CHAPTER SEVEN

95 3 0
                                    

CHAPTER SEVEN


31-Jul-18            1000 hrs


"Anong nangyari sa lakad mo?" Tanong ni Sen. Ferrer sa anak pagkaharap dito.

"I'm sorry Dad I failed." Hiyang-hiya na balita ni Marcus na napakuyom pa ng kamao dahil sa galit na pinipigilan dahil sa pagkabigo niya.

"What!?" Hindi makapaniwalang reaksyon ni Sen Ferrer sa masamang balita ng anak. "Pinagkatiwala ko ulit ang misyon na ito sayo dahil sabi mo this time magtatagumpay ka pero ano! Wala pa rin! Bigo ka pa rin tulad ng nangyari 13 years ago."


FLASH BACK


13 YEARS AGO


Pagkatapos pagbabarilin ng mga lalaki at masugatan si Maj. Mendez ay umalis na rin ang mga ito kaya naman mabilis nang lumapit si Marcus sa kotse ni Maj. Mendez, alam niyang hindi pa ito patay dahil talagang hindi naman pa muna ito papatayin ng mga taong nanambang dito dahil may kailangan pa sila dito – ang makuha ang mga EBIDENSYA laban sa organisasyon nila.

Hindi nila pwedeng patayin ito hangga't hindi nito nasasabi kung nasaan ang mga ebidensya.

Kunwaring malungkot ang mukha ang punong-puno ng pag-aalala siyang lumapit sa kotse ni Maj. Mendez.

"Sir!" Bulaslas na tawag niya dito habang papalapit. "Ok lang ba kayo?" Pagpapatuloy niya na may pag-aalala sa tono ng boses pero tinitigan lang siya ni Maj. Mendez ng ilang segundo na blangko ang mukha.

Hindi tuloy niya alam kung ano ang iniisip nito.

"Marcus alam ko na ang lahat –" Maya-maya'y pahayag nito na ikinagulat naman ng binata.

Nagsalubong pa ang kilay niya. So alam na pala nito ang tungkol sa totoo niyang katauhan kaya ang kunwaring pag-aalala sa mukha niya ay biglang naglaho.

"At alam ko rin naman na hindi ka talaga masama katulad ng Tatay mo – alam kong mabait ka at nagagawa mo lang ito dahil wala kang ibang pagpipilian pero pakiusap ko lang sayo – wag mo nang idamay dito si Maxine." Dugtong na pakiusap ni Maj. Mendez na pagbabakasakali na kung ano man ang plano nito ay hindi na nito ituloy dahil alam naman niya na mabait si Marcus at nagkataon lang na ang Ama lang nito ang demonyo – saka alam din niya hindi pa naman nagtatagal ng mabunyag sa binata ang mga illegal na gawain ng Tatay nito.

May busilak na puso ito at ang talagang gusto nito ay ang maging magaling na sundalo pero ngayon ay alam niyang hindi na nito makakamit ang pangarap dahil sa ama nito.

Bigla namang lumambot ang ekspresyon ng mukha ng binata pagkarinig ng mga sinabi ni Maj. Mendez pero agad din itong nakabawi at muling tumalim ang tingin nito kay Maj. Mendez at tinutukan ito ng baril.

"Wala akong pakialam kung ano man ang opinyon mo tungkol sa'kin dahil ang mas mahala ngayon ay sabihin mo na lang sa'kin kung nasaan ang mga ebidensya at hindi kita papatayin." Ani Marcus. "Pati na itong anak mo." Dagdag pa ng binata sabay lipat ng tutok ng baril sa batang si Maxine na walang malay.

"Marcus! Hindi ko pwedeng sabihin sayo! Alam mo ang mangyayari kapag nakuha ng tatay mo ang mga ebidensya!" Pagmamatigas na sagot ni Maj. Mendez. "Hindi mo man kami patayin pero siya naman ang papatay sa'min." Dagdag pa nito.

Agent Z: 72 HOURS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon