CHAPTER EIGHT

81 2 0
                                    

CHAPTER EIGHT


31-Jul-18                       1420 hrs


Kanina pa hindi mapakali si Maxine at nag-iisip kung ano ang gagawin niyang hakbang. Kailangan niya ng tulong – pero ang tanong ay kanino? Sino pa ba ang taong mapagkakatiwalaan niya?

"Edward?" Sambit niya sa pangalan ng kaibigan. "Si Edward na lang ang natitirang tao na alam kong hindi ako tratraydurin." Dugtong na pang saad niya sa kawalan saka mabilis na siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa saka mabilis nang nagbihis.

Pagkabihis ay dali-dali na siyang lumabas para puntahan si Edward. Alam niyang nasa Ospital siya kung saan ito nagtatrabaho kaya sa opisina na lang nito niya ito pupuntahan.

Pagdating niya sa opisina ay wala doon si Edward kaya tinanong na lang niya ang doctor na naabutan niya kung nasaan ito. Nang sabihin sa kanya na umuwi na ito ay napakunot siya ng noo.

Hindi pa kasi ito pumupunta sa kwarto niya para tingnan kung kumusta na siya kaya bakit ito uuwi? Nakapagtataka dahil dati paggising pa lang niya ay nasa tabi niya ito pero ngayon wala at ang mas nakakapagtaka ay umuwi ito na hindi man lang siya tinicheck.

May mali – may nangyayari na kakaiba.

Kaya para malaman niya kung ano iyon ay pupuntahan niya na lang ito sa bahay nito hindi naman iyon kalayuan mula dito sa Ospital.



31-Jul-18                      1435 hrs


"So ano ang plano mo tungkol kay Maxine?" Tanong ni Edward kay Jacob habang nakaupo sila at nag-iisip ng plano para bukas. Ang araw kung saan pinakahihintay nila.

"Hindi ko pa nga alam kung ano ang gagawin ko tungkol doon – paniguro kasing kapag hindi ko nagawa ang pinagagawa sa'kin na patayin siya ay sa iba nila ipapagawa iyon o baka nga may mga nakaabang na kung sakaling hindi ko magawa ang trabaho ko at ang malala pa baka paghinalaan pa nila ako at mabulilyaso pa ang plano natin." Sagot ni Jacob na napahawak pa sa sentido.

"Kausapin kaya natin si Maxine at pakiusapan natin na tulungan tayo?" Suhesyon bigla ni Edward na ikinasalubong naman ng kilay ni Jacob.

"Edward mapapahamak lang lalo si Maxine kapag idinamay pa natin siya sa plano natin."

"Pero damay na rin naman siya sa gulo na ito kahit anong gawin natin konektado siya – saka kapag hindi natin sa kanya pinaalam ang mga nangyayari ay baka mas lalo pa siyang mapahamak dahil hindi siya makakapaghanda para protektahan ang sarili niya kung sakali."

"Pero –"

"Bro kailangan natin ng tulong niya – we need her help para magawa natin ng maayos ang lahat – hindi man natin inaasahan na maiinvolve siya ng ganito sa kasong ito pero wala na tayong magagawa but to talk to her and seek for her help."

"At tingin mo ba maniniwala naman siya sa'tin kapag kinausap natin siya."

"I will talk to her – ako magpapaliwanag sa kanya ng lahat."

Naihilamos tuloy ni Jacob ang dalawang palad sa mukha niya dahil sa suhesyon ni Edward. Hindi niya alam kung gagawin ba nila ang suhesyon nito o mag-iisip na lang sila ng ibang paraan.

Agent Z: 72 HOURS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon