CHAPTER 2 (PART 2)

92 1 0
                                    

continuation.....


Ngumiti ang lalaki. "Oo naman,diba ikaw si Maxine na anak ni Maj. Mendez." Sagot nito na ang tinutukoy ay ang Papa niya. "Hindi mo na ba ako naaalala? – ako si Kuya Bernard." Dugtong nito na pakilala sa sarili.

"Kuya Bernard?" Ulit niya sa pangalan nito na patanong dahil hindi na niya ito maalala.

"Oo, ako ang nagtatattoo sa Papa mo at sa kaibigan niyang si... – sino na nga yon?"

"Si Ninong Fred po?"

"Oo, oo si Fred nga."

Napatingin siya sa mukha nito at pilit na inaalala kung maalala pa ba niya ito pero dahil na rin siguro sa sobrang tagal na niyon ay hindi na rin niya maalala.

"Sorry po pero hindi ko na talaga maalala."

Isang matamis na ngiti naman ang sinagot nito sa kanya. "Ok lang matagal na rin naman iyon e, saka bata ka pa kasi n'on." Sabi nito. "Nakilala lang kita agad dahil kamukhang-kamukha mo ang Papa mo." Dugtong pa nito.

Gumanti naman ng ngiti si Maxine sa sinabi ni Bernard.

"Oo nga pala bakit andito ka?"

"Ahhh..." Aniya sabay kuha litrato ng tattoo ng dumukot kay Marcus na prinint niya kagabi. "May itatanong lang po sana ako." Sagot niya sabay abot dito ng litrato. "Kayo po ba ang nagtattoo niyan?"

Agad namang inabot naman ni Bernard ang litrato na inaabot sa kanya ni Maxine at tiningnan iyon. "Oo, ako nga nagtattoo nito." Sagot niya ng makita ang Tattoo.

Bigla naman na natuwa si Maxine. "Kilala niyo po ba kung sino ang nagpatattoo niyan?"

Tumango-tango si Bernard. "Oo naman –" Sagot nito sabay napailing-iling. "Paano ko naman makakalimutan ang lalaking 'yun e binigay niya ang buong address niya saka sabi niya na kapag may naghanap daw sa kanya ay ibigay ko raw ang address niya."

Agad na nagsalubong ang kilay ni Maxine. "Sinabi niya po iyon?" Tanong niya kaya napatango-tango si Bernard. "Kailan pa po niya ito pinatattoo?"

"Mga two weeks ago pa lang."

Napatango-tango si Maxine. "Sige po pwede ko po bang mahingi ang address niya."

"Oo naman... tara pasok ka muna.." Sagot nito sabay yakag muna sa kanya sa loob ng Studio.

Agad naman siyang sumunod dito. Nang nasa loob na siya ng studio ay ang agad na umagaw sa kanyang pansin ay ang mga litrato na nakasabit sa isang gilid, naglakad siya palapit doon.

"Yan ang mga pictures ng mga natattoo-an ko." Sabi ni Bernard kay Maxine ng makita nitong lumapit ang dalaga kung saan nakasabit ang mga litrato ng mga customer niya. "Ang alam ko may kuha rin kayo ng Papa mo diyan." Dugtong pa nito.

Hindi sumagot ang dalaga at inilibot niya ang mata sa lahat ng mga litrato hanggang sa makita niya ang hinahanap. Kinuha niya ito at mariin na tinitigan.

Litrato nga nila iyon kasama ang Papa niya. Ang saya-saya pa nila sa litrato na iyon kaya hindi na niya maiwasan na hindi malungkot at mapaluha.

She missed her Papa so much at pati na rin ang Mama niya, pero mas close kasi siya sa Papa niya, bata pa lang talaga kasi siya ay lagi na siyang nakadikit sa Ama.

Kaya naman ng mawala ang mga magulang ay ang sobra siyang nalungkot.

"Sayang maagang namatay ang Papa mo –" Biglang sabi ni Bernard na nasa likod na pala ni Maxine kaya agad na napunasan ng dalaga ang luha nito. "Ang bait-bait pa naman niya, siya nga ang pinakapaborito kong customer noon, saka ang laki ng pasasalamat ko sa kanya dahil kahit baguhan pa lang ako noon sa pagtatattoo ay pinagkatiwalaan niya ako at inirecommend pa niya ako sa mga kakilala niya." Dagdag pa nito.

Huminga muna ng malalim si Maxine bago humarap kay Bernard. "Sadyang ganyan po talaga ang buhay hindi natin alam kung kailang tayo mamatay." Sabi niya pagkaharap dito na sinang-ayunan naman ito ni Bernard sa pamamagitan ng pagtango.

"Ah, ito na pala ang address." Sabi ni Bernard sabay abot sa kanya ng piraso ng papel.

Ngumiti siya. "Salamat po." Aniya. "Wala po ba kayo litrato niya?" Biglang tanong niya sabay muling napalingon sa mga litratong nakasabit.

"Wala e, ayaw niya –"

Muling bumalik ang tingin ni Maxine kay Bernard. "Pero naalala niyo po ang mukha niya?" Patuloy na pag-uusisa niya dito na mabilis naman na napailing-iling ito.

"Hindi din kasi nakatakip ang mukha niya." Sagot nito na ikinadismaya ni Maxine.


* * * * *


Nang makabalik na si Maxine sa kanyang motor ay mabilis niyang kinuha ang papel na naglalaman ng address ng lalaking kumidnap kay Marcus.

"So talagang nakaplano nga ang lahat at ini-expect niya na dito ang sunod na pupuntahan ko." Ani Maxine sa sarili habang nakatingin sa papel. Nang biglang nagring ang cellphone niya kaya muli niyang itinupi ang papel at inilagay  sa kanyang bulsa.

Pagkalagay niya sa bulsa ng papel ay sinagot naman niya ang tawag.

"Tiktok-tiktok-tiktok." Hindi pa man din siya nakaka-Hello ay agad nang nagsalita ang lalaking nasa kabilang linya.

Kumunot ang noo niya dahil nabosesan niya ang lalaki. Ito lang naman ang tumawag sa kanya ng nakaraang araw at nagcaclaim na hawak nito si Marcus.

"Time is running...Bilis-bilisan mo!" Dagdag pa nito kaya nanlisik ang mata niya at nakagat niya ang ibaba ng kanyang labi sa galit.

"Ano ba –" Itatanong niya sana pero bigla na itong nawala sa kabilang linya kaya napamura na lang siya at humigpit ang pagkakahawak niya sa cellphone.

Naihilamos niya ang kanyang mga palad sa mukha sabay pindulas niya iyon papunta sa kanyang buhok sabay napasabunot siya sa sariling buhok.

Gulong-gulo ang isip niya, maliban kasi sa problema niya sa kanyang trabaho (kay Marcus) ay dumagdag pa ang tungkol sa pagkamatay ng kanyang mga magulang.

Gusto niyang unahin maresolba ang pagkakakidnap kay Marcus Ferrer pero hangga't maari ay gusto rin niya maresolba agad ang tungkol sa issue naman ng pagkamatay ng kanyang mga magulang pero may pakiramdam siya na konektado ang dalawang insidente na ito at malakas ang kotob niya na sa mga susunod na araw ay may mga iba pa siyang madidiskobre na hindi niya inaasahan.

Mga bagay na mapapatibay sa hinala niya na may koneksyon nga ang pagkawala ni Marcus sa pagkamatay ng mga magulang niya.

Pero ang tanong bakit konektado ang mga ito?

Iyon ang dapat niyang malaman.

©2018

Agent Z: 72 HOURS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon