CHAPTER FIVE

86 3 0
                                    

CHAPTER FIVE



30-Jul-18             1800


Sa tulong ni Marcus ay nakalabas si Maxine ng ospital ng ganon lang kadali. Alam niyang magagalit si Edward sa kanya pero magpapaliwanag na lang siya dito kapag natapos na ang kailangan niyang – nilang gawin.

Habang nasa sasakyan sila ay pareho silang walang imik ni Marcus at nagpapakiramdaman pa rin. Nagdadalawang isip din kasi siya kung pagkakatiwalaan nga ba niya itong is Marcus dahil ika nga nito sa kanya kanina – TRUST NO ONE – pero wala naman siyang ibang choice but to trust him sa ngayon.

"Oo nga pala, pwede ko na bang sabihin kay Senator Ferrer – sa Dad mo na nahanap na kita?" Siya na unang bumasag ng katahimikan.

"No!" Mabilis na sagot ni Marcus. "Don't tell him, may 45 hours pa naman tayo. Hayaan mo lang siyang isipin na nawawala pa rin ako dahil ayaw ko siyang madamay." Dugtong pa nito.

Hindi na nakipagtalo si Maxine sa gustong mangyari ni Marcus at dalawang tanggo na lang ang sinagot niya at muli nanaman namayani ang katahimikan.

Nakasalubong ang kilay na napatingin si Marcus sa rearview mirror sabay pahayag na. "May nakasunod sa'tin?"

Agad din na napatingin si Maxine sa rearview mirror, at tama nga si Marcus may isang itim ngang kotse na tinted ang salamin ang nasa likod nila.

Tumaas ang kilay ni Maxine. "Paano mong nasisiguro na sinusundan nga tayo ng kotseng 'yan" Tanong niya sa binata.

"Kanina ko pa napapansin 'yan simula pa lang paglabas natin ng Ospital ay nakasunod na siya sa'tin at kahit kailan ay hindi siya nag overtake kahit na maraming beses na siyang nagkaroon ng pagkakataon." Seryosong sagot ni Marcus.

Biglang kumunot ang noo ni Maxine. "Kung totoo nga ang mga sinabi mo, paano niya tayo nasundan?" Pagtatakang muling usisa niya sabay tingin ng masama kay Marcus dahil hindi niya maiwasan na mapaisip na baka hindi rin nga ito mapagkakatiwalaan at kasamahan nito ang sumusunod sa kanila and isa ito sa mga plano nito para makuha ang tiwala niya.

"Wag mo akong titigan ng ganyan Maxine." Mabilis na saway ni Marcus ng mapansin ang pagkakatitig ni Maxine sa kanya. "Kung ano man ang iniisip mo laban sa'kin ay hindi totoo. Wala akong koneksyon at lalong-lalo nang wala akong kinalaman sa lalaking nakasunod sa'tin." Dugtong na pagtanggi pa niya sa kung ano man ang nararamdaman niya na iniisip ng dalaga laban sa kanya. "Baka hindi mo lang napansin na may nagmamanman na pala sayo mula sa bodega at sinundan ka hanggang sa ospital." Patuloy pa niya.

Hindi naman agad nakasagot ang dalaga at nanatiling nakatingin lang kay Marcus at pinag-aaralan ang mukha nito at nang maya-maya'y inalis na nito ang tingin dito sabay buntong hininga ng malalim.

May point naman kasi si Marcus baka hindi na nga niya napansin na may nakasunod pala sa kanya mula pa doon sa bodega.

"Siguro nga." Mahinang sambit niya na hindi pa rin sigurado na hindi pa rin maalis ang pagdududa niya kay Marcus.

Samantala, totoo nga ang sinabi ni Marcus, may inutusan nga si Hunter na magmanman kay Maxine at sundan ito kahit saan ito pumunta, ang hindi lang naman lubos akalain ng binata ay ang tangga ng inutusan niya dahil buntot na buntot naman ito kina Maxine kaya madaling nakahalata ang mga sinusundan.

Agent Z: 72 HOURS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon