30-Jul-18 1000
Wala nang sinayang na oras si Maxine kahit na medyo gulong-gulo siya dahil sa mga bagong nalaman tungkol sa pagkamatay ng kanyang mga magulang ay kailangan muna niyang isantabi iyon dahil may trabaho siyang kailangang matapos.
At pakiramdam naman niya ay kahit na hindi niya kusang eresolba ang pagkamatay ng kanyang mga magulang ay may mga madidiskubre pa rin naman siya tungkol doon, sa pamamagitan ng patuloy na pag-usad niya sa paglutas ng pagkakakidnap kay Marcus.
Mula sa Alabang ay sa Cavite ang deretso ni Maxine dahil iyong ang address na nakasulat sa papel na iniabot sa kanya ni Bernard.
Hindi niya kabisado ang Cavite kaya nagtanong-tanong na lang siya kung saan ang lugar na hinahanap niya. Sa pagtatanong niya ay it leads her sa isang abandonadong bodega nasa isang liblib na lugar.
Dali-dali siyang bumababa sa kanyang motor at mariin na sinipat ang bodega. Lumang luma na ito at halatang-halata na matagal na itong abandonado.
Sa paligid nito ay maraming mga kinakalawang nang mga drum ang nagsikalat, may mga bulok rin na mga kahoy, at iilang mga sangang naputol mula sa puno ang nagsikalat din, medyo maputik din ang paligid na indikasyon na umulan sa lugar na ito.
Ang mga bintana naman ay sira-sira na rin a maging ang pinto ng bodega ay sira na rin na bagamat nakasara ay may malaking butas naman sa gitna na mas lalong nagpalakas sa kutob ni Maxine na hindi dito dinala si Marcus pero gayon pa man ay may kutob din siya na may makikita siya sa loob na importanteng impormasyon na maaring makatulong.
Bago nangdesesyon na pumasok ay hinugot niya muna ang ang kanyang baril mula sa kanyang likod kung saan ito nakasuksok at hinawakan ito ng mahigpit at tinututok sa unahan. Kailangang niyang maging handa para kung sakaling may biglang sumugod man sa kanya ay may pangprotekta siya sa sarili.
Nang maipwesto na ang baril ay saka siya dahan dahan na naglakad palapit sa bodega.
Maingat ang bawat galaw niya habang malikot naman ang mga mata niya na sinusuri ang buong paligid.
Tingin sa kaliwa, tingin sa kanan at lingon sa likod. Iyan ang paulit-ulit na ginawa niya hanggang sa makalapit na siya pinto.
Nang tuluyan na siyagng nakalapit ay isang malakas na sipa ang ginawa niya para mabuksan ito.
Dahil sa talagang sira na rin ang pinto at marupok na ay mabilis lang itong bumagak at isang malakas na paglagpak nga ng pinto ang umalingawngaw sa buong paligid. Nang mawala na ang ingay ay maingat na sumilip muna si Maxine bago tuluyang pumasok sa loob.
Nang masigurong walang panganib ay tumuloy na siya sa pagpasok at nang makapasok na siya ay muli niyang sinipat ang paligid. Lingon sa kaliwa at lingon sa kanan.
Maging sa loob ng bodega ay maputik din dahil sira-sira na rin ang bubong nito. Marami ding mga pira-pirasong mga yero ang nagsikalat sa loob, may iilan din namang tabla na bulok ang nakakalat.
May iilang upuan naman na gawa sa kahoy ang sira-sira na nakatambak sa iisang sulok. Ang iilang mesa naman na sira na rin ay nakatambak naman sa isang sulok din. Ilang kabinet na gawa din sa kahoy ang nagkalat.
Wala nang gamit sa loob ang pwede pang mapakinabangan dahil lahat ay mga bulok na o mga sira na pero napataas ng isang kilay si Maxine ng may isang bagay ang umagaw sa atensyon niya. Ang isang metal na kabinet na nakapwesto sa tambak ng mga sirang upuan.
Hindi naman dahil sa kakaiba ito o something kaya ito umagaw sa atensyon niya kundi dahil kumpara sa lahat ng gamit sa loob ay mukhang mas bago pa ito na parang kailan lang ito inilagay doon.
Nakasalubong ang kilay na dahan-dahan siyang naglakad palapit doon. Hindi na niya ininda ang putik na naapakan.
Nang makalapit na nga siya sa pakay niya at nakompirma nga niya na tama ang hinala niya na bago pa nga ang kabinet na iyon. Wala pa itong kahit na anong kalawang.
Medyo naputikan nga lang ito dahil marahil may mga ilang araw na rin ang lumipas ng ilagay ito doon at inabot na ng ulan.
Muli niyang inilibot muna ang mata sa paligid para e-check kung wala bang panganib na nagbabadya at nang makompirma naman niya na wala ay sinuksok muna niya sa likod ng pantalon ang baril at mas lumapit pa sa kabinet.
Mabilis niyang binuksan ang unang drawer. Nagsalubong ang kilay dahil hindi ito nakalock pero itinuloy pa rin niya ang pagbukas niyon.
Wala itong laman. Sumunod naman na binuksan niya ang ikalawa at ikatlo pero parehong wala ring laman iyon.
Natuon ang tingin na niya sa ikahuling drawer. "Siguro naman itong huli may laman na." Aniya sa sarili habang binubuksan ang huling drawer pero laking pagkadismaya niya dahil maging iyon ay wala ring laman.
"Damn! Sh*t!" Pagmumura niya na napahampas pa sa ibabaw ng kabinet dahil sa inis nang biglang parang isang metal ang umalingawngaw na nahulog mula sa loob ng isa sa mga drawer.
Dali-dali niya hinahanap kung saan iyon at nakita niya iyon sa pangatlong drawer. isang susi pala ang nahulog. Agad niya iyon dinampot at inilapit sa kanya para masipat.
"Para saan ito?" Tanong niya sa sarili at napaisip siya ng malalim.
Muli niyang inilibot ang paningin sa paligid at naghahanap ng maaring pwedeng pagamitan ng susi pero wala siyang makita. Muling bumalik ang tingin niya sa susi ng biglang may nahagit ang mata niya sa ilalim ng isang silayang sira.
Mabilis siyang napayuko at tinangal ang piraso ng kahoy na nakapatok sa bagay na umagaw sa pansin niya.
Nang maialis na niya ang mga piraso ng sirang upuan ay tumambad sa kanya ang isang maliit pang box na metal din.
Agad niya itong dinampot at wala nang isip-isip na hinanap ang bukasan. Nang makita niya at nakitang nakalock ito ay walang pagdadalawang isip na isinuksok niya ang susi na nakuha at presto!
Bumukas ang box.
Sa loob ay tumambad sa kanya ang isang plastik envelope na may white folder sa loob. Agad niya iyon dinampot saka ihinagis na niya ang box sa kinalalagyan niyon.
Bubuksan na sana niya ang envelope para malamang ang laman niyon ng makarinig siya ng sasakyan na parating. Nagsalubong ang kanyang mga kilay at dali siyang pumunta sa isang awang para sumilip.
Tama nga ang narinig niya may sasakyan ngang paparating. Agad niyang tinupi ang envelope na agad ay isinuksok sa likod ng pantalon niya at binunot naman niya muli ang kanyang baril at dali-daling tumakbo papunta sa isang tagong sulok.
Hindi niya alam kung sino man ang sakay ng sasakyan na paparating pero hindi maganda ang pakiramdam niya mga ito.
to be continued...
BINABASA MO ANG
Agent Z: 72 HOURS (COMPLETED)
ActionSa loob ng 72 hours ay kailangan mahanap ni Maxine o mas kilalang sa codename na AGENT Z si Marcus at mailigtas ito sa kamay ng mag kidnapper. Pero ang hindi niya alam ay ang paghahanap niya iyon ay ang magiging daan patungo sa pagkakadiskubre...