CHAPTER 1 (PART 2)

127 2 0
                                    

continuation...



29-Jul-18                             1800

Pagkabalik ni Maxine sa kanyang hideout ay agad niya binuksan ang envelope na naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa pagkawala ni Marcus Ferrer.

Ang una niyang hinanap ay kung saan ito huling nakita dahil baka doon ay makahanap siya ng clue kung sino ang dumukot dito.

Agad siyang napangisi ng makita na niya ang hinahanap.

"Club Paraiso?" Basa ni Maxine sa impormasyon kung saan huling nakita si Marcus.

Wala siya dapat sayangin na oras dahil hindi niya alam kung nagbibiro ang nakausap niyang tumawag sa kanya kanina o talagang nagsasabi ito ng totoo.

At ang isa pang ikinakabagabag niya ay ang nalaman niyang kilala siya ng mga kumidnap kay Marcus pero isasantabi na muna niya iyon dahil ang mas mahalaga ngayon ay ang mahanap niya ang binata.

At dapat ay wala talaga siyang masayang na oras dahil sa tumawag o hindi man ang lalaking nagcaclaim na hawak nito si Marcus ay kailangan naman talaga niyang matapos ang trabaho sa loob ng 72 hours.

Agad siyang naupo sa harap ng computer at tinaype niya ang Club Paraiso para malaman kung saang lugar ito.

Nang malaman na niya kung saan ito ay dali-dali niyang kinuha ang helmet ng kanyang motor.


29-Jul-18                                         1820

Nasa Quezon City lang ang Club na hinahanap ni Maxine kaya mabilis lang siyang nakarating doon dahil around her area lang naman iyon. Bago siya bumababa ng kanyang motor ay naglagay muna siya ng mask at nagsuot ng eyeglass kahit gabi na para hindi siya makilala ng mga taong makakaharap.

Nang okay na ang kanyang itsura ay agad siyang bumababa at lumapit sa nakitang bouncer.

"Gusto kong makausap ang boss niyo!" Agad na pahayag niya sa Bouncer pagkalapit niya dito.

Kumunot ang noo ng bouncer dahil sa pinahayag niya.

"May hinahanap lang ako." Muling saad ni Maxine dahil sa pagkunot ng noo at hindi pagimik ng kausap at saka kinuha rin ang litrato ni Marcus na nasa bulsa ng jacket niya at ipinakita sa lalaki.

Muli naman kumunot ang noo ng bouncer pero agad din naman nawala iyon.

"Sumunod ka sa'kin." Wika nito at nagalakad na ito. Agad naman na sumunod si Maxine dito.

Sa hindi masyadong kalayuan mula sa entrance ay pumasok sila sa isang pinto at ang bumungad sa kanila ay ang isang maliit na opisina.

"Boss hinahanap daw nito si Marcus Ferrer." Sabi ng bouncer sa lalaking naabutan nilang nakatikod na nakaupong sa swerving chair na tinawag nitong Boss at saka muli na itong lumabas.

Naiwan naman si Maxine na nakatayo lang sa bungad ng pinto habang hinihintay niya na humarap sa kanya ang lalaki.

Lumipas ang isang minuto na wala man lang ang umimik sa kanilang dalawa at saka lang iniikot ng lalaki ang swerving chair paharap sa dalaga.

"Bakit mo hinahanap si Marcus Ferrer?" Tanong nito pagkaharap kay Maxine.

Matiim munang pinag-aralan ni Maxine ang mukha ng lalaki bago sumagot.

Agent Z: 72 HOURS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon