CHAPTER 1 (PART 1)

238 2 0
                                    



28-Jul-18               0530


Tatlong magkakasunod na ring ng cellphone ang pumukaw sa mahimbing na tulog ni Maxine. Pupungay-pungay na inabot niya ang cellphone na nakapatong sa bedside table. Pagkaabot niya nito ay hindi na siya nagabalang tiningnan kung sino ang tumatawag at agad na itong sinagot.

"Hello." Sagot ni Maxine sa tawag.

"Hello, Agent Z?" Tanong ng nasa kabilang linya.

Hindi na siya kanina nag-abalang tingnan kung sino ang tumatawag dahil ang cellphone na iyon ay ang gamit niya para makontak siya ng mga gustong kumuha ng kanyang serbesyo.

Kahit na hindi siya nakikita ng kausap ay tumango-tango siya habang nakapikit pa rin ang mata. "Yes." Sagot niya sa gitna ng pagtango.

"I have a job for you." Agad na sabi ng kausap ni Maxine pagkakompirma niya ng katauhan.

"Details."

At sinalaysay nga sa kanya nito ang mga detalye na dapat niyang malaman hingil sa trabahong ibinibigay nito.

"Tomorrow 1400 sharp dalhin mo sa isesend ko sayong address ang print out na detalye ng pinatrabaho mo kasama ang kalahati ng bayad." Aniya dito ng matapos nitong edetalye sa kanya ang trabaho.

Bago tumatangap ng trabaho si Maxine ay inaalam muna niya ang buong detalye ng trabahong ipapagawa sa kanya bago siya magdesesyon at kapag ayos sa kanya ay saka niya hihingan ito ng print out ng detalye at ang paunang bayad.

Pero kahit kailan ay hindi pa niya inilalantad ang totoo niyang pagkatao sa mga naging kliyente niya at tanging sa Alyas na AGENT Z lang siya kilala ng mga ito.

Maingat, malinis at mabilis siyang magtrabaho kaya marami ang kumukuha ng kanyang serbesyo. Nakilala siya sa kanyang trademark na natatapos niya ang kanyang trabaho sa loob laman ng 72 hours.

Mapa kahit anong trabaho man ito ay kahit kailan ay hindi pa naman siya nabibigo at nasusunod niya ang kanyang Motto.

Paghahanap sa mga nawawala o nakidnap, pagkuha ng mga ebedensya laban sa mga kriminal o laban sa mga tiwaling mga opisyal ng gobyerno ang kanyang mga tinatrabaho.

"Ok." Sagot ng nasa kabilang linya at tinapos na niya ang tawag.

Muli niyang inilapag ang cellphone sa dati nitong kinalalagyan at muli siyang bumalik sa pagtulog ng biglang may maalala siya kaya agad siyang napalikwas ng higa.

"Marcus Ferrer?" Pabulong na sambit niya.

Marcus Ferrer,  anak ni Senator Francisco Ferrer, si Marcus ang susunod na trabaho niya. Ayon sa ibinigay sa kanyang detalye ng kausap kanina ay dalawang araw na itong nawawala at sa tingin nila ay nakidnap ito.

Hindi man niya kilala ng personal si Marcus pero minsan na siya nitong naging bodyguard noong kakagraduate pa lang niya ng PMA at hindi pa niya alam kung ano ang gagawin niya.

Matunog din ang pangalan nito sa buong bansa dahil sa laging itong nasasangot sa mga gulo at minsan nasangkot na rin ito usaping droga.

Pinagbintangan ito na natutulak pero kalauna'y nalinis din ang pangalan nito pero who knows baka ginawan lang ng paraan ng kanyang Senador na ama na sa tingin naman ni Maxine ay imposible dahil sa paninidigan ni Senator Francisco Ferrer.

Agent Z: 72 HOURS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon