “Don’t run,” pigil niya na ikinasimangot ko na lamang kaya tumingin na lang ako sa kanila.
 
Nakita ko naman sina Gwen, Lucas, at Kuya Logan na lumabas sa portal at ng inilibot nila ang kanilang paningin ay kaagad nila kaming nakita. Dahil nakatingin ako kay Gwen ay nakita ko ang panlalaki ng kaniyang mga mata at maya-maya pa ay namuo ang luha sa mga mata niya bago siya tumakbo papalapit sa amin.
 
She hug me immediately and later on, I just heard her crying that made me frown. “Lara! A-Alam mo bang sobra kaming nag-alala sa inyo? Buti na lang talaga may tumulong sa amin!” Sabi niya habang patuloy sa pag-iyak na ikinatawa ko naman ng mahina bago hinimas ang kaniyang likod.
 
“Don’t worry, we’re safe—we’re here now,” saad ko dito na ikinahiwalay niya ng yakap sa akin.
 
Kitang-kita ko kung paano siya naluha habang nakatingin sa akin na ikinatawa ko na lamang. She’s so cute, I swear, and I can say that she’s really worried about us. “Buti na lang magkasama kayo ni sungit,” bulong niya sa akin na ikinatawa ko naman lalo. She wiped her tears before hugging me again. “I’m glad you two are okay,” wika niya na ikinangiti ko na lamang muli.
 
“Good to know that you two are okay,” napalingon naman ako sa nagsalita ng humiwalay sa akin si Gwen at nakita si Kuya Logan na nakatingin na rin pala sa akin.
 
Yeah, I am calling him ‘Kuya’ now kahit hindi kami close.
 
I noticed that the brothers are looking at me and I can’t read them that’s why I just smiled at them before looking at Aiden that also looking at me. I suddenly felt exhausted and I won’t wonder anymore if I will lose consciousness once we entered the portal. Hindi na ako nagulat ng muli akong binuhat ni Aiden and my arms are automatically sneaked in his neck habang ang tatlo naman ay pinanonuod lang kami at hindi nakatakas sa paningin ko ang mapanuring tingin ng prinsesa.
 
“Let’s go. Before vampires will smell our blood again,” Aiden’s tone was emotionless again. They nodded before turning their back on us at tila nakahinga ako ng maluwag bago ko napansing sinuot niya ang sapatos niya.
 
Nakahihiya ang posisyon namin ngunit imposible naman ding pakawalan niya ako dahil sa higpit ng hawak niya sa akin. When Gwen and the Watson brothers turned their back on us, naramdaman ko na lamang ang pagpisil niya sa bewang ko kaya bahagya akong napaigtad sa gulat. Nanlalaki naman ang mata kong tinignan siya at napansin ko ang nakatagong ngisi sa labi niya kaya hindi ko mapigilang paluin siya ng mahina sa kaniyang balikat.
 
Hindi niya ako tinapunan ng tingin ngunit kita ko pa rin ang mapang-asar niyang ngisi. Napailing na lamang ako hanggang sa sumunod na siya sa tatlo at pumasok sa portal. Hinigpitan ko naman ang kapit ko sa kaniya—natatakot na baka mahiwalay ako sa kanila bago ko isinandal ang aking ulo sa balikat niya at ipinikit ang mata.
 
As we entered the portal, I can’t help but wonder—nagtataka kung paano nila nagawang buksan ang portal upang masundo kami. Hindi ‘yon gano’n kadali and it was rare to have that kind of ability. But I just encountered one. Kahit gusto kong magtanong ay hindi ko na maibuka sa bibig ko. Wala na akong lakas dahil pakiramdam ko ay wala ng lalabas na boses oras na magtanong ako.
 
“Sleepy?” It was Aiden and I felt him leaning in my ears and there’s his sweet and gentle voice again.
 
Oh, how I love hearing that tone from him…
 
Tumango na lamang ako bago ko naramdaman na parang hinihigop na kami kaya pumikit na ako ng mariin at binaon ang mukha sa kaniyang leeg.
 
I hate using portals!
 
***
 
“Buti na lang talaga at may iba pang paraan upang mabuksan ang portal ng ibang realm kaya nakabalik kayo!” Said Gen habang siya ay kumakain.
 
Nandito kami ngayon sa flower bed garden at nagpapahangin. Caelum is also with us and he’s been so clingy to me—he became more clingy since I came back. Ayaw niya ng bumitaw sa akin at parang takot na siyang mawala pa ako sa tabi niya. Kahapon pa kami nakabalik at buti naman ay okay na ang lahat at tama nga ako dahil sobrang nag-alala sila sa amin—sa akin. Lalo na si Mimi na ilang araw din daw walang tulog.
 
Naawa nga rin ako sa anak ko dahil nalaman kong iyak siya ng iyak dahil hinahanap ako. Ilang araw rin pala kaming wala dito kahit na parang isang araw lang kaming magkasama ni Aiden sa ibang realm. I’m also grateful because that man—who named Nelson was already dead. Thanks to Penelope, of course. Ikinuwento ko naman ‘yon kay Gen na nag-alala na naman pero sabi ko, okay na ako at patay na ang lalaking ‘yon.
 
Galit na galit si Mimi ng sabihin ko kung sino ang may pakana ng nangyari. She’s also very worried about me when she learned that we encountered so many vampires, but I said, I think, I already faced my fear. Pero hindi pa ako sigurado kung tuluyan na bang nawala na ang takot ko sa kanila dahil nando’n pa rin yung ala-ala naming tatlo na kamuntikan na naming ikinamatay…
 
The reason why Odette and Genevieve broke apart.
 
At the age of seven, magkakikilala na kaming tatlo nina Odette, at Gen. I’m the youngest kaya naman parang baby ang turing nila sa akin. Odette is the oldest and Gen is the middle. We were like sisters and we were very close. Hanggang sa tumungtong kami sa edad sampu at lalo kaming naging close at hindi na mapaghiwalay pa.
 
Hindi kami pinapayagang umalis ng bahay kung hindi kami magkakasama. Kaya kapag galaan, hindi pwedeng wala ang isa sa amin. Gen is living with her grandparents while her parents are working. Bata pa kami kaya hindi namin alam kung ano’ng trabaho nila at hindi naman nila sinasabi sa amin o ipinaliliwanag sa amin ng maayos kung ano ba ang kanilang trabaho.
 
Oddie and I are close to Gen’s  parents and grandparents dahil lagi kaming na sa bahay nila at tumatambay sa likod ng bahay nila since may garden do’n at patungo rin ‘yon sa gubat. While Oddie, she’s just with her mommy at sabi niya, may trabaho raw ang daddy niya sa lugar kung saan nando’n rin ang parents ni Gen ngunit ng minsan itong umuwi ay pinakilala niya kami sa daddy niya.
 
“Punta tayo do’n!” Napalingon naman kami ni Gen ng ituro ni Odette ang palaruan na malapit lang sa bahay nila.
 
Hapon na kaya hindi na mainit at malaya kaming naglalakad. Wala rin naman kaming kasamang nagbabantay sa amin dahil busy sila ngayon. At saka, malapit lang naman ang pupuntahan namin, eh. Pumayag na lang kami ni Gen at naglaro sa playground. May iilang bata rin kaming kasama pero maya-maya pa ay napatigil na lang kami dahil may kaiiba kaming naramdaman.
 
Those times, we already aware of who we are and we learned that we’re feeling hybris demons nearby—the kind of demons that similar with vampires. They are also bloodsucking creatures and are dying to drink immortal’s blood, especially, if you are a royalty. Sa una, ang akala namin ay mga hybris demons ang mga nararamdaman namin pero nagkamali kami dahil maya-maya pa ay bigla na lamang hindi gumalaw ang mga tao’ng na sa paligid namin at parang nahipnotismo sila.
 
Nagkatinginan kami at tatakbo na sana ng bigla na lamang may tatlong lalaking mapupula ang mga mata ang humarang sa amin at nilabas ang kanilang mga matutulis na pangil. Mukha silang wala sa sarili—hindi normal ang kanilang itsura at malayong-malayo ito sa isang normal na bampira. With that thought, we learned that they are the rogue vampires.
 
Nag-umpisa na kaming kabahan dahil alam naming panginib ang ibig sabihin nito. “Mommy! Daddy!” Iyak ni Gen kaya naman kaagad kaming napatakbo papalapit sa kaniya at niyakap siya. Sa aming tatlo ay siya talaga ang pinaka-matatakutin, habang si Oddie ang pinaka-matapang.
 
“Kunin ang tatlong prinsesa!” Bigla namang may sumigaw na ikinagulat namin at dahil mga bata pa lang kami ng mga panahon na ‘yon ay wala kaming nagawa ng bigla na lang nila kami hinawakan sa aming mga braso at kinaladkad.
 
Iyak na rin ng iyak si Gen habang si Oddie naman ay nagpupumiglas. While me? I looked at my surroundings and saw the other vampires killed the kids and their nannies. They drunk their blood until it drained them. Kitang-kita ko kung paano nila ubusin ang dugo ng mga biktima nila at isa rin ‘yon sa dahilan kung bakit ako natakot sa kanila.
 
We maybe have powers but we are still kids back then. Hindi pa rin namin bihasa ang kapangyarihan namin at nahihirapan pa rin kaming kontrolin ang aming kapangyarihan. Even we push ourselves to use our power, we might cause chaos once we do that. I just hope that Mimi will find us as soon as possible because I don’t want to die yet—we don’t want to die yet.
 
Napaiyak na lang rin ako dahil sa nasaksihan at hindi ko mapigilang manginig sa takot. That scene was so cruel to witness by a young child like me and it gave nightmare to me. Those humans don’t deserve to die in such a cruel way… those kids who died at a young age… those humans who were killed that left their loved ones behind. They were killed in such a cruel way…
 
Bigla na lamang nila kaming binuhat at mabilis na umalis sa lugar na ‘yon at hindi na namin alam kung saan nila kami dinala at tanging iyak at hikbi lamang namin ni Gen ang maririnig. Wala kaming laban at tanging pag-iyak lamang ang nagawa namin. Hindi namin alam kung saan nila kami dadalhin at kung ano ang kailangan nila sa amin. Until we reached the abandon house at ng makapasok kami dito ay nakarinig na lang kami ng samut-saring iyak at mga sigawan na tila pinahihirapan sila kaya mas lalo kaming natakot.
 
“Mommy! Daddy!” Muling sigaw ni Gen pero tinawanan lamang siya ng may buhat sa kaniya. Tahimik lang naman akong umiiyak habang papasok kami sa abandonadong bahay.
 
“Get off of me!” Napapikit na lamang ako ng marinig ko si Oddie na nagpupumiglas sa pagkakabuhat sa kaniya ng isang bampira.
 
“Aba, putangina! Pasalamat ka at gusto ng panginoon na buhay kayong tatlo na ipunta dito dahil kung hindi, baka ubos na ang dugo niyo!” Pananakot nito at kitang-kita ko kung paano naging pulang muli ang kaniyang mga mata.
 
Naramdaman siguro nito na nakatingin ako sa kaniya kaya lumingon siya sa akin at ngumisi ng nakatatakot kaya napaiwas ako ng tingin. Maya-maya pa ay mabilis nila kaming inilapag sa isang kulungan at nakita namin ang mga bihag nilang duguan at ang iba pa ay parang wala ng buhay. Napaiyak na lang kami lalo dahil sa nakikita naming mga duguan. Ang iba pa ay umiiyak at nagmamakaawang pakawalan na sila.
 
Napayakap na lang kaming tatlo habang si Oddie ay pinatatahan kami. I closed my eyes because I can’t stand seeing the dead bodies on the ground while the others are bathing in their blood and fighting their death. Another cruel scene for me—for us that I don’t want to witness anymore. I hate cruelty and I don’t like violence but what I am seeing right now breaks my heart.
 
Mimi…
 
“Shhh… makakauwi rin tayo. Tahan na,” pagpapagaan ng loob ni Oddie sa amin kaya napayakap na lang kam sa kaniya ng mahigpit. Pero maya-maya pa ay nanginig na lamang kami sa takot ng may marinig kaming parang nilalatigo at kasunod no’n ay ang malakas na sigaw—na sasaktang sigaw.
“Parang awa niyo na! Pakawalan niyo na kami!”
 
Napaiyak na lang kami lalo at lalong isiniksik ang katawan kay Oddie. She’s also scared ngunit tinatatagan niya ang kaniyang sarili para sa amin. Hanggang sa maya-maya pa ay may naramdaman kaming isang presenya kaya napatingin kami kung sino ‘yon. Pero dahil sa takot namin ay napahakbang kami palayo dito ngunit ngumiti ito na ikinakalma namin.
 
“Don’t worry, young ladies, I won’t hurt you… trust me,” malumanay na wika nito habang siya ay nakangiti pa rin sa amin. Mayroon itong maamong mukha ngunit napansin kong nagdurugo ang kamay niya. Tinitigan lamang namin siya kaya naman nguniti siyang muli at lumuhod sa harapan namin. “Don’t worry, makaaalis rin kayo rito. Tatakas tayo kaya ‘wag na kayong umiyak pa,” malumanay niyang wika na nagpakalma sa akin.
 
Mimi told me that I should not talk to strangers and don’t trust them easily but, this man in front of us have this power to make us feel at ease and feel better despite of what’s happening right now. His soft blue eyes are calming us down, especially, his soft smile that making us feel safe. Kaya hindi na ako nagtaka pa ng kumalma kami, na kahit si Oddie na hindi umiiyak ay kumalma na rin. She’s scared but she’s not showing it dahil alam niyang mas lalo kaming mawawalan ng pag-asa oras na makita namin siyang natatakot.
 
“Just call me grandpa, young ladies,” wika niyang muli habang nakangiti sa amin. “Tara, do’n tayo sa apo ko,” yaya niya kaya nagpaubaya kami.
 
Iniiwasan kong madikit sa mga taong wala ng buhay, lalo na ang makatapak ako ng dugo. Takot na takot ako at sa tuwing makakikita ako ng dugo ay nakikita ko ang mga mata ng mga bampira. Nagpatuloy kami sa paglalakad habang inalalayan niya kami hanggang sa makarating kami sa pinakadulo ng kulungan na ito na kung saan ay walang dugo o katawang wala ng buhay.
 
Gusto kong takpan ang ilong ko dahil ayaw ko ng amoy pero hindi ko na ginawa pa dahil wala rin namang saysay ‘yon dahil masyadong malakas ang amoy at wala ako sa tamang oras upang mag-inarte. Malinis ang parte kung saan kami dinala ni grandpa at dahil kanina ko pa inililibot ang paningin ko ay napansin ko ang isang batang lalaki na tulalang nakatingin sa kawalan—kahawig ni grandpa at ito na siguro ang sinasabi niyang kaniyang apo.
 
Lumingon muna ako kina Oddie at nakitang kasama naman sila ni grandpa kaya lumapit ako sa batang lalaki at umupo sa tapat nito at hindi ko alam kung bakit ko ‘yon ginawa. Hindi na rin ako umiiyak at salamat ‘yon kay grandpa na pinatahan hindi lamang ako kung ‘di si Gen na rin. I innocently looked into his blue eyes—just like his grandfather and it looks like he noticed me that made him frown at maya-maya pa ay tumaas ang kilay nito bago ako nilingon.
 
Bata pa lang, ang sugit na. Hmp!
 
“You… okay?” Mahinang tanong ko dito pero sinagot niya ako ng isang ngisi.
 
“I should be the one who’s asking you that,” saad niya habang mayabang na nakangisi sa akin na ikina-simangot ko naman. “Are you okay? You looked scaredy-cat earlier,” he continued which made me pouted.
 
“I’m not scaredy-cat… naawa lang talaga ako sa m-mga…” napalunok ako dahil hindi ko matuloy-tuloy ang sasabihin ko dahil bumalik na naman sa isipan ko ang ala-alang nangyari kanina. Because of that thought, I feel like crying again.
 
“See? You’re a scaredy-cat,” he said and chuckled that made me irritated. Ang takot na nararamdaman ko kanina ay napalitan ng inis at umurong ang luha ko.
 
Ang yabang ng bata na ‘to! Bakit ko ba kasi ito naisipang lapitan?! But then, it is also a good thing because he made me forget what happened earlier. Inirapan ko na lamang siya at tumingin kina Gen at Oddie nankasama si grandpa at akmang tatayo na sana ng bigla na lamang may sumabog sa labas na ikinasigaw naming lahat dahil sa gulat.
 
“Apo, hold her!”
 
Namalayan ko na lamang na hawak-hawak na ako ng batang lalaki at itinago sa kaniyang likod. Ang kamay niyang nakahawak sa wrist ko ay lumipat sa kamay ko at dahil sa takot at kaba ay napakapit na lang ang kanan kong kamay sa braso niya. We looked at the door at saktong bumukas ito at niluwa ang lalaking naka-black hooded cape at hindi kita ang kaniyang mukha.
 
But I noticed how he smell the air at dahil kita naman ang bibig niya ay nakita ko kung paano ito ngumisi ng nakatatakot. His lips are black too before I heard his voice. “Royalties…” ang lalim ng kaniyang boses at nakakikilabot kaya lalo akong natakot.
 
I looked at Oddie and Gen and saw them hiding from grandpa’s back and grandpa was protecting them. Tumingin naman ako ulit sa harapan at nakitang nando’n pa rin ang lalaki. This is the first time I felt useless. I maybe have power and guardians but I can not just use it and summon my guardians because of a lot of reasons and it frustrates me even more.
 
“Hold me tight…” I looked at the boy and nodded at him.
 
“Hmm… one… two…” he started to count while still smirking at hindi ko alam kung kanino o kung saan ba siya nakatingin. Mimi said, the hybris demons have similarities with the vampires but they are not drinking human blood. They only like immortal’s blood—especially, the royal blood. “Four royalties are here, huh?” Rinig kong wika nito at tumawa ng nakatatakot.
 
Napalunok na lamang ako at napahigpit ang kapit ko sa batang lalaki na matapang na hinaharang ang katawan sa akin na tila pino-protektahan ako. But then later on, nagkaroon na naman ng pagsabog at maya-maya pa ay naramdaman ko na lamang na hila-hila na ako ng lalaking ito habang nakasunod kami sa tatlo. Abot-abot ang kabang nararamdaman ko dahil alam kong mahuhuli rin nila kami dahil mabibilis silang tumakbo.
 
Pero, nanlaki na lamang ang mga mata ko ng makita ko si grabdpa na nagpakawala ng madaming flame attacks sa kamay niya habang tumatakbo kami. May naririnig na rin akong kulog at kidlat na mukhang uulan pa yata, but I can feel that it is more than that. Parang nagbibigay ng mensahe ang kulot at kidlat na ‘yon sa amin. Hindi ko na nasundan pa ang mga pangyayari, basta ang alam ko ay tumatakas na kami.
 
Nakalabas kami sa bahay at papasok na kami sa kagubatan—palayo sa mga kalaban. I don’t know what exactly happening but what matter most is that we’re now escaping. Hindi kami naabutan ng mga hybris demons o bampira dahil sa mga pinakawalang atake ni grandpa kaya nakahinga ako ng maluwag at patuloy sa pagtakbo habang hila pa rin ako ng batang lalaki.
 
Ngunit… akala ko lang pala ‘yon.
 
“Hide!” Rinig kong sigaw ni grandpa kaya sinunod namin siya. Nagtago kaming apat sa isang malaking puno habang siya naman ay hinarap ang madaming kalaban. Rinig na rinig ko ang hikbi ni Gen habang pinapatahan siya ni Oddie.
 
“Grandpa…” rinig kong bulong ng katabi ko kaya napalingon ako sa kaniya at nakita ang pag-aalala sa kaniyang mga mata habang nakasilip kami sa kaniyang lolo na nakikipaglaban na ngayon. “No…” napalingon ako sa kinaroroonan ni grandpa at nakitang natamaan siya ng mahahabang kuko ng bampira na dahilan upang tumilapon siya.
 
Nag-alala na kami ngunit hindi kami maaaring lumabas sa pinagtataguan namin. I noticed that the enemies lessened in just a minute but grandpa is already feeling weak. He is strong, yes, but I think, he’s already feeling weak even before he approached us. Nang kakalmutin na sana siyang muli ng bigla na lang tumakbo ang katabi ko sa lolo niya—releasing a massive flame ball which killed a lot of enemies.
 
Nanlaki ang mga mata namin dahil sa nakita ngunit kapansin-pansin ang kaiiba niyang apoy. His flame was like just his grandfather ngunit mas matingkad ang kulay ng kaniyang apoy kaysa sa kaniya lolo. We watched him approach his grandfather ngunit hindi namin namalayang may humawak na sa aming mga braso kaya nagpumiglas kami kahit na alam naming wala kaming kalaban-laban sa kanila.
 
“Bitawan niyo kami!” Muling sigaw ni Oddie at nakita ko na lamang na nagyelo ang dalawang kamay ng bampira na nakahawak sa dalawang braso niya.
 
Nagulat ako dahil ito ang unang beses na nagawa niya ‘yon. Dahil din sa nangyari ay nakawala siya at sinubukan niya muling gawin ang ginawa and this time, itinapat naman niya ang kaniyang kamay sa ng dalawang bampirang may hawak sa amin ni Gen at mayroong lumabas na matutulis na yelo na kaagad na tumama sa mga bampirang may hawak sa amin kaya nakawala din kami. Kaagad naman kaming napatakbo kung na saan ang dalawang tumulong sa amin at naawa na lamang ako dahil sa natamo ni grandpa.
 
Ang batang lalaki naman ay umiiyak na rin habang tinatawag ang kaniyang lolo na hindi na gumagalaw kaya napaiyak na rin kami. Do’n ko din napansin ang may dalawang tuldok sa kaniyang leeg at namumutla na rin siya. A vampire bit him and just by looking at him, I know that he just left this world already—leaving his grandson heartbroken.
 
“Grandpa!” Iyak lamang ng iyak ang batang lalaki habang kami ay tahimik ring umiiyak. Wala ring mga kalaban na sumusugod sa amin pero alam kong malapit na sila at hindi na kami pwedeng magtagal pa rito. Bigla namang tumayo ang batang lalaki at tinignan kami ng may lungkot sa mga mata habang lumuluha pa rin. “He said that I should bring you to our real world…” he said at itinaas ang kamay niyang may hawak na crystal ball at nagliliwanag ito.
 
But what he said made us frown and before we even ask what he mean, bigla na lamang nagliwanag lalo ang kaniyang hawak at nakasisilaw ito hanggang mawala ito ngunit mayroon na lang lumabas na tila black hole sa gilid namin kaya napatingin kaming lahat dito.
 
“We shoul—” hindi na natuloy pa ang sasabihin ng batang lalaki ng bigla na lamang kaming nakarinig ng ingay kaya nanlaki ang aming mga mata ng may mapagtanto. “The vampires are here! We should go now!” He hurriedly said at hinawakan ako sa aking kamay at akmang hihilain patungo sa black hole ng pigilan ko siya.
 
“No!” Nagulat naman siya sa sinabi ko bago ko binawi ang kamay ko mula sa kaniya. “We have family here…” wika ko habang nakangiti na ikinatango naman ng dalawa. “You should go now and save yourself. Your grandfather saved you so don’t waste it,” lumambot naman ang itsura niya habang nakatingin sa akin pero maya-maya pa ay bigla na lang napalitan ‘yon ng pag-aalala.
 
“But you will die here! So, come with me and save yourself too!” He stubbornly said but I only shake my head with disapproval.
 
“Don’t worry… we will see each other again that’s why save yourself and wait for me… we will meet again, I promise,” wika ko habang nakangiti pa rin sa kaniya. Lumambot muli ang kaniyang mukha at bigla na lamang akong niyakap and I noticed that grandpa’s body was floating and it was coming where the black hole—where the portal is.
 
“I will hold on to that… and I promise to wait you until we meet again,” rinig kong saad niya kaya napayakap ako pabalik sa kaniya at hindi mapigilang lumawaka ng ngiti.
 
“Take care yourself and wait for me… don’t forget me, prince of fire…” that was the last thing I said before I pushed him in the portal while smiling at him sweetly.
 
***
 
Author’s note:

DO VOTE! DO VOTE!

Lumina Academy: Light and Shadow (Realm Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon