CHAPTER TEN

83 2 0
                                    

CHAPTER TEN


31-Jul-18            1902hrs


Nanlaki ang mga mata ni Maxine ng may maramdaman siyang mainit na likidong nahawakan mula sa sahig.

Mabilis ang tibok ng pusong napatingin siya kay Edward na nasa ilalim niya.

Mas lalong nanlaki ang mata niya at mas lalong bumilis din an tibok ng kanyang puso ng makitang dito nangagaling ang mainit na likodong nahawakan niya na dugo pala.

"Edward! Edward!!!!!" Tawag niya sa pangalan nito sabay hawak sa parte kung saan may tama ito para pigilan ang pag-agos ng dugo mula doon.

"Please, please lumaban ka!"Sabi

"Max –"Hirap na sambit ni Edward sa pangalan niya.

"Don't talk – don't talk – hihingi ako ng tulong." Natatarantang wikang putol naman ni Maxine.

"No – no – makinig ka sa akin." Tanggi nito na parang alam na nitong wala na siyang pag-asa.

"No! No please!" Hindi na namalayan ni Maxine na tumulo na pala ang mga luha niya. "Please don't die on me! Please lumaban ka!" Dagdag pa nito na hirap na hirap na rin magsalita dahil sa pag-iyak.

"Don't cry – Max – Max lo-look at m-me." Muling wika ni Edward na hirap na hirap pa rin sa pagsasalita. "Jacob..." Nasambit lang nito na hindi na natuloy dahil pinigilan na siya ni Maxine.

"Hindi ako papayag na mamatay ka please lumaban ka. Stay here hihingi ako ng tulong!" Matigas na putol na aniya sabay pinunasan ang mga luha at pilit na nagpapakakatatag.

Kung magpapatuloy kasi siya sa pag-iyak ay talagang wala siyang magagawa para matulungan si Edward.

Gusto pa sanang magsalita ni Edward pero hindi na iyon pinansin ni Maxine dahil mabilis na itong tumayo at lumabas mula sa silid at nagsisigaw ng tulong na sakto naman na siya din ang dating ng ilang mga Doctor at Nurse at maging ng ilang mga pasyente rin na marahil narinig din ng mga ito ang malakas ng pagkabasag ng bintana mula sa kanyang silid kaya naroon ang mga ito

"Anong nangyari?" Tanong ng isang Doctor.

"Please help Doc Edward may tama siya." Sagot na pakiusap naman niya dito.

Nanlaki naman ang mga mata nito ng marinig ang pangalan ni Edward na marahil dahil kilala nito si Edward.

"Where is he?" Tanong nito.

Hindi na sumagot si Maxine at sininyasan na lang niya itong sumunod sa kanya sa loob ng kwarto.

Pagkapasok nila at nang makita nito si Edward ay gulat na gulat ito pero agad naman itong nakabawi sa pagkagulat at dali-daling dinaluhan na si Edward. Nagtawag din ito ng mga kasamahan para tulungan siya.


31-Jul-18            1915hrs


Nang makarating sina Jacob at Tyrone sa Ospital ay agad nilang hinanap si Edward at sa pagtatanong nila ay napag-alaman nila na nasa OR ito dahil tinamaan ito ng bala. Hindi na sila nagtanong buong detalye kung bakit may ito may tama dahil alam na rin naman nila kung bakit.

Agad na lang silang napasugod sa OR kung saan ay naroon si Edward at naabutan nga nila doon si Maxine na nakaupo sa isa sa mga upuan habang nakasubsob ang mukha sa mga palad nito.

Agent Z: 72 HOURS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon