Chapter 46: Greenhouse
“Emerald…” napatingin naman kaming lahat kay grandma ng magsalita siya na parang warning ‘yon sa isang bagay na hindi ko alam.
Then Queen Emerald looked at grandma innocently. “That’s her name, right, mother?” Takang tanong nito sa kaniya pero parang nagbabanta pa rin ang klase ng tingin ni grandma sa kaniya.
Queen Emerald just keeps looking at grandma innocently like she’s not aware of what’s happening kaya tinignan ko na si Mimi at napansin ko namang parang nakabawi na siya sa gulat kanina. When our eyes met, she smiled at me so I smiled back. Nakapagtataka pa rin dahil naging gano’n ang reaksyon nila ng tawagin ako sa pangalan na ‘yon ng reyna. Also, Mimi’s reaction earlier. It makes me confused about why her reaction was like that.
“Y-Yes… let’s eat?” It was Mimi before she pulled me on our seats.
Na sa pinaka-ulo ng lamesa si grandpa at sa kanan naman niya ay si grandma. Ang katabi naman niya ay si Tito Ington na katabi si Tita Vieve and next to her is Gen. Na sa kaliwa naman kami ni Mimi at kaharap niya si grandma habang nakakandong naman si Caelum kay Mimi.
Ang katabi ko naman ay si Tito Orion and next to him is Tita Cardelia then Oddie. Sa kabilang dulo naman na katapat ni grandpa ay is King Lorcan at na sa kanan niya naman si Queen Emerald at katabi niya si Kuya Logan, habang na sa kaliwa naman ni Tito Lorcan si Lucas.
Then we started eating while they are talking about something that the likes of us can’t understand. Kinakamusta rin nila ang mga nasasakupan nila and the whole dinner works like that. Pero kinamusta rin nila ang pag-aaral namin or who’s stress among us and they even ask us about our previews missions at buti na lang hindi nasali sa topic ang about sa mga guardians ko.
The dinner went well and there’s no awkwardness happened, hanggang sa magkaniya-kaniya kami ng landas pagkatapos no’n. The adults parted their ways while talking about adult stuff—of course. They also looked serious when they parted their ways on us. Sa ngayon ay iniwan ko muna si Caelum kina Odette at Gen dahil gusto ko munang magpahangin at puntahan rin ang garden.
I took a deep breath and sat on the bench that I found there. Sumandal ako dito at tinignan ang mga bulaklak na magaganda. Dahil sa tahimik ay hindi ko tuloy maiwasang maisip ang mga nararamdaman at naranasan ko ng mga nakaraang araw. First, my birthmark just shined and I don’t know the reason why. Next is, I just felt incomplete and I don’t know the reason why again. I want to know the reasons but I don’t know how to find them.
Bumuntong-hininga akong muli at maya-maya pa ay naalala ko ang winika ni Ajax sa akin… Luminous realm… if that’s the real name of this realm then why it was changed? Do the immortals know about that or not?
But why does it bother me?
I wanted to talk to Ajax, even my other guardians but why do I feel like they don’t want to talk to me? Just give them time… alam kong ang dalawang panig ay gumagalaw upang mahanap ang mga summoners and I feel bad because the person that they were looking for is already here…
Mimi once told me that rebellions planned to get me but they learned that I know how to defend myself from them, especially that I can summon the siblings without feeling weak—means, they back out dahil sa takot na matalo sila and that’s how powerful every single of supreme guardians are.
Kung baga, sila ang deities ng mga mythical guardians. My guardians once told me before that they were the guardians of deities and they are beyond powerful—the reason why the deities decided to send them here and find someone to summon them.
The supreme guardians themselves are already destructive ngunit ng magpasya ang mga deities na ipadala sila dito upang protektahan ang realm na ‘to and look for someone to summon them—na sinang-ayunan naman nila—nagkaroon sila ng limitasyon.
Nakadipende na ang kanilang lakas sa summoner nila, meaning, they are maybe powerful but if their chosen summoner still can’t handle their power, that’s when their limitations come out. Sa case ko naman, I can summon them all and they have no limitations, however, I can’t still summon Ajax.
My guardians are beyond powerful at hindi ko alam kung paano ko sila nakayanan ngunit mas nahihirapan ako kay Ajax. He’s just too powerful for me to be able to summon him. I can summon them all—kahit sabay-sabay pa except Ajax.
But come to think of it… kung mayroon ang supreme guardians na nais ng kapayapaan ay mayroon din silang mga katapat but I haven’t meet them. Basta ang alam ko ay mayroon ding mga katapat ang supreme guardians and those guardians are also here in this realm.
“Having deep thoughts?”
Napakurap-kurap naman ako ng dahil sa narinig kong boses at ng makilala ko ito ay bigla akong kinabahan. I look at his direction and I just saw the future leader of Lumina Academy. “K-Kuya Logan…” I said, almost a whisper.
Bumuntong-hininga naman siya at napailing. Umupo siya sa tabi ko and our shoulders are almost touching. “Something’s bothering you?” He asked which made me look at him intently.
Ano bang ginagawa niya dito?
“I’m just thinking something…” tanging sagot ko at ngumuso ng bahagya bago tumingin sa harapan at pinagmasdan na naman ang mga bulaklak na nando’n.
“Hmm…” he only answered. Tumahimik ang pagitan namin hanggang sa siya ang bumasag nito. “I’m sorry…” nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa narinig mula sa kaniya bago napalingon sa katabi at nakitang nakatingin ito sa malayo.
They are really brothers.
Binalik ko ang tingin sa unahan at hindi nagsalita dahil hindi ko alam ang aking sasabihin ngunit ramdam kong naghihintay siya ng sasabihin ko. “Y-You don’t have to apologize…” mahina kong wika. “You have nothing to apologize for…” dagdag ko pa bago ko ninamnam ang lamig ng simoy ng hangin.
“Lucas told me the last time you two talk and he’s right… you don’t deserve to be treated like that. We all know that you are innocent but we still drag you—”
Hindi ko na siya hinayaan pang matapos sa kaniyang ibang sasabihin dahil ayaw ko ng marinig pa ang mga salitang ‘yon sa pangalawang pagkakataon. I don’t want him or them to feel guilt because honestly speaking, wala na ‘yon sa akin.
“Stop right there!” Pigil ko at napalingon pa ako sa kaniya at gano’n din ang kaniyang ginawa. “It’s already nothing to me, okay? No hard feelings anymore—I mean, I never had a hard feeling to you or anyone. I understand,” saad ko and I just saw amusement in his eyes while looking at me.
“Lucas is not lying. You’re really nice,” he mumbled and I can’t help but tease him.
“Lagi niyo siguro akong topic, ‘no?” I look at him teasingly ngunit hindi ko naman inaasahan ang kaniyang isasagot.
“Oo,” muntikan na akong masamid sa sarili kong laway dahil pag-amin niya.
“Honest yarn?” Hindi ko mapigilang kumento na ikinatawa naman niya.
“Nga pala,” maya-mayang wika niya kaya naghintay naman ako kung ano’ng sasabihin niya. “I noticed these past few days that Aiden was always following you wherever you go and he almost looked like a dog for tailing you,” he said na ikinataas ng kilay ko.
Is he stalking me?
I felt my heart skips a bit when he said that. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kaniya o hindi, pero, napaisip naman ako dahil sa sinabi niya. “Ang gwapong aso niya naman kung gano’n,” I unconsciously said and I just froze when I heard him laughing… again.
You see, this prince beside me is quiet and you often see him like that. He smiles and laughs but you will usually see him being quiet and calm and now, seeing him laughing, his left dimple na minsan lang lumabas ay nakalabas ngayon and he looks more handsome while laughing. Magkamukha sila ni Lucas ngunit matured lang ang itsura ni Kuya Logan at mas strikto kay Lucas.
“So, you really admitted that he is handsome, huh?” Napaiwas naman ako ng tingin dahil sa sinabi ng prinsepe.
Kahit na ilang beses ko ng sinabing gwapo ang lalaking ‘yon ay hindi ko naman sinasabi ng malakasan. Pero kahit hindi ko naman banggitin ng malakasan ay alam naman na ng lahat ang bagay na ‘yon. We all know, and the prince knows… nang lumipat ang tingin ko sa harapan ay natigilan na lamang ako at bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa nakikita ko ngayon.
What is he doing here?
“Oh, I think, your lover is here to fetch you since you did not told him where are you going,” then I felt Kuya Logan leaned closer to me and whispered. “Kanina pa ‘yan hanap ng hanap sa ‘yo. Muntik na nga ring magwala kanina ng hindi ka makita,” napalunok na lamang ako dahil sa sinabi niya habang nakatingin pa rin sa prinsepe ng apoy.
Nakita ko namang ngumisi si Aiden sa akin na para bang sinaniban siya ng masamang espirito. Bumilis lalo ang pagtibok ng puso ko habang nakatingin pa rin sa mga mata niya na hindi ko mabasa. Lalo na ng marinig ko ang isang malakas na paghampas ng kidlat mula sa kalangitan at do’n pa lang ay alam ko ng galit siya.
Why is he even mad?!
***
Arielle Henriett Williams
“Uhh! Boring!” Napatango na lamang ako dahil sa sinabi ni Gwen. Nakahilata siya sa sofa habang ako naman ay nakaupo lang sa single sofa at nakatingin sa kawalan.
Katatapos lang naming mag-dinner and I do not know where Aiden is. But his cousin said that he went to their palace and his business there? No one knows. Ang boring talaga kapag wala yung tatlo dito. Tapos yung mga boys pa ay na sa kaniya-kaniya nilang mga kwarto kaya lalong naging boring—lalo pa’t dalawa lang kami ni Gwenny ang nandito sa sala. Katatapos lang rin naming mag-empake para bukas and I can’t help but feel excited. You know, I love outside activities, lalo na ang camping.
We stayed in that position not until we heard the roar of thunder and lightning. Npabalikwas naman kaming dalawa ni Gwen, lalo na ng maramdaman namin ang nagagalit na aura at kilala na namin kung sino ‘yon.
Argh! That Prince of Fire!
He is being grumpy again! Porket wala si Lara, eh! Bigla itong pumasok sa loob ng dorm at kitang-kita namin kung gaano kadilim ang kaniyang mukha at hindi namin alam kung ano na naman ang problema niya.
Then he looked at us while his eyes held no emotion but full of coldness that can give chills on you. His jaw is also clenching and it is also a sign that he is mad. I wonder why he’s mad that he was almost ready to kill, but… WHY THIS PRINCE IS IN TANTRUMS AGAIN?!
Oo, ganiyan mag-tantrums ‘yan o kaya naman kapag grumpy siya! He is a kind of person that calm, quiet, cold, and aloof kaya naman kapag ganiyan siya, napatatanong na lang kami kung ano na naman ba’ng problema niya?
At nasagot na nga ang aming katanungan.
“Where the fuck is she?! Why I can’t find her anywhere here in academy’s premises?! Why can’t I feel her presence?! Where the fuck is she?!” Sunod-sunod niyang tanong at habang nagsasalita siya ay sumasabay naman ang paghampas ng kidlat sa kalangitan.
Walanjo! Hinahanap lang pala si Lara, eh!
“Itong lalaking ‘to!” Panimula ni Gwen. “Wala siya dito dahil may dinner ang pamilya nila kaya kumalma ka nga! Baka makaperwisyo ka pa, eh! Sige ka, baka i-dislike ka ni Lara!” Gwen added na lukot ang mukha ngayon habang nakatingin sa prinsepe.
Napansin ko naman si Aiden na unti-unting kumakalma pero hindi pa rin sapat ‘yon kaya bago pa magsiputukan ang bulkan at magkaroon ng meteor shower at baka mamatay pa kami ay sinabi ko na ang dapat ay sikreto lang. “Huwag kang mag-alala, Aiden…” patawarin ko ako, Lara! Huhu! “…crush ka din ng crush mo,” saad ko at ngumisi ng makita kong parang natigilan siya at nanigas pa sa kinatatayuan niya.
“Oy, hindi kaya!” Bigla namang singit ni Gwen at ng tignan ko si Aiden ay nakitang masama ang tingin nito kay Gwen at nagpakawala na naman ng isang malakas na hampas ng kidlat kaya napatili na lamang kami. “Oy! Powtek! Teka lang kasi, eh! Hindi man lang ako patapusin ng lalaking ‘to! Attitude ka talaga, eh!” Muntikan na akong matawa dahil sa sinabi niya sa panghuli. “Sinabi kong hindi ka crush ng crush mo—” napatili na naman kami dahil sa kidlat na naman na pinakawalan niya. I’m sure nagpa-panic na ang mga estudyante pero itong lalaking ito, parang walang pake!
“Waaaah! Anong nangyayari dito?!”
Napalingon kami kung saan galing ang boses at nakita namin ang mga lalaki na kabababa lang ng hagdan. Nakita ko naman si Kaizer na naniningkit pa ang mga mata dahil mukhang kagigising lang niya. Hindi na lamang namin sila pinansin pa kaya bumulong ako kay Gwen dahil baka magwala na ng tuluyan itong prinsepe na ito! Talagang hihilain ko na talaga si Lara mula sa Luminaria palace at itatali ko na talaga sa kaniya!
“Gwen, sabihin mo na kasi ng diretso!” Bulong ko na medyo nagpa-panic na.
“Patapusin mo muna kasi ako, eh! Attitude nito!” Aiden gave Gwenny a bored look but he looks like waiting that’s why Gwen grab the opportunity. Ngunit nakita ko na lang ang ngisi sa labi ng babaeng ito at alam kong may binabalak itong masama na ikapapahamak naming lahat. “Oh, well… siya na lang pala ang tanungin mo, ‘wag—kyaaaaaaaaah!” Bigla na lamang napatakbo si Gwen sa mga lalaki ng bigla na lang nagbato ng fire ball si Aiden sa direksyon niya. “Gago ka, Aiden! Huhu! Isusumbong kita kay Lara! Kyaaaaaaah!” Napatakbo na rin kami dahil nadamay lang naman kami sa kalokohan ni Gwen.
“Fuck! Ouch!”
“Damn! Shit!”
“Holy—hell!”
“Kyaaaaah!”
Tumabok kami papalayo sa nagwawalang prinsepe dahil hinahabol talaga kami ng fire ball! Huhut! Kung ano-ano na lang kasing naiisip na kalokohan ni Gwen, eh! Okay lang naman na gumawa siya ng kolokohan pero, huhu! Dinamay pa kami ng bruha!
“Aideeeeen! Isusumbong talaga kita kay Lara!” Sigaw na naman ni Gwen habang iniiwasan namin ang mga fire balls na papunta sa direksyon namin.
The academy should be alarmed already!
Dahil sa paghabol niya sa amin ng apoy ay nahulog at nasunog ang lahat ng kagamitan sa first floor and it looks disaster! Buti na lang at hindi tinutupok ng apoy ang mga gamit dahil kung hindi, baka sunog na ang dorm namin!
“Shit ka, Aiden! Sasabihin ko talaga kay Lara na ‘wag ka ng pansinin at maghanap na siya ng iba!”
Gusto ko na lamang lunurin ang kakambal ko dahil sa sinabi niya pero naalala kong makaka-survive pala siya sa paglunod. Tumakbo na lang ako kay Gwen na nagtatago sa ilalim ng mesa dito sa kusina. Rinig na rinig ko rin ang mga sigawan at mura ng mga lalaki sa sala. Pati na rin ang mga nagbabasagang mga gamit kaya baka sermon ang abot namin ngayon sa tatlo—lalo na kay Kuya Logan.
“Nakakainis ka kasi, Gwen! Alam mo namang wala sa vocabulary ni Aiden ang salitang patience and joke! Loko ka talaga!” Sermon ko kay Gwen habang na sa ilalim pa rin kami ng lamesa. Pawis na pawis na kami dahil sa init at pagod. Nakaloloka talaga itong si Aiden! Kung kanina ay boring, ngayon, hinding-hindi na!
“Ano ka ba?! Alangan namang sabihin kong mahal siya ni Lara! Dapat hindi tayo ang magsabi no’n sa kaniya! Dapa—”
“—she loves me, huh?”
Nanlaki na lang ang mga mata namin ng marinig namin ang boses ni Aiden na parang sobrang sigla—wait, syempre, masaya siya dahil sa narinig niya. Ano ba naman ‘yaaaan!
“Patay,” nai-saad ko na lamang at saka ko nakita ang sapatos niya sa harapan namin kaya gusto ko na lang kalbuhin ang babaeng ito dahil sa kadaldalan niya!
“Thanks, ladies… I will now fetch my woman.”
Napapikit na lang kami ng mariin at hindi ko na napigilan pang humiga sa lapag na sinundan naman ni Gwen. Angkinin ba naman daw si Lara matapos malaman na mahal siya nito mula kay Gwen!
“Katapusan ko na, Rielle,” parang nanghihinang wika ni Gwen.
“Buti alam mo, Gwen,” sagot ko at ipinikit ang mga mata dahil sa pagod.
***
Hope Lorelei Lara Sapphire Watson
“A-Anong ginagawa natin dito?” Takang tanong ko sa kaniya matapos niya akong hilahin papunta dito sa greenhouse.
Ang dami ring klase ng bulaklak ang nandito at may fountain pa sa pinakagitna. Iniwan ako ni Kuya Logan kanina bago ako nito nilapitan at hinila dito sa greenhouse ng palasyo. This place is breathtaking and this is somehow romantic for me. Fireflies, pixies, glowing butterflies, and magical plants are here.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nandito siya sa harapan ko. Dahil nakatalikod siya sa akin ay pinasadahan ko siya ng tingin at nakita na nakasuot lamang siya ng simpleng long sleeve white polo.
His sleeves are roll up to his elbow at napansin ko din kanina na nakabukas ang dalawang butones niya kaya sumisilip ng bahagya ang malapad niyang dibdib. Napalunok ako habang pinapasadahan ang kaniyang likod at napaiwas lang ng bigla siyang lumingon sa akin.
Nag-busy-busy-han ako kunyari sa katitingin ng mga halaman dito at maya-maya pa ay nagulat na lamang ako ng may bigla na lamang tumambad sa mukha ko na kumpol na pink tulips. I would appreciate it ngunit ng halos sumobsub ang mukha ko dito ay nalukot na lamang ang mukha ko. Hindi ko alam kung kikiligin, matutuwa, o maiinis ako dahil sa ginawa niya at oo! Itong prinsepe na ‘to ang may gawa no’n!
Like, hello! Nanonood din ako ng mga romance at nakikita ko sa palabas na hindi ganito ang klase ng pagbibigay nila ng bulaklak sa isang baabe! Hmp! Kinuha ko mula sa kamay niya ang kumpol na bulaklak at inalis sa aking mukha. Pinakita ko sa kaniyang naiinis ako pero nawala lang ‘yon ng makita ko siyang pulang-pula ang mukha habang nakatingin sa malayo.
Matatawag na ba akong marupok?
Pinigilan ko namang matawa dahil sa itsura niya ngayon. Akalain mo ‘yon? Parang kanina lang na parang may masama siyang binabalak, tapos parang ang yabang-yabang pa niya akong hinila dito, tapos sa panghuli, ito ang makikita ko sa kaniya?
Adorable…
Kinagat ko ang pang-ibabang labi para pigilan ang gustong kumawala na ngiti mula pero hindi ako nagtagumpay. Lalo na ng napansin kong pasimple siyang tumingin sa akin kaya hindi ko na nakayanan na hindi tumawa ng malakas.
“What the…”
Rinig kong wika niya na parang hindi siya makapaniwala dahil sa pagtawa ko sa kaniya. I look at him and saw him looking at me like I have no head. Napailing ako at huminga ng malalim upang pigilan ang tawa na gusto na namang kumawala. I looked at him while smiling.
“Ayieee! Nahihiya siya…” pang-aasar ko na ikinatingin niya naman sa akin ng masama pero halata naman na nahihiya pa rin siya kaya dinagdagan ko pa. “Ayieee…” I even giggled while looking at him teasingly. “Bakit mo ako binibigyan ng bulaklak, huh?” Tanong ko habang nanunukso pa rin na nakatingin sa kaniya.
Mas lalo siyang namula at tinignan ako ng masama. “S-Shut up! Why d-don’t you just say at l-least say thank y-you?!” Galit-galitan niyang wika na ikinatawa ko na naman.
Is the prince of fire really stuttering?
“S-Sorry! Haha! Can’t h-help it!” Hirap kong wika dahil sa katatawa.
Tumatawa lang ako, ‘no! Pero deep inside, kinikilig ako! ‘Wag kayong ano!
“My Hope! Stop laughing! Hiyang-hiya na nga ako, eh!” Wika niya at sumimangot kaya natawa ako lalo dahil sa itsura niya.
Ang cute-cute niya talaga kapag ganito siya!
And because I really can’t help it, inabot ko ang dalawa niyang pisngi at kinurot ang mga ‘yon ng nanggigigil na ikinangiwi naman niya. Nanggigigil ako bigla sa kaniya at parang gusto ko na lamang siyang panggigilan magdamag!
“Ouch! Stop it, woman!” Wika niya pero tinawanan ko lamang siya at binelatan bago binitawan ang pisngi niya. Mas lalo tuloy namula ang mga ‘yon kaya hindi ko mapigilang matuwa dahil sa nakikita.
“Hmm… bakit binigyan mo ako ng bulaklak?” Taas kilay kong tanong na ikinasimangot na naman niya habang namumula pa rin. Magrereklamo na naman sana siya ng unahan ko na siya. “Crush mo ako, ‘no?” Taas kilay kong tanong at parang wala akong hiya na nararamdaman ng sabihin ko ‘yon.
Then a lopsided smile find its way on his lips at masama ang kutob ko dito. “Well, baby… it’s more than that,” napanganga na lang ako dahil sa sagot niya at dahilan din ‘yon upang bumilis ang tibok ng puso ko. Akala ko naman, iiwasan niya ang tanong na ‘yon pero kita mo nga naman ang sagot niya… so honest.
“A-Ano? B-Ba—”
He never let me finish my sentence when we suddenly captured my lips, at kasunod no’n ay ang pag-ikot naman ng mga paru-paro, alitaptap, at mga pixies sa aming dalawa as he kisses me deeply but passionately.
Why… does this chapter need to end with the kiss, huh?
***
BINABASA MO ANG
Lumina Academy: Light and Shadow (Realm Series #1)
FantasiRealm Series #1 Lumina Academy: Light and Shadow She's holding the most powerful guardians--the summoner of supreme guardians. She's the person that they've been waiting for--for she is the summoner of all-powerful guardians who will help the immort...